Sa balita inamin ni Commission on Election chair Jose Melon a marami pang problema tungkol sa nalalapit na unang automated election sa ating bansa pero ginagawa raw nila ang lahat para siguruhing walang magiging gusot.
Ilan sa isyu na napagusapan ay ang paggawa ng ballot boxes na kahit walang kontrata at hindi dinaan sa bidding ay binigay na lang din sa Smartmatic, ang Venezuelan company na siyang nanalo para sa automated election.
Inamin rin ng Comelec na kulong ang napadalang mga makinang ipinangako para sa unang deliver ng Smartmatic ng mga counting machines samantalang hindi pa rin preparado ang mga balota na may pangalan ng mga kandidato habang lumalapit ang deadline ng printing nito sa January 10.
Lahat naman nakatuon ang pansin sa Smartmatic at masusing binabantayan ito lalo na ang sistema nila ng pagbibilang at pag transmit ng boto ilang minuto lamang natapos ang eleksyon.
Magulo pa rin ang general guidelines na inisyu tungkol dito pati ang educational drive o pagtuturo sa ating mga mamayan. Ibang iba kasi ang eleksyon na ito dahil wala ng pagsusulat ng pangalan. Kapalit nito ay ang pagiitim o pag shade sa bilog na nasa tabi ng pangalan ng kandidatong ating napipili.
Maganda ang pinakikita nating mga pagmamatyag, lalo na ng iba’t ibang grupo gaya nila Atty. Harry Roque at Gus Lagman na bagama’t tumutol sa Smartmatic ay patuloy na binabantayan ang sistema para tiyaking hindi magamit ito sa dayaan.
Pero nakakalimutan nating lahat, lalo na ang mga taga media ay iba pang mga kontrata tungkol sa automation gaya ng pagaayos ng listahan ng botante, mga id ng botante na nuon pa pinangako at ultimo ang pinangakong finger printing o tinatawag nating biometrics ng mga luma at bagong botante.
Malaki laki ang kontratang ito na nagkakahalaga ng halos P2 bilyong piso pero hindi ng gobyerno pinatutupad ito samantalang nakatanggap na ng bayad ang kumpanyang kakutsaba nila.
Patuloy ho kami naghahalughug ng papeles at pag nakumpleto ay bibigay namin sa inyo ng buong buo pati mga senador na alam nating matino at paiimbistigahan ito.
Kung iniisip ng Comelec at mga kakutsaba nila na lulusot sila dahil lahat nakatuon na sa Smartmatic at eleksyon, mali ho kayo, nagbabantay kami.
******
Nabuking na VIP treatment ang mga Ampatuan sa kulungan nila. Galit ang mga kamag-anak ng biktima pero ngayon pa lang sasabihin ko sa inyo. Habang nasa administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria, huwag tayong umasa na patas ang laban.
Hindi kaya ng Malakanyang parusahan ang mga Ampatuan dahil kasabwat sila sa maraming krimen hindi lamang sa Hello Garci kung hindi sa iba pang krimeng ginawa sa lugar na iyan.
Kasabwat sila at walang sumbungan, baga sa Mafia may Omerta silang pinagkasunduan.
In the meantime, bantay lang tayo ng husto pati mga abogado nilang magagaling sa gapangan. Mga nakalantad nilang abogado at mga nakatago nilang abogado ay ating mahuhuli at ibugulgar.
Tuesday, January 5, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment