Maraming plano ang ginagawa ni Madam Senyora Donya Gloria at ng kanyang mga kakampi at kakutsaba lalo na at nalalapit ang araw na mapipilitan siyang lumisan mula sa kanyang iligal na pag-ookupa sa Malakanyang.
Isa riyan ay ang guluhin ang eleksyon upang walang maiproklamang lehitimong Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Isa pa ay gumawa ng iba’t ibang putukan at kaguluhan hindi lamang sa Mindanao kung hindi sa Metro Manila upang makapag deklara ng batas militar – problema lamang dito ay kung susunod pa ba ang lahat ng mga sundalo lalo na mga middle level officers na pawang alam na alam ang mga kalokohang nagawa.
May paraan naman na payagang matuloy ang eleksyon pero tiyaking ang mananalo ay kakampi nila gaya ni Sen. Manny Villar na oposisyon kuno pero kabakada ni Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo.
Ngayon kung lahat pa rin ay sasablay, payagang manalo itong kinatatakutan nilang si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino, anak ng bayaning si Sen. Benigno “Ninoy” Aquino at dating Pangulong Corazon “Tita Cory” Aquino pero talian ang kamay agad agad sa pamamagitan ng paglalagay ng mga kasabwat sa mga sensitibo at importanteng puwesto.
Ano ang mga ito? Isa ay ang Ombudsman kung saan nilagay na nila si Merceditas Gutierrez – classmate ni Senyor First Gentleman. Ombudsman ang siyang tumatayong prosecutor ng mga corrupt sa gobyerno pati dating Pangulo. Pati nga ho deputy Ombudsman ay papalitan ay manok nila si Mike Jalandoni – bata rin ni Jose Pidal.
Ganundin ang posisyon ng Civil Service Chairperson na ngayon ay ginawa nilang si dating Health Secretary Duque. Hindi ba tinanggihan ng Commission on Appointment ng Senado at Kongreso ang pinalitan nilang si Ric Saludo dahil hindi abogado ito, sabagay si Francisco Duque ay isang doctor.
Pinuno rin ni Madam Gloria ang Court of Appeals at Supreme Court ng mga tauhan niya. Ganndin ang Commission on Audit na pinamumunuan ni Reynaldo Villar na kaapelyido ni Sen. Manny Villar.
Sa ganung sistema, kahit na wala na siya sa Malakanyang, dadaanin niya sa mga nagkakatuang ng loob sa kanila mula sa mga inappoint nila sa Korte Suprema, Court of Appeals, Coa, CSC, Senador at Kongresistang kaalyado nila na ipitin ang susunod na pangulo at pahirapan ito.
Plantsado lahat maliban sa Chief Justice sa katauhan ni Reynato Puno na hindi kanila pero magreretiro May 17 o ilang araw pagkatapos ng eleksyon. Hindi nila nakumbinsi magretiro ng maaga. Hindi rin nila napatakbo sa eleksyon kaya ngayon puwersahan nilang papalitan PAGRETIRO kahit na may iba ng pangulo sa araw ng kanyang retirement.
Kailangan ni Madam Gloria ito para lahat hawak nila para hindi siya makulong pero may bago silang problema – ang akala nilang mahinang si Noynoy - buo ang loob at nagbabala na hindi niya kikilalanin ang sinumang hirangin ni Madam.
Si Noynoy nagsalita pero si Villar na pinapaligiran ng mga abogado gaya ni Sen. Alan Peter Cayetano ay nanahimik. Kaalyado kasi.
Panibagong plano na naman sila, mahirap ilusot pero paniwalaan niyo kami, hindi bumibigay ang kasamaan pero sumisikip ang kanilang mundo.
Wednesday, January 20, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment