“Kahit na sabihin natin na nagkasala ang ampatuan, dapat bigyan pa rin natin sila ng karapatan na idepensa ang sarili. Hindi pa naman sila nasesentensyahan na nagkasala kaya nga may tinatawag na batas. Paano natin sabihin na patas ang batas kung ayaw niyong may abogadong magdepensa sa ampatuan? Kung ganyan din lang patayin niyo na lang sila para wala ng batas na paiiralin para sa kanila. Gusto mo rin pag ikaw may kaso ka hindi ka bibigyan ng karapatan na idepensa sarili mo?”
Text ho iyan sa atin ng isang taong hindi nagpakilala pero minarapat natin ilathala at sagutin ang lahat ng kanyang katanungan. Komo nilabas natin ang text niya sa atin, dapat rin ilabas natin ang cell phone number niya na 09109268780.
Anyway, pinagpipilitan niya na kailangan pa rin natin ng patas na laban ang mga Ampatuan dahil hindi pa naman daw ito nahahatulan o nasesentensyahan.
Maaaring tama ito kung ang umiiral na batas rito sa atin ay hindi batas ni Madam Senyora Donya Gloria kung saan ang kaalyado at kapartido niya (gaya ng mga Ampatuan) ang laging nananaig at ang lahat ng nakakalaban niya ay bugbog sarado at pinahihirapan ng Justice Secretary niyang si Agnes Devanadera na kaeskwela at best friend ni Sir Senyor Don Jose Miguel Pidal Arroyo o ni Ombudsman Merceditas Gutierrez na dapat sana ay inaaksyunan ang mga kaso laban sa mga corrupt na opisyal ng administrasyon pero walang ginawa kung hindi gamitin ang opisina sa panggaganti sa mga naglakas loob na lumaban sa mga tongpats ng kasalukuyang administrasyon, o di kaya’y mga opisyal na nakikialam sa pagaayos ng mga kaso laban sa administrasyon o alyado niya gaya ni dating Presidential Chief of Staff Mike Defensor (tumatakbong alkalde sa Quezon city) na siyang dumukot kay Udong Mahusay na pangunahing testigo ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa Jose Pidal case at siyang sumubok ring manuhol kay Jun Lozada upang umatras sa pagtetestigo sa kaso ng NBN ZTE case.
Higit sa lahat, okay sana kung hindi nasusuhulan ang mga marami sa mga miyembro ng ating korte hanggang sa Korte Suprema dahil sa pawang mga appointee na sila ni Madam Gloria.
Malinaw na ehemplo pero higit sa lahat paninindigan ko na sinumang abogado ang handang tumayo para sa mga Ampatuan ay kagaya nila na ang tanging diyos ay ang demonyo.
Yung sinasabi niya naman na kung hindi rin lang natin bibigyan ng karapatan ang mga Ampatuan ay bakit hindi natin patayin na lang sila? Ang sagot ho natin ay hindi kamatayang mabilis ang solusyon sa mga Ampatuan. Kailangan sa kanila ay danasin nila ang mga ginawa nila sa mga kapuwa nila at unti unti at mahaba ang maging parusa sa kanila.
Kasagutan naman sa text na kung ang inyong lingkod ang may kaso ay nanaisin ko bang hindi rin ako bigyan ng karapatang idepensa ang sarili – sagot ko, sa kasalukuyang administrasyon hindi tayo umaasa ng anumang patas na laban dahil tayo ay hindi nakikipagsabwatan sa kampon ng kasamaan.
Friday, January 8, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment