Friday, February 26, 2010

DERETSONG KUWENTO TUNGKOL SA LUPANG KINAMKAM NG MGA VILLAR SA NORZAGARAY

Marami ang naguguluhan sa kuwento ng pangaagaw ng lupa ng mga Dumagat sa Norzagaray kaya minarapat natin na gawing mas simple at punto por punto ang tungkol dito para mas madaling intindihin ng ating mga kababayan.
Lahat ng isasaad natin dito ay base sa mga papeles at interview natin hindi lamang sa mga Dumagats kung hindi mga eksperto.
• Ang mga nagrereklamo rito ay mga magsasaka na karamihan ay mga ninuno pa ang nagsaka ng mga lupain sa paanan ng bundok diyan sa Norzagaray, Bulacan.
• Nakakuha ng titulo ang mga magsasaka sa lupang sinasaka pa ng mga ninuno nila sa ilalim ng Original Certificate of Title (OCT) No. P – 858/ Free Patent No. 257917 (inisyu nuong Abril 27, 1964) ng Register of Deeds ng Bulacan.
• Nuong Marso 7, 1987 ay nasunog ang tanggapan ng Registry of Deeds ng Bulacan kaya nasunog ang mga kopya ng OCT na nakatago sa kanilang mga vault kaya kailangang magkaroon ng tinatawag nating reconstitution proceedings.
• Ang mga magsasaka sa representasyon ni Gina Jarvina at iba pa at si Valentino Amador ay nagfile ng petition para ma reconstitute ang titulo ng kanilang mga titulo sa Branch 16, Regional Trial Court ng Malolos, Bulacan.
• Habang nagpepetisyon sila upang maibalik ang titulo ng kanilang mga lupa, nagharap ng pagkontra ang Bangko Sentral ng Pilipinas na nagsasabing kanila ang mga nasabing lupain ay sakop ng titulong TCT T – 48694 P(M) na may petsang July 30, 2003. Sa madaling salita, sinasabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay kanila ang mga lupain ng mga Dumagat.
• Nakuha ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga titulo ng hindi makabayad ang Capitol Development Bank na naging Optimum Development Bank (pag-aari ng mga Villar) sa kanilang pagkakautang sa BSP.
• Si Cynthia Villar, maybahay ni Sen. Manny Villar, ang siyang pumirma sa pagsasangla ng nasabing mga lupa sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
• Nakuha ng Capitol Bank ang mga titulo sa Manila Brickworks na karamihan sa mga opisyal ay pareho rin ng Capitol Bank at mga tauhan ng mga Villar.
• Siyam na titulo ang sinangla ng Manila Brickworks – TCT T – 38651 P(M) hanggang T – 38659 P(M).
• Nanggaling raw ang naturang mga titulo sa TCT T – 1182 P(M) ng Registry of Deeds ng Bulacan at nakapangalan sa Manila Brickworks at nakapetsa sa July 25, 1944
• Ang naturang titulo ay inisyu sa ilalim ng sales patent na nangyari dahil sa Sec. 122 of Act 496 ng Land Registration Act ng Estados Unidos. Kaso nuong July, 1944 ay nasa ilalim ang ating bansa ng mga Hapon at walang masasabing balidong titulo nuong panahong iyon. Malinaw na peke ang titulong pinanggalingan ng mga titulong sinangla sa Bangko Central ng Pilipinas.
• Malinaw na peke ang mga titulong ginamit kaya walang paraan upang mabawi ng BSP sa mga Villar ang pinautang nitong mahigit P1.5 bilyong piso.
• Patuloy na naghahabol ang mga magsasaka at nagsampa ng demanda pati sa Ombudsman laban kay Sen. Manny Villar at Kongresista Cynthia Villar pero walang nangyayari.

0 comments:

Post a Comment

Search This Blog

Loading...