Kung may isyung hindi masagot si Senador Manny Villar ay ang isyu ng pangaagaw ng lupain ng mga Dumagat sa Norzagaray.
Lahat ng paraan ginagawa niya upang hindi lumaki ang isyu at masakit sabihin kasama diyan ang suhulan ang ilang mga miyembro ng media na agad agad naman nililiko ang istorya o di kaya’y pataying ang istorya.
Gaya ng ginawa niya sa isyu ng C – 5 kung saan nagsingit siya ng malaking halaga upang ipagawa ang kalyeng makikinabang ay mga subdivision niya, ayaw niyang harapin ang isyu at kaduwagang nagtatago siya at sasabihing pulitika lamang ang lahat ng ito.
Ang hindi niya inaamin, ang kaso na sinampa sa kanya ng mga Dumagat ay nuon pa ginawa, ilang taon na ang nakaraan. Katunayan, hindi pa siya senador ng unang magreklamo ang mga taong ito.
Kaso dahil sa kapangyarihan ng kanyang salapi ay walang nagawa ang mga taong ito. Lahat tinatapalan niya at walang nagawa ang mga Dumagat kung hindi lumabas muli at humingi ng tulong ng media. Problema lamang, malungkot na gaya n gating lipunan, marami na rin ang corrupt sa idustriya.
Personal natin pinuntahan ang mga Dumagat kahapon at galit na galit sila. Handa na raw silang lumaban muli kahit na marami na sa kanilang kalalakihan ang napaslang o nasaktan nuong nakaraang mga panahon dahil sa pakikipaglaban nila ng kanilang lupa.
Wala raw silang pakialam sa pulitika pero nais nilang malaman ng sambayanan ang kawalanghiyaan ng mga Villar pagdating sa lupa nila. Wala raw katotohanan na makamahirap si Ginoong Villar dahil silang mga mahihirap, mga isang kahig isang tuka na mga katutubo ng Norzagaray ay inaagawan pa ng pagkaing isusubo na nila.
Mga paraang ginawa raw ito nuong nakaraan ng mga guwardiya ni Villar na pati pananim nilang malapit ng anihin ay binubunot at tinatapon. Sa bisa ng kanyang armas at lakas, pinagtatabuyan sila kaya marami sa kanila ang napilitang manirahan sa ibang lugar at hindi mapag-aral ang mga bata.
Hinahamon siya ng mga Dumagat na harapin ang kaso nila, bayaran ang mga Bangko Sentral ng Pilipinas upang maibalik sa kanila ang lupa nila. Sinangla kasi ni Villar sa pamamagitan ng mga titulong ginawa nung panahon ng Hapon sa Bangko Sentral ang lupa ng mga Dumagat sa halagang P1.5 bilyon.
Lumalabas na peke ang mga titulong ito at talagang inapi ang inagawan ang mga pobreng Dumagat.
Ayaw ring kumilos ng Ombudsman na malinaw naman sa atin ang dahilan – takot kay Villar o di kaya’y nabayaran.
Ang mga alipores niya naman ay hindi rin hinaharap ang isyu at ang ginagawa ay sasabihing pulitika ang lahat ng ito. Magtatago sila sa baluktot na katuwiran.
Sen. Villar, magpakalalaki kayo. hindi kayo iwas ng iwas sa mga isyu. Gayain niyo ang mga Dumagat na kahit na isang kahig isang tuka ay handang lumaban.
Patunayan niyong kayo ay taga Tondo, sa mga taga Tondo, hindi umaatras sa laban at hindi nagtatago sa likod ng mga tuta.
Gaya ng sabi ni Senate President Juan Ponce Enrile at inulit ni Sen. Jamby Madrigal, isa kayong duwag. Malinaw na malinaw, walang karapatang mamuno sa bansang ang mamamayan ay kilala sa kagitingan.
Wednesday, February 24, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment