Bilis ng panahon, tapos na naman ang taong 2009 kung saan maraming mga nakakalungkot na pangyayari sa ating bansa na sana’y hindi na maulit sa taong ito.
Pagtulungtulungan nating lahat ang manalangin sa ating PANGINOON na ang taong 2010 ay gabayan niya tayong piliin ang isang pinunong magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bansa.
Hingin rin natin sa KANYA na bigyan niya ng linaw ng kaisipan ang ating mga opisyal, kahit mga kasalukuyang nanunungkulan, para naman sa huling ilang buwan nilang pananatili sa poder ay kapakanan ng bayan ang unahin nila.
Pagdasal rin natin kay BRO JESUS na sana’y maging matahimik at matiwasay ang ating bayan sa taong ito lalo na sa darating na halalan. Sana’y magkaroon ng isang malinis at maayos na halalan. Sana ang mga taga Comelec at iba pang mga maimpluwensiyang grupo ay payagang manaig ang tunay na iboboto ng sambayanan.
Higit sa lahat, panalangin natin ng sabay sabay ang isang mas maunlad na buhay sa ating lahat hindi lamang sa mga material na bagay kung hindi sa ating spiritual na buhay. Huwag nating kalimutan na sa oras ng ating matinding pangangailangan, wala tayong kayang lapitan o hingian ng tulong kung hindi ang PANGINOON.
Maaaring may mga bagay na hinihiling nating na hindi binigay, hindi ito nangangahulugang ayaw NIYA. Tandaan natin, may dahilan SIYA sa lahat ng bagay at ang importante at mahalaga ay ang pananatiling nananampalataya at magtiwala sa KANYA.
Mga kababayan ko, nawa’y magkaroon tayong lahat ng isang MASAGANANG BAGONG TAON!!!
******
“Lechon Cebu na masarap man ay nais kong ipadala at may chicken galantine pang kasama. Pero diet mo ay aking inaalala kaya text na lang zero cholesterol pa.”
“Bagong Dekada, Bagong Pagasa.” “This has gone around many times, but so true,,, With clothes, the new ones are the Best. With cars, the new ones are also the best. But with friends, aaah,,, the OLD ones are SIMPLY THE BEST!!! Thanks for the friendship over the years. Happy New Year!!! GOD BLESS.”
“I have no yesterdays, Time took them away, Tomorrow may not be mine. But I have today to wish you a Happy and Prosperous New Year (2010). Peace be yours, Cheers, Mabuhay.”
“Happy New Year, Wish You All the Best for 2010. Good Health and more success. GOD Bless you and your family.”
“Be a 10 in 2010.” “Here’s wishing you all the best for 2010. May you stay blessed financially, physically, spiritually and above all with joy, happiness and love in your heart. All this I ask in the name of the LORD JESUS CHRIST. Happy New Year.”
“Sometimes we forget to thank the people who make our lives happy in their own simple ways. Sometimes we fail to tell them how much we appreciate them for being a part of our life. Thanks for being a friend around. I appreciate having you as a friend.”
“With Special Thoughts and Wishes that GOD will richly bless your heart, your home and those you love with with lasting happiness and GOD’s graces.”
Thursday, December 31, 2009
Wednesday, December 30, 2009
DENIAL NI ATTY. VILLAMOR
Personal ho tayong tinawagan ni Atty. Alfredo Villamor nuong Sabado ng hapon bilang reaksyon sa column nating “wala naman daw bumabasa” tungkol sa mga abogadong para lamang kumita ay pinagtatanggol pa ang mga Ampatuan.
Pinaliwanag niya sa atin na hindi siya tumatayong abogado ng alinman sa mga Ampatuan at kanya lamang tinutulungan ay isa sa mga pulis na siyang biglang naging witness at dinidiin ang mga demonyong naghahari harian sa Maguindanao.
Sabi natin sa kanya padalhan niya tayo ng text man lang at ilalathala natin ng buo.
“I am representing Chief Inspector Dicay and Inspector Diongon. They executed extra judicial confessions against the Ampatuans. I assisted them and explained to them the consequences of their confessions. It’s the CIDG who sought my assistance. If their confession is executed without assistance of counsel the same cannot be used against the Ampatuans,” text ho sa atin ni Atty. Villamor.
“My condition with CIDG is I will back out once the policemen would retract their statements. I will never help the Ampatuans,” dagdag pa ho na text ni Villamor.
Sinabihan natin siya na kilala natin ang kanyang expertise sa gapangan bagama’t tatanggapin natin ang kanyang sinabi na hindi niya tutulungan ang demonyong angkan.
Of course aaminin ko na binalaan ko siya na kapag nalaman nating nilalakad niya ang mga Ampatuan kahit sa unofficial level (ibig sabihin hindi siya abogadong pormal pero tinutulungan niya sa mga piskal at huwes ang sinuman sa Ampatuan) ay uulanin siya ng banat sa atin.
Magalit na ho ang mga abogado pero ang sinumang tumutulong sa mga Ampatuan ay kalaban ng inyong lingkod at alam ko kalaban rin ng marami sa industriya ng media.
Personal ho sa amin ito lalo na at walang awa nilang pinaslang hindi lamang ang mga media men na walang kalaban laban kung hindi mga kababaihangkamag-anak naman ng mga Mangudadatu.
Maaaring hindi santo ang mga Mangudadatu pero kailanman ay walang karapatan ang sinuman na gawin ang mga kahayupan ng mga Ampatuan. Uulitin ko, kahit na panahon ng kaPaskuhan, hindi gawa ng tao ang ginawa nila, ito’y gawa ng mga demonyo.
******
Isa raw sa dahilan bakit nasaktan ng husto si Atty. Villamor ay naikabit natin siya kay Congressman Matt Defensor na partner niya sa law office at tatay naman ni dating Presidential Chief of Staff Mike Defensor na tatakbo bilang alkalde ng Quezon city.
Inaalala nila ang negatibong epekto kay Mike na tatakbo sa pagka alkalde ng Quezon city. Kilala kong personal si Mike pero mahirap makalimutan na siya ang dumukot kay Udong Mahusay na pangunahing testigo ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa Jose Pidal case sa senado. Si Atty. Villamor nga pala ang tumayong abogado ni Mahusay na kanilang pinabaligtad.
Si Ginoong Mike rin ang siyang nagbigay ng pera kay NBN-ZTE whistle blower Jun Lozada upang mapatahimik ito. Buti na lang si Lozada ay hindi bumaligtad gaya ni Mahusay. Nanatili si Jun sa kanyang prinsipyo. (hindi parehong tao si Jun Lozada na siyang nagbulgar kay Neri sa NBN-ZTE sa Jun Lozada na tumatakbo ngayon bilang senador).

Saturday, December 26, 2009
MALIGAYANG PASKO SA LAHAT
Sa inyong lahat payagan niyo ho ako munang bumati ng Maligayang Pasko sa lahat.
Sana ang pagdiriwang natin ng kapanganakan ng ating Panginoong Hesus Kristo ay magsilbing tunay na pagbabago sa ating lahat, nawa’y magsilbing kamulatan sa ating lahat ang tunay na diwa ng Pasko.
Bagama’t pahirap ng pahirap ang buhay nating lahat, isipin natin na ang pagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus Christ ay hindi nangangahulugang piging kaliwa’t kanan at walang tigil na inuman at kainan at palitan ng regalo o di kaya caroling na walang humpay.
Tandaan natin ang aral na tinuturo sa atin ng ating mga ninuno na sa araw ng PASKO ang pinakamahalaga ay gunitain natin ang kaarawan ng ating tanging tagapagligtas.
Kahit konting handaan na pansit lamang, alalahanin natin na mas importante sa panahong ito na sana’y maging simula ng pagmamahal natin hindi lamang sa ating pamilya kung hindi sa ating mga kapit bahay, kaibigan at sa lahat ng ating kapuwa.
Panahon ng pagmamahal ngayon at magagawa natin ito sa mga simpleng paraan gaya ng pagtulung sa mga simpleng gawain sa sari sarili nating pamamahay.
Sa mga Ama at Ina ng tahanan, pagkakataon ito upang kausapin ang ating mga anak at unawain sila sa maraming bagay. Intindihin natin sila at ipaunawa rin natin sa kanila ano ang mga dahilan ng mga bagay na ayaw natin. Samantalahin natin ang panahong ito kung saan turo naman sa ating lahat ni Hesus Kristo o ni Bro na tayo ay magmahalan.
Sa mga anak naman, hindi puro regalo at caroling ang atupagin natin. Kausapin natin ang ating mga magulang at humingi tayo ng tawad sa mga kasalanan natin. Sila ang magulang natin, tayo ang mangunang magpakumbaba. Remember, si Bro, kahit anak ng DIYOS ay pinanganak sa simpleng paraan, very very humble birth.
Totoong dahil sa teknolohiya matindi ang generation gap na tinatawag pero sa paguusap na masayang paraan ay nagkakaunawaan lahat.
Huwag nating kalilimutan na lahat ng magulang ay kabutihan ng anak ang pangunahing layunin at ang mga anak naman ay kahit kailanman mahal ang mga magulang. Ito ang dahilan bakit sa pag gunita natin ng matinding pagmamahal sa atin ni GOD ay binigay niya sa atin si BRO kaya mas madaling maayos ang mga gusot at maliit na iringan.
Sa mga magkakapatid naman o magpinsan, may mga konting tampuhan o away pero lahat ito pinagmulan ay mga pride o di kaya’y tungkol sa mga material na bagay.
Kalimutan ito, pilitin natin patawarin ang bawa’t isa, gaya ng pagpapatawad ng PANGINOON sa atin. Importante lamang ho ay magusap usap, maghingahan ng sama ng loob pero huwag naman sa tapat ng bote ng beer dahil baka lalong mag away away.
Gaya ng nasabi natin, samantalahin natin ang panahong ito upang magkaunawaan. Uulitin natin, magmahalan tayo. Magpatawad at higit sa lahat tandaan, Christmas ay pagbibigayan hindi lamang ng material na bagay kung hindi pagmamahal at pagpapatawad.
MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT!!!

KARAPATANG PANTAO PARA SA TAO HINDI SA DEMONSYO
Ilan sa mga kapatid natin sa media ang nadala ng kanilang damdamin at nasaktan itong walang kaluluwang si Mayor Andal Ampatuan, Jr., pangunahing suspect sa pagpaslang sa 57 katao sa Maguindanao kasama na ang halos dalawampung media men.
Hindi napigilan ang nagdadalamhati at nagpupuyos pang mga mamamahayag na nagdala pa ng mga litrato upang comprontahin si Ampatuan. Isa sa kanila ang hindi nakatiis at hinampas ng mamahaling kamera ang ngingisi ngisi pang si Ampatuan.
Dahil sa nangyaring iyan, hirit naman ang Commission on Human Rights (CHR) na kahit sino raw ay may karapatang pantao. Ang mga abogado naman ni Ampatuan sa pamumuno ni Atty. Sigfrid Fortun ay sumagot rin sa media na lahat ng tao ay may karapatang ipagtanggol ng abogado.
Sa CHR na pinamumunuan ni Leila de Lima, isa lamang ang masasagot ko riyan, binigyan ba ni Ampatuan ng karapatang pantao ang mga pinaslang nila. Nasaan ang karapatang pantao ng mga kababaihang hinalay muna nila, sinaktan, inalipusta at binastos.
Ang mga mamamahayag na sumama lamang upang mag cover, nasaan ang kanilang human rights. Paano pa ang mga pamilya nila.
Kay Atty. Fortun naman at lahat ng mga kasamahan mong abogado, tantanan niyo nga kami sa karapatan ng isang tao na magkaroon ng maayos na depensa.
Aminin niyo, ang tanging dahilan kaya kayo pumapayag na maging kliyente ang mga Ampatuan ay dahil sa salapi, sa kuwarta at walang iba pa.
Isa ho ang malinaw sa mga ginagawa ninyo, kagaya na rin kayo ng kliyente niyong walang karapatang pantao dahil ang ginawa nila ay hindi gawa ng tao kung hindi gawa ng demonyo.
******
Bukod pa sa salapi ang isa sa malaking dahilan bakit tinanggap ang kaso ng mga Ampatuan ng mga abogado ay dahil sa utos ni Madam Senyora Donya Gloria.
Tingnan ho natin maigi kung sino sino ang mga abogadong ito na nakapaligid ngayon sa mga Ampatuan. Sa pagyayabang ng mga Ampatuan, meron raw silang 40 abogado.
Ilan sa kanila kilalang super lapit sa Malakanyang. Isa sa kanila kitang kita ko sa telebisyon ay partner sa law office ni Congressman Matt Defensor, tatay ni Mike Defensor.
Si Atty. V ay hindi lamang partner ni Matt, siya ay abogado rin ni dating Governor Chavit Singson. Super lapit rin siya sa mga kaalyado ni Madam Senyora Donya Gloria at isa sa tinatawag nilang consillieri.
Ang consillieri ho ay abogado ng mga Mafia.
Kilala rin natin siya sa humahawak ng mga kasong talagang alanganing ilusot pero nagagawan niya ng paraan. Minsan ho kinompronta siya tungkol sa pag hawak niya ng kaso ng mga taong walang kaluluwa, walang kakurapkurap na sagot niya ay bakit? Kung hindi ko tatanggapin, may iba namang tatanggap.
Sabagay, katulad na ang mga abogadong iyan ng mga kliyente nila. Buhay pa sila sinusunog na ang kaluluwa nila.

Friday, December 18, 2009
IMEE DAPAT UMATRAS
Mababasag ang tinatawag na solid north o Marcos vote dahil sa biglaang desisyon ni dating Congresswoman Imee Marcos na tumakbo bilang gobernador ng Ilokos Norte.
Gagawin niya ang hakbang na ito kahit na lalabanan niya ang pinsang buo niyang si Governor Michael Keon na pamilya rin ng mga Marcos ang nagpatakbo. Base sa mga nakakausap nating mga taga Ilokos Norte, kahit mga dating tauhan ng yumaong Pangulo, si Keon ay isang magaling at masipag na gobernador.
Marami ang nagulat sa ginawa niyang ito dahil ultimo si Imee ay nagsabi nuong 2007 na retirado na siya sa pulitika. Buong akala ng marami nuong 2007 na magpapalitan ng puwesto si Imee na Kongresista nuon at si Bongbong na gobernador naman.
Wala rin namang pinag-aawayan ang pamilya at kahit kailanman hindi pinabayaan ni Keon o pinabayaan ang mga kaalyado ng mga Marcos.
Ibinangon niya pa ang pangalan ng mga Marcoses dahil mahusay na administrador itong si Keon na bumabarkada pa sa mga kababayan na kahit kelan hindi ginawa ni Bongbong.
Tanging dahilan ni Imee sa desisyon niyang ito ay may sinabi raw si Keon na “tanging susuportahan lamang ng Ilokos Norte ay si Bongbong bilang senador at hindi kasali rito si Manny Villar na tatakbong Pangulo ang kaalyado ng anak ng yumaong Pangulo.”
Nag deny si Keon na sinabi niya ang ganuon pero hindi tinanggap ito ni Imee. Nagwawala siya at hiyang hiya raw sila kay Villar, isang bagay na hindi natin talaga maintindihan.
Sa ganuong kaliit na dahilan, nilabanan niya ang pinsan niya at masakit nito kaalyado niya pa na tatakbo sa isang distrito ng Ilokos Norte ay si Rudy Farinas na trinaydor ang kapatid niyang si Bongbong.
Naging personal pa ang away ni Farinas at ni Bongbong at nalagay pa sa panganib ang ilang mga loyal na tauhan ng mga Marcoses. May bata pa si Bongbong na napaslang at mga tauhan ni Farinas ang mga suspect.
Hindi raw aatras si Keon na masamang masama ang loob. Ang mga kababayan naman nila sa Ilokos Norte ay nakikita ang pagkakamali at pangaapi ni Imee.
Sa ginawa ni Imee, malinaw na malabong nagalit lamang siya dahil kay Villar. Pinakikita ni Imee na hanggang sa araw na ito ay nakakalimot siya na hindi na Pangulo ng Pilipinas ang kanyang ama.
Malinaw na arrogance ang pinakikita niya. Masamang ugaling dapat sana ay binasura niya na. Personal kong kaibigan si Imee at sana naman, huwag na siyang makigulo at tanggapin niya na kailangang magbigay sila at pagbigyan naman ng iba.
Monopolya sa kapangyarihan ang ginagawa nila at aapakan na lamang nila ang iba pati ang pinsang buo at magaling namang gobernador na si Michael Keon.
Kailangan magbigay si Imee kung hindi baka madamay pa si Bongbong at kesa manalo ay muling matalo uli sa hangad niyang maging senador.

Wednesday, December 16, 2009
BOYSIE BELMONTE
Customs Collector si Ricardo “Boysie” Belmonte sa Port of Cebu. Kilala natin siyang personal nuong naka assign pa siya sa Ninoy Aquino International Airport at mababa pa lang ang puwesto niya.
Bagama’t alam natin na ang Bureau of Customs ay pugad ng mga kawatan at magnanakaw, isa si Boysie sa masasabi nating disente. Mabait at laging handang tumulong sa mga kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFW) o kahit mga namasyal lang sa ibang bansa pero may inuwing dapat sana patawan ng tax.
Kung hindi pang benta at talaga namang pasalubong lamang gaya ng ilang pirasong t shirt ay pinalalampas niya na. Pero sa kaluwagan niyang ito, mahigpit rin naman siya kung ang dala namang t shirt ay ilang maleta na at ang may bitbit ay halos linggo linggo bumibiyahe ng Bangkok, Hongkong o iba pang bansang pinanggagalingan ng murang bilihin.
Pag dating naman sa isyu ng droga, kahit na isang gramo lang, asahan niyong siya pa ang magpupursiging humuli at magpakulong sa sinumang magtatangkang magpalusot nito papasok o papalabas ng bansa.
Ganyang rin siya pagdating sa mga baril, kahit sabihin niyong palabas ito at gagamitin ng mga criminal sa dayuhan, hinding hindi papayag si Boysie, para sa kanya buhay ang maaaring kitilin nito kaya hindi puwede. Matigas ang panindigan niya tungkol diyan.
Sa Cebu, epektibo si Boysie, nakukuha niya ang target collection. Hindi man 100 percent nawala ang smuggling, malaking porsyento ang napigilan niya. Nabago niya rin ang imahe ng naturang customs district na dati rati ay kilala sa pinakamalalang lusutan ng mga kontrabando.
May panahon pa nga na ultimo mga sasakyan ay nilulusot sa naturang customs port.
Kaso kamakailan, biglang inalis sa naturang position si Boysie. Sinibak siya sa madaling salita at nilipat sa opisina ng Customs Commissioner. Walang dahilan binigay.
Siyanga pala, ang customs collector sa malalaking district gaya ng Port of Manila, Cebu, Subic, Ninoy Aquino International Airport ay pawang mga appointee ng Malakanyang. Sa kasalukuyan, si Madam Senyora Donya Gloria ang siyang tanging pumipirma ng appointment paper nila gaya ng kay Boysie.
Tanong ng marami, lalo na mga taga customs, bakit ginanuon si Boysie. Ano ang kasalanan niya? Wala namang anomaly sa opisina niya. Bakit siya pinarusahan, bakit siya nilipat sa opisinang wala siyang gagawin at tutunganga lamang?
Kapatid ho kasi siya ni Quezon city Mayor Sonny Belmonte na kasama ang lahat ng kaalyado at anak na si Joy (kandidato sa vice mayor ng QC) ay lumipat sa Liberal Party mula sa Lakas na partido ni Madam Gloria.
Hindi kagaya nila Isabela Governor Grace Padaca at Bulacan Governor Jonjon Mendoza na may protesta sa Comelec, walang kaso ng protesta laban kay Mayor Sonny Belmonte. Ni katiting na isyu wala laban sa kanya. So sino ang gagantihan nila.
Nakita ang kakaawang si Boysie at ayon nga sa source natin, si Madam mismo ang sumagot ng “I don’t care,” ng sinabing magaling at maayos na opisyal si Boysie.

ALISIN ANG BATAS MILITAR, ALISIN SI MADAM GLORIA
Ilalathala po natin ng buo ang statement ng Former Senior Government Officials (FSGO), samahan ng mga dating matataas na kawani ng gobyerno na nanungkulan bilang miyembro ng gabinete o undersecretary. Kasama rin ho sa samahang ito ang mga retiradong mga ambassador at pinuno ng iba’t ibang sensitibong government owned and controlled corporation. Ang inyong lingkod ay kasama po sa samahang ito.
“The Former Senior Government Officials (FSGO) view the declaration of martial law in Maguindanao as an admission of failure by the Gloria Macapagal Arroyo administration in protecting the life and property of Filipino citizens through the exercise of its police powers. It was murder in Mindanao, not rebellion. Being staunch allies of the Arroyo administration, it is incredible for the Maguindanao leaders to go against that administration.
We are concerned that under the declaration of martial law, the national government may take actions against the perpetrators of the Maguindano massacre, that may be successfully challenged in the Supreme Court and allow the murderers to go scot free on legal technicalities. While seemingly answering the public clamor for justice for the victims, the Arroyo administration may be laying the foundation for justice to be denied.
We are concerned that the declaration of martial law allows the Arroyo administration to control an area known to deliver the votes during elections at a time when the country is approaching elections that are so critical to the country’s rise from corruption and despair.
We are deeply concerned that the declaration of martial law in Maguindanao may be a pilot test for martial law in other parts of the country and eventually for the whole Philippines.
The declaration of martial law is the desperate move of an administration that has lost the trust of the Filipino people. It is an administration that is unable to govern. It is an administration that has lost its right to remain in power.
Gloria Macapagal Arroyo, who is herself running in the elections, should now resign so that her successor may lift the declaration of martial law, restore peace and order using the police powers and preside over clean and honest elections in May 2010.”
******
Nilabas natin ang buong statement, ni hindi na natin Tinagalog dahil baka mamali natin ito. Matindi ang pinagkaisahang statement ng FSGO at pinanindigan namin na hindi batas militar ang sagot sa nangyayari sa Maguindanao.
Ang nangyari ruon ay patunay na pagkakamali at pagkukulang ni Madam Gloria dahil sa kanyang malinaw na sabwatan sa mga Ampatuan. Malinaw rin na inutil ang administrasyong ito dahil nga sa laki ng utang na loob nila sa mga kasabwat at kakutsaba nila kaya hindi nila maipatupad ang tama.
Ultimo ang pag deklara ng batas militar ay malinaw na pakana nila upang mapatahimik o mapagtagpan ang mga bahong maaaring sumingaw mula sa Maguindanao. Tandaan lamang natin na isa ito sa lugar na nagmaniobra si Hello Garci na paboritong phone pal ni Madam Gloria.
Kaya uulitin natin, alisin ang martial law, alisin si Madam Gloria.

BATAS MILITAR - PALITAN NG REGALO NI MADAM AT MGA AMPATUAN
Nagdeklara si Madam Senyora Donya Gloria ng Batas Militar sa Maguindanao at ginawang dahilan ang ginawa ng mga Ampatuan kung saan mahigit limampung tao ang pinaslang kasama ang ilang miyembro ng media.
Ayon sa mga bata ni Madam nagiisip raw umaklas ang mga taga suporta ng mga Ampatuan kaya nagdesisyon silang pa deklara na ang batas militar sa buong probinsiya.
At mga kaibigan, dahil diyan sa desisyon nilang iyan, ang ikakaso nila sa mga Ampatuan, mula sa ama na si dating Gobernador Andal Ampatuan Sr., ARMM Gov. Zaldy Ampatuan at iba pang mga kamag-anak, kapamilya, kapuso, kaalyado nila ay kakasuhan ng rebelyon.
Uulitin ko ho, rebelyon at hindi gaya ng murder na sinampa laban kay Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Jr.
Ang pagkakaiba nito ay napakalaki, ang kinasuhan ng murder ay hindi maaaring piyansahan. Mananatili ang isang murder suspect sa loob ng kulungan hangga’t hindi natatapos ang kaso niya. Pag sinabi ng korte na may sala siya, deretso deretso na siya. Kung mapawalang sala naman siya, duon lang siya makakalaya.
Sa mga Ampatuan, alam nilang maraming butas sa ating batas (40 na ang mga abogado nila) gaya ng pagsasampa ng kulang na ebidensiya o iba pang teknikalidad. Kung murder, nakakulong pa silang lahat.
Sa kasong rebelyon, may piyansa, hindi nila problema ang pera, kaya laya agad sila habang niluluto ang kaso nila. Kung maaalanganin naman sila, habang nakapiyansa ay madali silang lumayas ng bansa. Alam naman nating lahat madaling tumakas mula sa Mindanao papuntang Malaysia o Indonesia.
Love talaga ni Madam Senyora Donya Gloria ang mga Ampatuan at bakit naman hindi, baka pumalag sila at ayos ang buto buto dahil sa kaso ng Hello Garci na ngayon ay Hello Ampatuan na.
Pero ang pagmamahalang ito ay hindi one way, alam kasi ng Malakanyang na kapag pumalag ang mga Ampatuan, baka magkuwento sila o isa man sa kanilang 40 mga abogado tungkol sa Hello Garci.
Kaya bukod sa regalo ng katahimikan, binigyan rin ng mga Ampatuan ng laboratory si Madam Gloria at mga kaalyado nila na hanggang sa araw na ito ay nakadikit ang mga puwet sa upuan. Alam nilang matindi ang galit ng sambayanan at pag wala na sila sa poder, malamang katayin sa literal na paraan. Bukod pa rito ang mga nais gumanti sa kanila.
Tayo ho personal na nais nating umalis na lang sila. Bumaba lang sa puwesto at sige na para maka abante na ang bayan. Pero marami ang hindi ganuon ang pananaw.
Laboratoryo ito kung ano ang reaksyon ng bayan, military at mga kongresista at senador sa batas military.
Kung makita nilang uubra, baka biglang may kaguluhan sa ka Maynilaan at iba pang parte ng bansa upang maging dahilan ipatupad ang Martial Law. Lahat ng kalaban arestado, lahat ng oposisyon na totoo kalaboso at higit sa lahat buong bayan patuloy na babalutin ng kadiliman.

Friday, December 4, 2009
MGA KABALEN, ITAKWIL NIYO SI MADAM
Kumpirmado na, tatakbo si Madam Gloria bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Pampanga. Naghain siya ng kanyang certificate of candidacy at meron pa silang drama na kunwari ay hinarana siya ng kanyang mga kabalen upang himuking tumakbo.
Nakiusap pa ang kanyang anak na si Senorito Miguel Mickey Arroyo. Muntik pa ngang magiyakan. Wow, baka naman sa darating na Metro Manila Film Festival kesa mga artista ang mabigyan ng acting award ay si Madam Senyora Donya Gloria ang maging best actress at si Senorito Mickey naman ang siyang mahirang na best supporting actor.
Sali niyo na rin sila Executive Secretary Eduardo Ermita at iba pang mga kaalyado nila. Huwag niyo rin kalimutan si Press Secretary Cerge Remonde dahil “sobra lungkot” niya at napatay ang halos tatlumpung mga media men ng mga kaalyado nilang mga Ampatuan.
Tipong napilitan lang pala itong si Madam Gloria pero ngayon naniniwala raw na hindi siya dapat tumigil sa pagserserbisyo sa mga kababayan, lalo na sa mga kapamilya, kamag-anak, kapuso, kakampi, kakutsaba, kapartido at higit sa lahat mga kasabwat.
Malungkot nito, walang tatalo sa kaniya dahil ang mga kababayan niyang mga kabalen, sa dahilang hindi natin maintindihan hanggang ngayon ay naniniwalang magaling siyang pinuno ng bayan. Kung ang pagbabasehan nila ay pagbisita sa lugar nila, tama sila, pero kung ang gagawin nilang batayan ay ang nangyayari sa bansa, may problema silang lahat dahil hindi nila naiisip ang kanilang mga anak at mga apo. Nakaklimutan nila na si Madam Gloria ang nagiwan at nagiiwan pa ng malaking utang at suliranin sa ating bayan.
Bagama’t mananalo siya, walang ubrang lumaban sa kanya lalo na at hawak niya ang Malakanyang, Comelec, PNP, AFP at iba pang ahensiya ng gobyerno, sana ay magkaroon ng milagro at magising ang mga kababayan natin at itakwil siya.
Hindi siya dapat palusutin dahil patuloy siyang maghahasik ng lagim sa atin. Sa dami ng kanyang salapi galing sa ZTE, Fertilizer Scam, Macapagal Highway at kung ano ano pa, patuloy niyang bibilhin ang mga kakutsaba at kasabwat niyang mga kongresista na siya namang itutulak ang pagbabago ng Saligang Batas at gagawing Parliamentary ang ating sistema. Aalisin sa atin ang karapatang mamili ng ating pinaka pinuno.
Kung iniisip niyo na hindi lulusot ito dahil hindi niya kontrolado ang senado, nagkakamali kayo, pagdating ng June 2010, lahat ng Justices ng Supreme Court ay utang sa kanya ang posisyon. Matindi pa nito, malamang na ang iupo niyang Chief Justice sa pag retire ng kasalukuyang Chief Justice ay si Corona na sunud sunuran sa kaniya.
Sa mga kababayan nating Kabalen, nakikiusap kami na itakwil niyo si Madam Gloria. Sa ating lahat naman, itakwil natin lahat ng kaalyado niya na tatakbong kongresista. Sa susunod na isyu ilalabas natin ang mga pangalan nila upang makita ninyo at huwag niyong iboto.
Kung meron kayong gustong idagdag, text niyo na ngayon pa lang para sa Miyerkules (araw na ilalathala ang sunod nating column) ay maihabol na natin.

Wednesday, December 2, 2009
HELLO GARCI, ESTE HELLO GLORI PALA!!!
Si dating Vice President Teofisto Guingona Jr., si Bishop Julio Labayen, si Fr. Robert Reyes, Sen. Antonio Trillanes, Gen. Danilo Lim, mga kasamahan at mga miyembro ng media ay inaresto ng mga pulis at sundalo ni Madam Senyora Donya Gloria nung tinake-over ng mga miyembro ng Magdalo ang Manila Peninsula nung Nobyembre 29, 2007.
Lahat ng mga dinatnan sa loob ng hotel ng lusubin ito ng mga pulis at sundalo ay pinosasan, pati ang matandang si VP Guingona, Bishop Labayen at mga miyembro ng media na tanging kasalanan lamang ay gawin ang kanilang tungkulin.
Wala silang ginalang, ultimo mga matatanda, babae at miyembro ng PNP Press Corps.
Wala ring namatay sa naturang take over ng naturang five star hotel na hawak ng mga miyembro ng Magdalo sa pamumuno ni Gen. Danny Lim at Sen. Trillanes. Lalo namang wala ring nasugatan maliban sa ilang hinika dahil sa tear gas na tinapon ng mga umaatakeng puwersa ng administrasyon.
Ilang oras lamang ito at sumuko ang puwersa ni Lim at Trillanes upang hindi dumanak ng dugo. Kayang lumaban ng mga kasama nila Trillanes at Lim. Kung nagkataon, malamang maraming mga sundalo at pulis na sangayon sa prinsipyo nila ang maaaring sumaklolo sa kanila. Grabeng labanan ang mangyayari at magiging madugo ito dahil pare parehong armado.
Pero hindi ito pinayagan ni Trillanes at ni Lim, bilang mga sundalo alam nila ang mangyayari kung maglalaban laban ang mga kasamahan nilang mga sundalo.
Si Andal Ampatuan, Jr., anak ni Andal Ampatuan, Sr., ang siyang tinutukoy na mastermind sa pagpaslang ng 56 na katao sa Maguindanao kamakailan. Walang awang pinatay ang mga babae, matatanda at mga miyembro ng media na sumama lamang upang mag cover sa pag fifile ng kandidatura ni Vice Mayor Esmael Mangudadatu.
Kasama sa pinaslang ang asawa niya, mga kapatid at ilang mga kamag-anak na puro babae at mga miyembro ng media na pawang walang armas.
May balita pa na ginahasa ang mga bata batang babaing biktima bago sila paslangin ng mga walang kaluluwang killers.
Nuong inimbita siya ng mga awtoridad, sinundo siya ng matataas na opisyal ni Madam Senyora Donya Gloria. Pinayagan siyang magpalit muna ng maayos na damit, pinag impake, hinatid pa ng asawa at mga kamag-anak at sinakay pa sa helicopter ng gobyerno.
Pagdating sa airport, vip treatment pa rin siya at tiniyak ng mga tauhan ng administrasyon na kahit kelan hindi nilabag ang kanyang karapatan. Sa madaling salita, alagang alaga si Ampatuan at hindi pa siya hinihiwalayan ng kanyang mga abogado.
Base sa huling bilang nuong Lunes, 40 na ang abogado ni Ampatuan.
Nilipad siya sa Maynila sakay ng eroplano ng gobyerno uli at mula ruon sakay ng magarang sasakyan ay dinala sa National Bureau of Investigation (NBI). Sariling selda ang meron siya at pupustahan ko kayo special na pagkain pa ito. Wala lamang litson dahil bilang isang Muslim malamang naman hindi siya kumakain nito.
Iba talaga pag kaibigan ka ng administrasyon, lalo na kung kasali ka sa operasyong Hello Garci. Hello Garci, este Hello Glori pala.

Subscribe to:
Posts (Atom)