Pinanganak si Alberto de Leon Ramos, 63, sa bundok ng Norzagaray kaaalis lamang ng mga mananakop na hapon. Ang Ina niya ay isang Dumagat, mga native ng bundok Balagbag sa Norzagaray, Bulacan. Ang ama naman po niya ay isang taga patag.
Masaya ang kabataan niya, patakbo takbo sa bukid kasama ang siyam na kapatid. Katulong rin ng ama at ina sa pagsasaka at nahirang pa bilang pinuno ng mga Dumagat. Naging Chieftain at kagaya ng mga kapuwa niya Dumagat simple ang pamumuhay at masayang pamilya.
Tahimik sila hanggang dumating ang dekada 90 kung saan laking gulat sila ng pasukin sila ng mga armadong lalaki. Pinalalayas sila dahil sila raw ay mga squatter at bawal sa lugar.
Pinagtabuyan sila na parang mga aso at marami sa kanila, kasama na si Ka Obe ay napilitang lumisan. Mga lalaki nagsilisan at naiwan lamang ang matatandang babae na kinaawaan naman ng mga gwardiya.
Naghabol sila kasama ng mga kapuwa Dumagat pero anong laban nila sa kapangyarihan ng pamilya ni Sen. Manny Villar na nuong panahong iyon ay miyembro na ng Kongreso samantalang ang pamilya ng asawa niyang si Kongresista Cynthia Villar ay siyang may hawak ng Las Pinas.
Wala silang magawa, saan saan sila lumakad dala ang mga titulong hawak nila pero ano magagawa nila sa mga titulong dala ng mga Villar na isyu nuong 1946.
Matindi nito, sinangala pa ng mga Villar ang mga lupaing ito sa Bangko Sentra ng Pilipinas ng malugi ang Capitol Bank na pag-aari nila.
Sinabihan rin sila ng ilang mga taga gobyerno na kanilang kinausap na huwag ng umasa kahit na inamin sa kanilang anumang titulong nilabas nuong panahon ng hapon ay maituturing na peke.
Pero hindi sila pumayag, nagpursigi ang mga Dumagat at iba pang mga taga Norzagaray na bawiin ang lupa. Patuloy ang kanilang pakikipaglaban.
Sa kasalukuyan, paunti unti nakakabalik sila at nakakapagtanim pero nananatili ang takot, Hindi nila alam kelan sila muling palalayasin muli. Nakiusap sila sa mga tauhan ni Villar, sinikap pasyalan sa senado at kongreso pero kahit minsan hindi hinarap.
Buong akala, ang galing sa mahirap ay iaahon ang mahirap pero malinaw sa kanila na lahat na pagiging makamahirap ay parang titulong sinangla sa Bangko Sentral, mga peke at pakitang tao lamang.
Ngayon nakikiusap ang mga Dumagat sa sambayanan, tulungan sila at ibalik ang mga lupang kanilang sinasaka. Nakiusap sila sa gobyerno, nagsampa ng kaso ilang taon na ang nakaraan pati sa Ombudsman pero walang nangyayari.
Karamihan sa kanila, namatay na ang mga magulang, kinamatayan na ang pakikipaglaban at hangad nil asana hindi naman umabot na anak na nila o apo nila ang siyang magtutuloy ng laban.
Villar maawa ka, nasaan ang pagiging makamahirap mo? Nasaan ang pagiging makatao mo? Nasaan ang nais mong iahon ang mahihirap sa kahirapan?
******
Nuong Marso ng nakaraang taon si Esperanza Reyes, isa ring Dumagat Remontado (mestizong Dumagat) ay naging balo habang buntis ng kanilang bunsong anak na ngayon ay ilang buwan pa lamang.
Pinaslang ang asawa ng mga armadong lalaki na nagbantang umalis na lang. Hanggang kelan ang laban nila?
Saturday, February 20, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment