Tuesday, February 16, 2010

MONEY VILLAROYO

Tuwing ilalabas ang bulok ni Sen. Manny Villar hihiritin niya na inaapi siya ng mga mayayaman at pulitika lamang ito. Pipilitin niya na isa siyang mahirap at ginagawa ito ng mga mayayaman dahil hindi nila matanggap na isang katulad niya ay makaahon sa hirap.
Dagdag pa niya paulit ulit ay nais niya lamang tumulong sa mga mamamayan nating mahihirap.
Wow, napakaganda pala ng hangarin ng senador na ni minsan ay hindi kumibo tungkol sa eskandalo ng Hello Garci at siya ring nagpatalsik kay dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada sa pamamagitan ng apurahang kilos sa kongreso ng siya pa ang Speaker ng House of Representative. Ang pagpapatalsik kay Erap ang siyang nagbigay daan upang iligal na umokupa sa Malakanyang si Madam Senyora Donya Gloria.
Ang Hello Garci naman ang dahilan upang patuloy na manatili si Madam Gloria sa Malakanyang.
Si Senador Manny Villar nga rin ang isa sa unang kandidato ni Madam Gloria nuong maging senador ito nuong 2001 at sumama lamang sa oposisyon nuong 2007 ng makita nilang mabahong mabaho na ang administrasyon.
Nuong speaker naman si Villar at hanggang sa maging senate president, malaking pondong sana ay nagamit para sa mga paaralan, pagamutan at tamang mga kalye, ang nilipat niya sa mga C – 5 extension project at iba pa na naging dahilan upang tumaas ang presyo ng mga lupang binebenta ng mga kumpanyang pag-aari ng pamilya niya.
Kung ang dating lupa ay nagkakahalaga ng P1 libo hanggang P5 libo kada square meter, ito ngayon ay umaabot ng P10,000 at pataas pa kada square meter. Maaaring hindi deretsong pagnanakaw ito pero malinaw na pananamantala at pangaabuso sa puwesto ito.
Marami na tayong artikulong sinulat tungkol dito sa mga paraan ng pananamantala niya at sana tandaan natin na hindi man latarang pagnanakaw ito ay patunay ito anong uri ng tao ang hindi pa man nagiging pangulo ay inaabuso na ang posisyon.
No wonder yumaman siya ng ganun, sobra siyang magaling at talagang dinaan niya sa sipag ng (panggugulang) at tiyaga ng (pananamantala).
Kasama rin sa kanyang gulang at samantala ay ang pagtulong kuno sa kapuwa nitong nakaraang isang taon kung saan nakatuon na siya sa ambisyon niyang maging Pangulo.
Hindi siya tumutulong mula nuong Speaker siya maliban kay Madam Gloria na niluklok niya sa puwesto at sa mga kumpanya niya dahil duon niya binuhos ang mga kalye. Ngayon lamang mga kaibigan, tandaan sana natin ito.
Ngayon naman, unti unti lumalabas ang kulay niya. Kandidato niya si Jocjoc Bolante ng Fertilizer Scam na kaporal ni Sir Senyor Don Jose Miguel Pidal Arroyo. Kandidato niya rin si Executive Secretary Ed Ermita sa pagka kongresista ng Batangas.
Ayaw niya ring mangako na hindi tataasan ang buwis o may bagong buwis dahil isa siya sa principal na author ng expanded value added tax.
Hindi ba lumilinaw, plano nila ituloy ang pamamayagpag ng mga Arroyo.
Money VillARROYO sa pagkapangulo, Joker ARROYO sa pagka Senate President at Madam Gloria Macapagal ARROYO sa pagiging speaker.

4 comments:

Anonymous said...

di ko talagaa maintidihan to c money villarroyo(in tandem pa cila ngaun sa mga nakakatakot na adhikain nilang 2 ni gloria)!ano nga bang moron sa ating bansa at di maiwan iwanan ni gloria?kailangan nia pang magkaroon ng dummy(money villar) panawagan ko lang sa aking mga kababayan,sobrang yayaman na nila(money villar,gma)ano pa ba nman ang gusto nila sa ating mga mahihirap...masadlak lalo sa kahirapan?.sila pa rin ang mamayagpag!walang edukasyon ang mga bagong sibol na kabataan dahil sa sobrang baba ng kalidad ng edukasyon para mabuhay ng mangmang?madaling mauto...kaway kaway sa harap ng kamera sabay ngiting aso!presto!nauto na nman c juan dela cruz... pinupulitika lang daw ntin sia!!!ito nman c lolo dolphy di alam kung anong sinasabi?isa pa to c bitoy!graduate ka nga ba ng plm? c willie revillame nman pera pera lang yan...wala nmang pride tong mamang to" sarah jeronimo!sympre pera lang din sikat eh" tanggapin ntin kung anong ibigay ni money villarroyo and tandem sa tin din nman galing un!magagaling nman ang mga presidentiables,di kasali c money villar dahil sa kanyng mga masamang plano para sa atin...isang bangungot ito pag si money villarroyo ang nanalo...di ako namumulitika...sadyang nakakatakot...ang bangungot na ito...pag minaniobra na ni gloriang mapandak! ang walang kakwenta kwentang comelec...

Anonymous said...

I pity the Philippines kung mangyayari ang ganito. Kailan kaya tayo magigising sa katotohanan. We only have ourselves to blame for the situation we are in if we vote for the wrong person to rule our country. Tsk, tsk, tsk. Kahit ano pang dasal at novena ang gawin natin wala rin mangyayari kasi mukha pera lang ang katapat ng mga tao. Nakakaawa naman tayo! Have we stooped this low at ang prinsipyo ay bale wala na lamang. Pera pera na lang ba ang mahalaga!!!!

Anonymous said...

Based on the report on Senator Villar spending this 2010 Election, for the months of November and December 2009, he had already spent 1.2Billion in advertisement. For the month of January to February 2020, he had spent something like 796Million. This almost 2Billion. Where did this money came from?

Now, from the alleged C5 controversy, he is allegedly benefited by receiving almost 4B. If we are going to estimate the remaining days of 2010 elections, Senator Villar will be spending about 4B or more. THIS IS WHAT HE GETS FROM C5. Its public money that he is spending for his campaign.

Anonymous said...

mga timawa! sugapa! sakim! sa pera!!! mga walang kahihiyan sa sarili kahit alam na yung style nya. sino kaya ang magiging presidente na magiging transparent sa lahat ng bagay? sana may isang channel na naglalabas lahat ng mga nangyayari sa pondo ng bayan. sna yung mga mambabatas natin e gumawa ng batas na mag bibigay karapatan sa mga media na ilahad LAHAT! ng mga nangyayari sa ating bansa, lalo sa pondo! kumbaga isang channel na lahat ng audit ng may posisyon e lahad lahat! hay! dami ko gustong sabihin, sana maintindihan nyo. salamat po.

Post a Comment

Search This Blog

Loading...