Sunday, January 24, 2010

ISA NA NAMANG MANDARAMBONG NA PANGULO?

“Alarming and disgusting!” ito ang eksaktong sinabi ni Crispino Aguelo, Pangulo ng Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka tungkol sa nilabas ng mayorya ng senado kung saan sinasabihan rin nila si Sen. Manny Villar na isoli ang P6.2 billion pesos na pera ng sambayanan na kanyang ginamit/sinayang sa controversial na C – 5 road extension project.
“Ang P6.2 billion pesos ay maaaring magbigay sa 248,000 walang lupang magsasaka ng tig 2,500 kwadrado metro ng lupang matataniman. Pinaaalala rin nila ang Sumilao farmers, na pagkaraan ng 11 taong pakikibaka ay nakakuha lamang ng ¼ ektarya na nakapagbigay sa kanila ng karagdagang regular na pagkain,” dagdag pa ni Aguelo.
Pinuri ng naturang grupo ang 12 senador na nagkaroon ng lakas na loob na pumirma sa report na ginawa ng Committee of the Whole na naglalayong ‘i-censure’ si Sen. Villar para sa ‘unethical conduct’ at paggamit ng kanyang posisyon para paboran ang kanyang mga ari-arian at negosyo. Sinabi rin ng grupo ng mga magsasaka na inaksaya rin ni Villar ang bilyong bilyong piso ng pera ng sambayanan.
“Hangad namin na ang plenary deliberation sa report ay gawing televised para makita ng sambayanan ang katotohanan tungkol sa isang kandidato ng pagka Pangulo, na gumagastos ng milyong milyong piso para sa tv advertisement. Malamang ang ginagastos na pera ay pagaari ng sambayanan. Nananawagan kami sa mga lahat ng magsasaka at sa sambayanan na kilalaning mabuti ang mga kandidato sa darating na halalan. Tama na ang isang mandarambong na Pangulo,” diin ni Aguelo.
Iyan ho ang statement ng grupo ng mga magsasaka at sana nga dumami pa ang katulad ng 12 senador at iba pang mga grupo na maglalakas loob labanan ang salapi at kapangyarihan ng mga pulitikong patuloy tayong nililinlang at pinaniniwala ng mga television advertisement na ginagastos ay galing rin sa nakaw sa bayan.
******
Hindi ho tayo abogado pero nakakatuwa talaga ang administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria na pilit pa ring niloloko at tinatakot ang sambayanan gaya na lang nitong hirit nila na mali raw si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino sa kanyang paninindigan na hindi kilalanin ang sino mang punong mahistrado na hihirangin dahil iligal ito dahil kanino raw manunumpa ito kung sakaling walang chief justice at siya ang magwaging Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Nagtanong tanong tayo at nagbasa tayo ng Saligang Batas natin. Wala hong nagsasaad na kailangang manumpa ang bagong Pangulo sa Chief Justice. Ito lamang ho ang nakagawian natin at nagaya natin sa Estados Unidos.
Masakit nito, pati mga tuta at bayaran nila sa media ay sinasabi ito upang guluhin at takutin ang sambayanan.
Puwede ba, maghanap kayo ng ibang palusot dahil gaya ng lahat ng kalokohan niyong ginawa ay buking na buking kayo.
Tama si Sen. Noynoy na hindi kilalanin ang isang hihirangin ni Madam Gloria dahil malinaw na isang midnight appointee ito. Tyaka bakit kikilalanin ang isang iligal na appointee ng isang iligal na pangulo?

0 comments:

Post a Comment

Search This Blog

Loading...