Monday, March 8, 2010

REKOMENDASYON KAY VILLAROYO

Maraming kinakausap ang kampo ni Sen. Money Villaroyo upang “bilhin” para maging literal na kanya ang Republika ng Pilipinas. Kung si Madam Senyora Donya Gloria ay inagaw ang Malakanyang, si Villaroyo ay binibili ito.
Buong akala niya kalakal ang buong bayan at lahat ng tao ay may presyong kapalit, kaso nakatagpo siya dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Richard “Dick” Gordon.
Kahit anong sabihin nila, ang tatlong ginoong ito ay may delikadesa at tiyak ko nainsulto sa ginawa ng kampo ni Villar na lantarang pamimili na buong akala siguro ay lahat ng bagay ay pera pera lang.
Hindi umubra ang power ni Villaroyo, butata siya pero tiyak maghahanap pa ito ng ibang pwede mabili kaya mula sa araw na ito ay ituturo ko sa inyo ang mga corrupt na madali niyong makuha. Bukod ito sa mga kagaya ni Fertilizer Scam Jocjoc Bolante na nasa kampo niyo na, si jueteng Lord Armand Sanchez ng Batangas at marami pang iba.
Ang rekomendasyon ko sa inyo ay si Atty. Santago T. Gabionza, Jr. na madali niyong gamitin upang mangamkam ng mga kumpanyang nanaisin niyo. Baka kasi maubos na ang mga lupang inaangkin at kailangan na mag diversify ng pamilya Villaroyo.
Background ni Gabionza ay self style rehabilitation receiver ng Steel Corporation of the Phlippines sa halos tatlong taon. Siya ang inatasan ng hukuman para maiangat ang kumpanyang nalulugi upang makaahon ito at matiyak na patuloy na makapagbibigay ng trabaho sa mga empleyado nito. Dapat sa kanya patas, walang papanigan.
Kaso, kesa unti unting iangat ang kumpanya, dinidiin niya ito para lalong mabangkarote at maiilit ng bangkong kakampi niya. Style ito nuon ng Capitol Development Bank na pag-aari ng mga Villaroyo kaya bagay na bagay niyo kunin si Gabionza.
Pero ang pagkakaiba ni Gabionza, marunong daw siyang tumanaw ng utang na loob dahil ang bangko ang nagtalaga sa kanya sa puwesto kaya syempre pabor siya rito. Hindi gaya ni Villaroyo na ginawang speaker ni Pangulong Erap pero pina-impeach niya.
Hindi maikakaila ni Gabionza ito dahil siya rin ang rehabilitation counsel at corporate secretary ng Victorias Milling Corp. na hawak rin ng parehong bangkong nais lamunin ang Steel Corporation of the Philippines sa Balayan, Batangas.
Dati rati mahigit P13 bilyong piso ang assets ng Steel Corporation of the Philippines sa Balayan, Batangas kaso tumagilid ito dahil sa financial crisis.
Ngayon, lalong umaalog, paano naman, si Gabionza ay swinelduhan ang sarili ng P300,000 kada buwan at kinuha pa ang sariling law office upang maging legal counsel ng tagilid ng kumpanya at binayaran ang sarili ng mahigit P600,000 sa loob lamang ng apat na buwan.
Pero hindi pa diyan natapos iyan, kumuha pa ito ng financial adviser na ang bayad ay, P3.5 milyong sa katauhan ni Gerardo Anonas na pinsan ng asawa ni Atty. Senen de Santos – partner ni Gabionza sa kanyang law firm.
Ang utol naman ni Gabionza na si Jose ay Vice President ng kumpanyang pag-aari rin ng naturang bangko. Masyadong garapal.
Nakikiusap sa Court of Appeals ang tunay na may-ari ng Steel Corp na alisin si Gabionza. Kung patas ang desisyon, sibak ito ng tuluyan kaya walang trabaho ito.
Sa kanyang talento, puwede siya kunin ng kampo ni Villaroyo. Ukmang ukma, bagay na bagay, shoot na shoot dahil magaling sa singit at taga at malakihan pa.

0 comments:

Post a Comment

Search This Blog

Loading...