Saturday, February 13, 2010

MITRA BUKING SA PALUSOT

Plano ni Congressman Abraham Kahlil B. Mitra na maging gobernador ng Palawan pero nabuking ito at hindi umubra ang kanyang mga palusot.

Buong akala kasi ni Mitra ay uubra ang ginawa niyang paglalagay ng kanyang tinitirahan sa isang babuyan na kanyang biglaan lamang inupahan sa Sitio Maligaya, Brgy. Isaub sa bayan ng Aborlan sa Palawan.

Alam ng lahat na ang tirahan niya ay sa Sta. Monica sa Puerto Princesa pero nakaligtaan niya na ito ay naging isang highly urbanized city dahil sa pamumuno ni Mayor Edward Hagedorn kaya hindi kasali ito sa pagboto ng gobernador. Sa madaling salita, para itong independent city at walang pakialam ang gobernador. Maihahalintulad natin ito sa Cebu city at Baguio city.

Paalala rin nga ho pala, ang batas na nagdedeklarang highly urbanized city ang Puerto Princesa ay si Mitra rin ang umakda.

Sinuman ang nais maging gobernador ay kailangang botante sa naturang probinsiya at hindi botante ng highly urbanized city. Nakalimutan ito ni Mitra at ng natuklasan niya gawa siya ng paraan kasama nga nitong pagbili ng isang babuyan sa naturang sitio at pagbili ng isang lupa kung saan tinatayo ang magiging bahay bakasyunan niya na palalabasin niyang tahanan niya.

Problema niya, nabuking siya ni Antonio Gonzales at Orlando Barbon Jr. na nagsiyasat maigi at natuklasan na lumipat lamang ng voter’s registration ang kongresista nuong Marso 20, 2009 at bumili ng isang halos 30,000 square meter na lupain nuong June 5, 2009 at tyaka pa lamang nag-apply ng permit upang tayuan ng bahay.

Hindi pa ito ubrang tirahan hanggang sa araw na ito at ang isa pang sinasabi niyang tirahan naman ay tunay na tirahan ng mga trabahador.

Pilit rin niya na nuong Marso 2008 pa siya nakatira rito pero sa sinagawang inspeksyon ng mga opisyal at pribadong residente ay natuklasan na ultimo kusina at comfort room ay wala ang “bahay” ni Kongressman.

Tatlong tauhan rin ng dating feed mill o babuyan ang nagsabing sila ang natutulog sa naturang kuwarto at hindi si Kongresista Mitra. Baka naman magkakatabi sila.

Ultimo ang matagal na bodyguard ng pamilya nila, si Nicanor Hernandez ay nagsabing hindi sa Aborlan nakatira si Mitra kundi sa Puerto Princesa.

Mabigat ang pressure na ginawa ng mga Mitra sa Comelec, kasama na rito ang mga pananakot ng isang mataas na opisyal ni Madam Senyora Donya Gloria pero hindi yumuko ang dibisyon ng Comelec sa naturang kasong ito.

Matindi ang ebidensya kaya disqualified si Mitra. Next time ka na lang maghangad muli pero tiyakin mo muna kung saan ka tunay nakatira ha at tirahan mo.
******
Sa susunod nating column tatalakayin natin ang tungkol kay Villaroyo. Pakikita natin bakit naisahan si Lakas candidate Gilberto Teodoro ng samahang Madam Gloria Macapagal Arroyo at Sen. Manny Villar.

0 comments:

Post a Comment

Search This Blog

Loading...