Pinagtulungan ni Senador Manny Villar at Senador Richard Gordon si Senador Benigno “Noynoy” Aquino sa isang debate ng mga nais manungkulan bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at pilit na tinatanong kung ano ang nagawa niya na para maghangad maging Pinuno ng bansa.
Sinundan pa ito ng mga tauhan ni Villar sa katauhan ni dating Congressman Gilbert Remulla at Senador Alan Peter Cayetano na pinagpipilitang walang nagawa si Noynoy.
Kapag hitik na hitik nga naman ang puno siya ang binabato. Malaki kasi ang lamang ni Senador Noynoy sa mga survey at alam nila Villar, Gordon at iba pang mga kakutsaba ng Malakanyang na tanging paraan upang mapigilan ito ay daanan sa maruming labanan ang eleksyong ito.
Ultimo ang huling survey na kinomisyon ng mga kakampi ni Villar ay obvious na lutong macau na matindi pa ang pagkakaluto sa mga casino na naglipana sa ating bayan sa panahon ng pamumuno ng iligal na si Madam Senyora Donya Gloria na phone pal hindi lamang ni dating Comelec Commissioner Virgilio “Garci” Garcillano kung hindi ni Villar, Gordon at iba pang mga senador na karancho nila.
Tinatanong nila ano ang nagawa ni Noynoy pero ayaw nila siyang pakinggan at pinagtutulungan. Dapat tanungin nila sarili nila.
Kay Villar, bakit hindi mo sagutin ang katotohanan tungkol sa singit at taga mo sa C 5 kung saan pondo pa ng bayan ang pinanggagawa ng mga kalye ng mga ari-arian mong marami raw ay kinamkam sa mga pobreng magsasaka gaya ng mga taga Norzagaray.
Paliwanag mo rin paano mo babawiin ang mga ginastos mong ads na sa araw na ito ay payat na ang P3 bilyong piso.
Pero higit sa lahat, paliwanag mo ang pakikipagkita mo sa kay Madam Senyora Donya Gloria kamakailan sa ibang bansa kung saan ang plinano niyong hindi patakbuhin si Vice President Noli de Castro dahil malakas itong kandidato. Pinagkaisahan niyong patakbuhin si dating Defense Secretary Gilbert Teodoro na para sa inyo ay mahina at magkunwaring kandidato ng administrasyon. Iyan ang dahilan bakit karamihan sa kakampi ni Gloria tumatakbo sa partido ni Villar.
Paki sagot nga ito Sen. Villar kung hindi ba totoo na kayo ang kandidato ni Madam Gloria at ayos na ang usapan niyo ni Sir Senyor Jose Pidal Arroyo kaso nabulilyaso ng mamatay si dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino at nagkaroon ng panawagan ang karamihan sa kababayan natin na patakbuhin si Noynoy.
Ano rin ang ginawa niyo ng binubulgar ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang mga anomalya sa administrasyon ni Madam Gloria? Hindi ba totoong kayo rin ang nagpondo sa mga black propaganda sa kanya upang matabunan ang isyu laban sa asawa ng kausap niyo pati ang pagsusutento kay Cesar Mancao.
Kay Gordon naman, isa lamang sasabihin ko. Hindi siya karapatdapat patulan dahil wala naman siyang pagasa at tumatakbo lamang iyan dahil hindi na nakaapak sa lupa ang kanyang mga paa. Deretso kong sasabihin, pansariling interest lamang inaasikaso niya gaya ni Villar. Ano nagawa niya? Daldal ng daldal at angkinin ang ginawa ng iba.
Tuesday, January 12, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
basta ako Villar ibubuto ko!!kesa naman walang alam na Noynoy Aquino ang manalo,eh baka si Kris ang gawin niyang isa sa mga adviser niya..naku!! naloko na!! mga kababayan,maawa naman kayo sa bansa natin!! huwag kayong lutang sa katotohanan!!either Villar,Gordon or Gibo ok lang kahit nga si Perlas,huwag lang ang isang Noynoy Aquino!!mag isip po tayo at pag aralan natin ito!!
Post a Comment