Friday, January 29, 2010

PATI SA PANAGINIP PERA ANG NASA ISIP

Tama talaga tayo na parehong pareho ang kampo ni Madam Senyora Donya Gloria at ni Sen. Manny Villar dahil ultimo panaginip nila ay salapi, pera, kuwarta at ginto at iba pang mga bagay na hindi naman nila madadala sa hukay.
Buong loob nating masasabi ito dahil nitong nakaraang araw ay nakakatanggap tayo ng mga text messages sa mga obvious na kaalyado ng Hari ng Singit at Taga ng mga mensahe kung saan tinatablan pala sila ng mga batikos at nasasaktan kaya pinagbibintangan ang inyong lingkod na bayaran daw ng kampo ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III.
Ganun din ang ang mga mensahe sa text at e mail na natatanggap natin sa mga kaalyado ni Madam Gloria tuwing binabatikos natin sa mga anomalyang kinasasangkutan nila at ng amo nila.
Inamin pa sa atin mismo ng isang operator ng Malakanyang na sa kalasingan ay nagpasalamat pa sa inyong lingkod dahil sa mga kinita niya dahil sa mga banat na ginawa natin. Ayon kay Mr. C as in corrupt, siya ang isa sa namahala sa text brigade operation kung saan trabaho nilang takutin o di kaya’y banatan ang mga kritiko ng administration ni Madam Gloria.
Sa kasalukuyan, ganuong uri na naman ang mga text sa atin, mga galing sa pre paid number na hindi naman sumasagot pag tinatawagan. Mga text na nagsasabing bayaran daw tayo ng kampo ng anak ni Tita Cory at ng bayaning si Sen. Ninoy Aquino.
Malamang komo puro pera ang usapan nila at ultimo sa panaginip yun ang nasa sa isip nila, lahat ng tao akala nila ay pera ang kapalit sa lahat ng ginagawa.
Ang hindi nila naiisip, kung kagaya nila tayong mukhang kuwarta, aba sa kanila na tayo kakampi. Ilan sa mga kaalyado ni Villar ang kumausap sa atin at ineenganyo tayong sumama sa kanila.
Kaso kapag tinatanong natin sila tungkol sa Norzagaray, Laguna, C – 5 at iba pang mga kalokohan ng patron nila ay iiwas ang usapan at aalukin tayo ng puwesto sa gobyerno kapag nakatira na raw sa Malakanyang ang boss nila.
Bagay na hindi natin matatanggap dahil pagkatapos ng siyam na taong gobyernong walang ginawa kung hindi huthutan ang bayan at sipsiping parang bampira ang dugo ng sambayanan kailangan naman natin ng isang Pangulong hindi magnanakaw at hindi gagamitin ang opisina sa sariling kapakanan.
Sadsad na ho ang bayan natin pero hindi ito nangangahulugang sagad na ang pagkadapa natin. Kung magkakamali tayong muli at papayagang mamayagpag ang mga ganid sa puwesto, mas matinding hirap pa ang haharapin ng sambayanan.
Kailangan natin ng isang Pangulo ngayon pa lang tahasang sasabihing “hindi ako magnanakaw,” at gagawin ito. Isang Pangulong kaya panindigan ito dahil kailangan pangalagaan ang pangalan ng Ama at Ina na pawang nagpatunay na kaya nilang ibuwis ang buhay para sa bayan.
Huwag sana tayong magkamali muli dahil hirap na hirap na ang ating mga kababayan. Kailangan nating bumangon at ibalik ang respeto sa ating lahi.

Wednesday, January 27, 2010

VILLAR NADUWAG, NAGTAGO SA SAYA NG KAALYADO

Guilty, iyan ang hatol ng Committee of the Whole ng Senado kay Senador Manny Villar tungkol sa kaso nitong singit at taga sa C – 5 road at matindi nito pinababalik pa sa kanya ang halagang P6.2 bilyong piso na pinanggawa niya ng kalye na nakinabang ay mga lupaing pag-aari niya at ng kanyang pamilya.
Sa desisyong ito, pinakita ng mga nag-imbistiga na mga senador sa pamumuno ni Senate President Juan Ponce Enrile, isang kilalang magaling na abogado, na lumabag si Villars a Code of Conduct and Ethical Standards ng mga Opisyal at Kawani ng Pamahalaan.
Sa madaling salita, umabuso siya at ginamit niya ang kanyang puwesto upang isulong ang sarili at pamilya – sariling interest.
Sa kasaysayan ng Senado, isang taong nasuspinde si dating Senate President Jose Avelino dahil sa kasong tax evasion. Nakilala rin ang naturang senador sa katagang “what are we in power for,” nuong 1949.
Ang yumaong Senador Rene Cayetano ay tinuligsa rin ng senado dahil sa mga komento nito sa kasong Vizconde massacre kung saan hayagan niyang binastos ang ating Saligang Batas. Si Cayetano ay naugnay rin sa B W Scandal at ama ni Sen. Alan Peter Cayetano, ang masugid na tagapagtanggol ni Sen. Villar na hindi man lang nagpapakita sa senado.
Ilang buwang inimbistigahan si Villar ng kanyang mga kasamahan, maraming mga opisyal ang pinatawag lalo na mga taga Department of Public Works and Highways dahil sa pag-rerealign ng malaking pondo ng gobyerno para pagawa ng mga daan sa mga lupaing binebenta ng mga kumpanyang pag-aari ni Villar o ng pamilya niya.
Ilan sa mga ari-arian ay Adelfa Properties Inc., Golden Haven Memorial Park at Azalea Real Estate Corporation na ngayon ay kilala bilang Brittany Corporation.
Dahil sa maniobra ni Villar, ang orihinal na plano ng C – 5 road extension na mula sa Manila – Cavite Roll Expressway ay kailangang baguhin upang dumaan sa mga ari – arian ni Villar. Siya rin ang nagmanipula upang mapondohan ang mga proyektong dadaan sa sariling mga lupain.
Matindi nito, mas mataas ang siningil ng mga Villar sa gobyerno para sa lupain nilang dadaan, ilang daang porsyentong mas mahal kesa sa lupaing pag-aari ng iba.
Siningit rin ni Villar ang P200 milyong piso sa 2008 national budget para sa C – 5 road at hinayaan pa niyang tutukan ito ni Anastacio Adriano Jr., isang opisyal ng kanyang kumpanya upang tiyaking matuloy ang naturang proyekto.
Naaksaya rin ang P1.8 bilyong piso ng gobyerno sa orihinal na C – 5 extension project dahil sa puwersahang pinaikot ang kalye sa mga properties ng mga Villar.
Malinaw na conflict of interest ang ginawa ni Villar at malinaw ring nilabag niya ito ayon pa sa report ng komite.
Umamin din si Adrian sa kanyang pagdalo sa hearing na nakinabang ang mga korporasyon ng mga Villar, isang dahilan na dapat patalsikin siya pero hindi magawa ng senado dahil hindi makuha ang 2/3 na boto na kailangan.
Hinaharang ito ng mga kaalyado ni Villar na ayaw humarap bagkus nagtatago sa saya ni Sen. Alan Peter Cayetano, Sen. Joker Arroy, Sen. Aquilino Pimentel at ilan pang mga kakamping obvious na nakikinabang sa kanya.

Sunday, January 24, 2010

FSGO STATEMENT ON A CONSPIRACY TO CONTINUE ILLEGITIMATE GOVERNANCE

25 January 2010


A Conspiracy to Continue Illegitimate Governance

We, Former Senior Government Officials, warn our fellow citizens that the evil of illegitimacy that has stained our nation’s political life in the past 9 years is threatening to seep like sewage into our government even after June 30, 2010. The illegitimate GMA administration that has been marked by lying as in her Rizal Day declaration she will not run, by cheating as in Hello Garci, by stealing as in the NBN-ZTE deal and by tolerating abuse of power as in the Ampatuan massacre, is seeking to perpetuate itself beyond even its Constitutionally mandated expiration date. We warn of an emerging conspiracy to continue illegitimate governance.

Our countrymen look forward to the May 2010 elections as a chance for an orderly, peaceful and democratic change to elect a new legitimate administration that can lead our people to move beyond this unsatisfactory, distrusted and detested regime. Aspiring leaders have filed their candidacies. Political campaigns have been organized. Issues and platforms are being debated. We see in the coming elections our chance to re-establish the democratic principle that only an authentic and unquestioned electoral mandate defines the will of the people for the kind of leadership and governance they wish to prevail over the public affairs of the nation. This is the principle that is under grave threat today.

First, the risks of failures in the 2010 elections are increasing every day. All preparations for the coming elections occurred under the GMA administration and the Melo Comelec, as the Abalos Comelec, are mostly or totally composed of GMA appointees. Quoting from a PDI editorial, “Unfortunately, the trend of its recent decisions is rapidly dissipating the perception that the Melo Comelec is different from the unlamented Abalos Comelec that it replaced.” Deliveries, testing, calibration, validation and training for automated elections are delayed. Ballot printing is also delayed. Fears of logistical failures in providing the right set of customized ballots for each of the 1,630 towns of the country remain unresolved. Calls to prepare for a back-up manual elections are not being taken seriously. Whatever the reasons might be, however the situation might actually unfold, one thing must be made clear: failure in the 2010 elections can only be a deliberate one engineered by the GMA administration that has benefited so much from such events.

Second, the GMA administration is taking many alarming steps to try to retain undue influence beyond its tenure. It has launched a government-funded public relations effort touting its achievements as if it were itself a contending presidential candidate. It has








appointed many officials in positions with tenures well beyond June 30, 2010. It is attempting to justify its intention to make what would be a patently “midnight appointment” of a successor Chief Justice of the Supreme Court within the period prohibited by the Constitution. And, lest our people forget, Gloria Macapagal-Arroyo is running for Congress in the coming elections. We cannot underestimate the scale and scope of this administration’s use of government resources for the election of its favored candidates.

Ring the church bells! Sound the alarms! Shout out warnings! The orderly, peaceful and democratic transition to a new legitimate administration is in grave danger. There is only one source capable of posing this danger and that is the evil power of an illegitimate president seeking protection from accountability for her crimes. There is only one power that can face and surmount this danger and that is the power of an aware, vigilant, organized and outraged people.



For Reference:

Angelito Banayo
Former Presidential Adviser
on Political Affairs
Mobiline: 0917 743 1722
Leonor Briones
Former National Treasurer
Office of the National Treasury
Mobiline: 0917 535 9884

Cielito Habito
Former Director-General
National Economic Development Authority
Mobiline: 0917 500 5224 Melito Salazar, Jr.
Former Member of the Monetary Board Bangko Sentral ng Pilipinas
Mobiline: 0920 952 8247

ISA NA NAMANG MANDARAMBONG NA PANGULO?

“Alarming and disgusting!” ito ang eksaktong sinabi ni Crispino Aguelo, Pangulo ng Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka tungkol sa nilabas ng mayorya ng senado kung saan sinasabihan rin nila si Sen. Manny Villar na isoli ang P6.2 billion pesos na pera ng sambayanan na kanyang ginamit/sinayang sa controversial na C – 5 road extension project.
“Ang P6.2 billion pesos ay maaaring magbigay sa 248,000 walang lupang magsasaka ng tig 2,500 kwadrado metro ng lupang matataniman. Pinaaalala rin nila ang Sumilao farmers, na pagkaraan ng 11 taong pakikibaka ay nakakuha lamang ng ¼ ektarya na nakapagbigay sa kanila ng karagdagang regular na pagkain,” dagdag pa ni Aguelo.
Pinuri ng naturang grupo ang 12 senador na nagkaroon ng lakas na loob na pumirma sa report na ginawa ng Committee of the Whole na naglalayong ‘i-censure’ si Sen. Villar para sa ‘unethical conduct’ at paggamit ng kanyang posisyon para paboran ang kanyang mga ari-arian at negosyo. Sinabi rin ng grupo ng mga magsasaka na inaksaya rin ni Villar ang bilyong bilyong piso ng pera ng sambayanan.
“Hangad namin na ang plenary deliberation sa report ay gawing televised para makita ng sambayanan ang katotohanan tungkol sa isang kandidato ng pagka Pangulo, na gumagastos ng milyong milyong piso para sa tv advertisement. Malamang ang ginagastos na pera ay pagaari ng sambayanan. Nananawagan kami sa mga lahat ng magsasaka at sa sambayanan na kilalaning mabuti ang mga kandidato sa darating na halalan. Tama na ang isang mandarambong na Pangulo,” diin ni Aguelo.
Iyan ho ang statement ng grupo ng mga magsasaka at sana nga dumami pa ang katulad ng 12 senador at iba pang mga grupo na maglalakas loob labanan ang salapi at kapangyarihan ng mga pulitikong patuloy tayong nililinlang at pinaniniwala ng mga television advertisement na ginagastos ay galing rin sa nakaw sa bayan.
******
Hindi ho tayo abogado pero nakakatuwa talaga ang administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria na pilit pa ring niloloko at tinatakot ang sambayanan gaya na lang nitong hirit nila na mali raw si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino sa kanyang paninindigan na hindi kilalanin ang sino mang punong mahistrado na hihirangin dahil iligal ito dahil kanino raw manunumpa ito kung sakaling walang chief justice at siya ang magwaging Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Nagtanong tanong tayo at nagbasa tayo ng Saligang Batas natin. Wala hong nagsasaad na kailangang manumpa ang bagong Pangulo sa Chief Justice. Ito lamang ho ang nakagawian natin at nagaya natin sa Estados Unidos.
Masakit nito, pati mga tuta at bayaran nila sa media ay sinasabi ito upang guluhin at takutin ang sambayanan.
Puwede ba, maghanap kayo ng ibang palusot dahil gaya ng lahat ng kalokohan niyong ginawa ay buking na buking kayo.
Tama si Sen. Noynoy na hindi kilalanin ang isang hihirangin ni Madam Gloria dahil malinaw na isang midnight appointee ito. Tyaka bakit kikilalanin ang isang iligal na appointee ng isang iligal na pangulo?

Wednesday, January 20, 2010

BAKIT KAILANGAN ANG CHIEF JUSTICE?

Maraming plano ang ginagawa ni Madam Senyora Donya Gloria at ng kanyang mga kakampi at kakutsaba lalo na at nalalapit ang araw na mapipilitan siyang lumisan mula sa kanyang iligal na pag-ookupa sa Malakanyang.
Isa riyan ay ang guluhin ang eleksyon upang walang maiproklamang lehitimong Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Isa pa ay gumawa ng iba’t ibang putukan at kaguluhan hindi lamang sa Mindanao kung hindi sa Metro Manila upang makapag deklara ng batas militar – problema lamang dito ay kung susunod pa ba ang lahat ng mga sundalo lalo na mga middle level officers na pawang alam na alam ang mga kalokohang nagawa.
May paraan naman na payagang matuloy ang eleksyon pero tiyaking ang mananalo ay kakampi nila gaya ni Sen. Manny Villar na oposisyon kuno pero kabakada ni Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo.
Ngayon kung lahat pa rin ay sasablay, payagang manalo itong kinatatakutan nilang si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino, anak ng bayaning si Sen. Benigno “Ninoy” Aquino at dating Pangulong Corazon “Tita Cory” Aquino pero talian ang kamay agad agad sa pamamagitan ng paglalagay ng mga kasabwat sa mga sensitibo at importanteng puwesto.
Ano ang mga ito? Isa ay ang Ombudsman kung saan nilagay na nila si Merceditas Gutierrez – classmate ni Senyor First Gentleman. Ombudsman ang siyang tumatayong prosecutor ng mga corrupt sa gobyerno pati dating Pangulo. Pati nga ho deputy Ombudsman ay papalitan ay manok nila si Mike Jalandoni – bata rin ni Jose Pidal.
Ganundin ang posisyon ng Civil Service Chairperson na ngayon ay ginawa nilang si dating Health Secretary Duque. Hindi ba tinanggihan ng Commission on Appointment ng Senado at Kongreso ang pinalitan nilang si Ric Saludo dahil hindi abogado ito, sabagay si Francisco Duque ay isang doctor.
Pinuno rin ni Madam Gloria ang Court of Appeals at Supreme Court ng mga tauhan niya. Ganndin ang Commission on Audit na pinamumunuan ni Reynaldo Villar na kaapelyido ni Sen. Manny Villar.
Sa ganung sistema, kahit na wala na siya sa Malakanyang, dadaanin niya sa mga nagkakatuang ng loob sa kanila mula sa mga inappoint nila sa Korte Suprema, Court of Appeals, Coa, CSC, Senador at Kongresistang kaalyado nila na ipitin ang susunod na pangulo at pahirapan ito.
Plantsado lahat maliban sa Chief Justice sa katauhan ni Reynato Puno na hindi kanila pero magreretiro May 17 o ilang araw pagkatapos ng eleksyon. Hindi nila nakumbinsi magretiro ng maaga. Hindi rin nila napatakbo sa eleksyon kaya ngayon puwersahan nilang papalitan PAGRETIRO kahit na may iba ng pangulo sa araw ng kanyang retirement.
Kailangan ni Madam Gloria ito para lahat hawak nila para hindi siya makulong pero may bago silang problema – ang akala nilang mahinang si Noynoy - buo ang loob at nagbabala na hindi niya kikilalanin ang sinumang hirangin ni Madam.
Si Noynoy nagsalita pero si Villar na pinapaligiran ng mga abogado gaya ni Sen. Alan Peter Cayetano ay nanahimik. Kaalyado kasi.
Panibagong plano na naman sila, mahirap ilusot pero paniwalaan niyo kami, hindi bumibigay ang kasamaan pero sumisikip ang kanilang mundo.

Monday, January 18, 2010

MADAM GLORIA AT SEN. VILLAR PAREHONG PAREHO

Habang nalalapit ang araw ng eleksyon ay unti unting lumalabas ang baho ng mga desperadong manalo kaya ginagawa lahat ng style na bulok na naikukumpara tuloy natin sa kasalukuyang administrasyon.
Ganyan ngayon ang ginagawa ng kampo ni Sen. Manuel “Singit at Taga” Villar na bilyong bilyong piso na ang ginagastos pero hindi pa rin makahabol kay Sen. Benigno “Noynoy” Aquino na milya milya na ang layo.
Kesa harapin niya ang mga isyu tungkol sa kanya lalo na ang binulgar ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na singit budget sa C5 road, ang pangangamkam sa Norzagaray at sa Laguna at iba iba pang lugar sa Pilipinas ay para silang mga walang pinag-aralang nangungutya na abnoy, autistic, ignoy at kung ano ano pang pang-aasar sa anak ng bayani nating dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino at dating Pangulong Corazon “Tita Cory” Aquino.
Buong akala nila bobo ang sambayanang Pilipino na maniniwala sa mga pagtatawag nila ng negatibo kay Sen. Noynoy. Hindi nila naisip na pinakikita nila ngayon pa lang ang ugali nila na kung hindi makuha ang nais ay dadaanin sa maruming paraan.
Matindi pa nito, kesa gawin sarili ito ni Sen. Villar, dinadaan niya ito sa mga tuta niyang mga bata pa pero mga ulol na na atake ng atake at kahol ng kahol. Iwasan lamang natin ang mga gaya nila dahil ngayon pa lang tandaan natin mahirap makagat ng asong ulol.
Para siyang si Madam Senyora Donya Gloria na kesa sagutin ang mga isyu ng ZTE – NBN, Diosdado Macapagal Highway, Jose Pidal ay titirahin ng mga pinakawalang asong ulol ang mga nagbubulgar nito gaya ni Sen. Lacson at iba pang whistle blower.
Si Sen. Villar, kesa sagutin maigi ang mga isyu tungkol sa pangangamkam ng lupa, paggastos pera ng gobyerno sa mga kalye na pag-aari niya at pagwaldas ng pera ng senado upang gamitin sa pangangampanya ay pinaarangkada ang mga kaalyadong mga senador at mga kandidato.
Pinawalan niya na rin ang kanyang mga bataan na walang ginagawa maghapon kung hindi mag text brigade at manggulo kahit na hatinggabi.
Sa inyong mga tuta diyan at sipsip, maningil na kayo. Tiyakin niyo lang na malaki ang sisingilin niyo dahil balita ko kada operasyon na ginagawa ng amo niyo ay pinakamababa na P5 milyong piso ang gastos.
Kung ilang libo lamang at ilang daang libo lamang, aba soli niyo, baka may singit at taga riyan o di kaya’y bubukol iyan dahil sobrang laki ng tongpats.
Pakiusap ko rin kay Sen. Villar, lalo na ang mga tao niyang gumagawa ng ads, huwag niyo naman tipirin ang mga batang ginagamit ninyo riyan. Sana hindi totoo ang balitang binayaran ang mga batang iyan ng ilang libo lamang dahil ang tunay na budget ay nasa milyon. Huwag kayong pabubukol sa mga gumagawa niyan.
Tandaan ninyo, iyan ang style nilang bulok ngayon pa lang so paano pa kung malalagay sila sa puwesto.
Katulad na katulad talaga ni Madam Gloria. Pero higit sa lahat, sagutin niyo kami ng deretso tungkol sa binulgar nating pagkikita ni Madam Gloria at ni Sen. Villar na siyang tunay na kandidato ng administrasyon.

Tuesday, January 12, 2010

ANO ANG NAGAWA NI VILLAR AT NI GORDON?

Pinagtulungan ni Senador Manny Villar at Senador Richard Gordon si Senador Benigno “Noynoy” Aquino sa isang debate ng mga nais manungkulan bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at pilit na tinatanong kung ano ang nagawa niya na para maghangad maging Pinuno ng bansa.
Sinundan pa ito ng mga tauhan ni Villar sa katauhan ni dating Congressman Gilbert Remulla at Senador Alan Peter Cayetano na pinagpipilitang walang nagawa si Noynoy.
Kapag hitik na hitik nga naman ang puno siya ang binabato. Malaki kasi ang lamang ni Senador Noynoy sa mga survey at alam nila Villar, Gordon at iba pang mga kakutsaba ng Malakanyang na tanging paraan upang mapigilan ito ay daanan sa maruming labanan ang eleksyong ito.
Ultimo ang huling survey na kinomisyon ng mga kakampi ni Villar ay obvious na lutong macau na matindi pa ang pagkakaluto sa mga casino na naglipana sa ating bayan sa panahon ng pamumuno ng iligal na si Madam Senyora Donya Gloria na phone pal hindi lamang ni dating Comelec Commissioner Virgilio “Garci” Garcillano kung hindi ni Villar, Gordon at iba pang mga senador na karancho nila.
Tinatanong nila ano ang nagawa ni Noynoy pero ayaw nila siyang pakinggan at pinagtutulungan. Dapat tanungin nila sarili nila.
Kay Villar, bakit hindi mo sagutin ang katotohanan tungkol sa singit at taga mo sa C 5 kung saan pondo pa ng bayan ang pinanggagawa ng mga kalye ng mga ari-arian mong marami raw ay kinamkam sa mga pobreng magsasaka gaya ng mga taga Norzagaray.
Paliwanag mo rin paano mo babawiin ang mga ginastos mong ads na sa araw na ito ay payat na ang P3 bilyong piso.
Pero higit sa lahat, paliwanag mo ang pakikipagkita mo sa kay Madam Senyora Donya Gloria kamakailan sa ibang bansa kung saan ang plinano niyong hindi patakbuhin si Vice President Noli de Castro dahil malakas itong kandidato. Pinagkaisahan niyong patakbuhin si dating Defense Secretary Gilbert Teodoro na para sa inyo ay mahina at magkunwaring kandidato ng administrasyon. Iyan ang dahilan bakit karamihan sa kakampi ni Gloria tumatakbo sa partido ni Villar.
Paki sagot nga ito Sen. Villar kung hindi ba totoo na kayo ang kandidato ni Madam Gloria at ayos na ang usapan niyo ni Sir Senyor Jose Pidal Arroyo kaso nabulilyaso ng mamatay si dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino at nagkaroon ng panawagan ang karamihan sa kababayan natin na patakbuhin si Noynoy.
Ano rin ang ginawa niyo ng binubulgar ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang mga anomalya sa administrasyon ni Madam Gloria? Hindi ba totoong kayo rin ang nagpondo sa mga black propaganda sa kanya upang matabunan ang isyu laban sa asawa ng kausap niyo pati ang pagsusutento kay Cesar Mancao.
Kay Gordon naman, isa lamang sasabihin ko. Hindi siya karapatdapat patulan dahil wala naman siyang pagasa at tumatakbo lamang iyan dahil hindi na nakaapak sa lupa ang kanyang mga paa. Deretso kong sasabihin, pansariling interest lamang inaasikaso niya gaya ni Villar. Ano nagawa niya? Daldal ng daldal at angkinin ang ginawa ng iba.

Friday, January 8, 2010

HUSTISYA PARA SA MGA AMPATUAN?

“Kahit na sabihin natin na nagkasala ang ampatuan, dapat bigyan pa rin natin sila ng karapatan na idepensa ang sarili. Hindi pa naman sila nasesentensyahan na nagkasala kaya nga may tinatawag na batas. Paano natin sabihin na patas ang batas kung ayaw niyong may abogadong magdepensa sa ampatuan? Kung ganyan din lang patayin niyo na lang sila para wala ng batas na paiiralin para sa kanila. Gusto mo rin pag ikaw may kaso ka hindi ka bibigyan ng karapatan na idepensa sarili mo?”
Text ho iyan sa atin ng isang taong hindi nagpakilala pero minarapat natin ilathala at sagutin ang lahat ng kanyang katanungan. Komo nilabas natin ang text niya sa atin, dapat rin ilabas natin ang cell phone number niya na 09109268780.
Anyway, pinagpipilitan niya na kailangan pa rin natin ng patas na laban ang mga Ampatuan dahil hindi pa naman daw ito nahahatulan o nasesentensyahan.
Maaaring tama ito kung ang umiiral na batas rito sa atin ay hindi batas ni Madam Senyora Donya Gloria kung saan ang kaalyado at kapartido niya (gaya ng mga Ampatuan) ang laging nananaig at ang lahat ng nakakalaban niya ay bugbog sarado at pinahihirapan ng Justice Secretary niyang si Agnes Devanadera na kaeskwela at best friend ni Sir Senyor Don Jose Miguel Pidal Arroyo o ni Ombudsman Merceditas Gutierrez na dapat sana ay inaaksyunan ang mga kaso laban sa mga corrupt na opisyal ng administrasyon pero walang ginawa kung hindi gamitin ang opisina sa panggaganti sa mga naglakas loob na lumaban sa mga tongpats ng kasalukuyang administrasyon, o di kaya’y mga opisyal na nakikialam sa pagaayos ng mga kaso laban sa administrasyon o alyado niya gaya ni dating Presidential Chief of Staff Mike Defensor (tumatakbong alkalde sa Quezon city) na siyang dumukot kay Udong Mahusay na pangunahing testigo ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa Jose Pidal case at siyang sumubok ring manuhol kay Jun Lozada upang umatras sa pagtetestigo sa kaso ng NBN ZTE case.
Higit sa lahat, okay sana kung hindi nasusuhulan ang mga marami sa mga miyembro ng ating korte hanggang sa Korte Suprema dahil sa pawang mga appointee na sila ni Madam Gloria.
Malinaw na ehemplo pero higit sa lahat paninindigan ko na sinumang abogado ang handang tumayo para sa mga Ampatuan ay kagaya nila na ang tanging diyos ay ang demonyo.
Yung sinasabi niya naman na kung hindi rin lang natin bibigyan ng karapatan ang mga Ampatuan ay bakit hindi natin patayin na lang sila? Ang sagot ho natin ay hindi kamatayang mabilis ang solusyon sa mga Ampatuan. Kailangan sa kanila ay danasin nila ang mga ginawa nila sa mga kapuwa nila at unti unti at mahaba ang maging parusa sa kanila.
Kasagutan naman sa text na kung ang inyong lingkod ang may kaso ay nanaisin ko bang hindi rin ako bigyan ng karapatang idepensa ang sarili – sagot ko, sa kasalukuyang administrasyon hindi tayo umaasa ng anumang patas na laban dahil tayo ay hindi nakikipagsabwatan sa kampon ng kasamaan.

Tuesday, January 5, 2010

IBA PANG ANOMALYA SA COMELEC DAPAT BANTAYAN

Sa balita inamin ni Commission on Election chair Jose Melon a marami pang problema tungkol sa nalalapit na unang automated election sa ating bansa pero ginagawa raw nila ang lahat para siguruhing walang magiging gusot.
Ilan sa isyu na napagusapan ay ang paggawa ng ballot boxes na kahit walang kontrata at hindi dinaan sa bidding ay binigay na lang din sa Smartmatic, ang Venezuelan company na siyang nanalo para sa automated election.
Inamin rin ng Comelec na kulong ang napadalang mga makinang ipinangako para sa unang deliver ng Smartmatic ng mga counting machines samantalang hindi pa rin preparado ang mga balota na may pangalan ng mga kandidato habang lumalapit ang deadline ng printing nito sa January 10.
Lahat naman nakatuon ang pansin sa Smartmatic at masusing binabantayan ito lalo na ang sistema nila ng pagbibilang at pag transmit ng boto ilang minuto lamang natapos ang eleksyon.
Magulo pa rin ang general guidelines na inisyu tungkol dito pati ang educational drive o pagtuturo sa ating mga mamayan. Ibang iba kasi ang eleksyon na ito dahil wala ng pagsusulat ng pangalan. Kapalit nito ay ang pagiitim o pag shade sa bilog na nasa tabi ng pangalan ng kandidatong ating napipili.
Maganda ang pinakikita nating mga pagmamatyag, lalo na ng iba’t ibang grupo gaya nila Atty. Harry Roque at Gus Lagman na bagama’t tumutol sa Smartmatic ay patuloy na binabantayan ang sistema para tiyaking hindi magamit ito sa dayaan.
Pero nakakalimutan nating lahat, lalo na ang mga taga media ay iba pang mga kontrata tungkol sa automation gaya ng pagaayos ng listahan ng botante, mga id ng botante na nuon pa pinangako at ultimo ang pinangakong finger printing o tinatawag nating biometrics ng mga luma at bagong botante.
Malaki laki ang kontratang ito na nagkakahalaga ng halos P2 bilyong piso pero hindi ng gobyerno pinatutupad ito samantalang nakatanggap na ng bayad ang kumpanyang kakutsaba nila.
Patuloy ho kami naghahalughug ng papeles at pag nakumpleto ay bibigay namin sa inyo ng buong buo pati mga senador na alam nating matino at paiimbistigahan ito.
Kung iniisip ng Comelec at mga kakutsaba nila na lulusot sila dahil lahat nakatuon na sa Smartmatic at eleksyon, mali ho kayo, nagbabantay kami.
******
Nabuking na VIP treatment ang mga Ampatuan sa kulungan nila. Galit ang mga kamag-anak ng biktima pero ngayon pa lang sasabihin ko sa inyo. Habang nasa administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria, huwag tayong umasa na patas ang laban.
Hindi kaya ng Malakanyang parusahan ang mga Ampatuan dahil kasabwat sila sa maraming krimen hindi lamang sa Hello Garci kung hindi sa iba pang krimeng ginawa sa lugar na iyan.
Kasabwat sila at walang sumbungan, baga sa Mafia may Omerta silang pinagkasunduan.
In the meantime, bantay lang tayo ng husto pati mga abogado nilang magagaling sa gapangan. Mga nakalantad nilang abogado at mga nakatago nilang abogado ay ating mahuhuli at ibugulgar.

Search This Blog

Loading...