TAKOT SI GMA SA MGA AMPATUAN
ni Nixon T. Kua
Inaresto ng pulisya ang ilang kalalakihan sa Maguindanao tungkol sa massacre na nangyari ruon kung saan pati mga kababaihan at mga miyembro ng media ay walang awang pinatay.
Ayaw aminin ni PNP Director General Jesus Versoza kung ilan ang bilang ng mga inarestong pero sinabi niya na pawang mga miyembro ng local militia sa lugar at mga kilalang mga bata ni Governor Andal Amapatuan Sr. at ng kanyang pamilya. Ang anak ni Governor Ampatuan, si Andal Jr. ay Presidential Adviser for Mindanao ni Madam Senyora Donya Gloria.
Ang bilang ng namatay ay umabot na sa 57 kasama ng mahigit 20 mamamahayag galing sa iba’t ibang pahayagan at radio and tv station na naka base sa Mindanao.
Dahil sa pangyayaring ito, nilagay rin ang Pilipinas sa pinaka peligrosong lugar para sa media sa buong mundo. Nilagpasan natin ang Iraq na dati ay sinusundan lamang natin. Ang Iraq ay parang war zone hanggang sa panahong ito at literal na may civil war.
Nangyari rin ang massacre isang araw matapos manalo ang isang kababayan natin bilang awardee ng CNN dahil sa ginagawa niyang pagtuturo sa pamamagitan ng kariton sa mga hindi nating makapag-aral na kabataan.
Ilang araw lang rin nakakalipas ang panalo ni People’s Champ Manny Pacquiao sa nagtatanghal sa kanya bilang isa sa pinaka magaling na boksingero sa buong mundo.
Ang ginawang karumal dumal na krimen na ito ay sumira rin ng husto sa imahe ng bansa. Pinakita sa buong mundo kung gaano ka inutil ang ating gobyerno kung saan kayang maghasik ng lagim ng mga criminal pero walang magawa ang pamahalaan.
Positibong tinukoy ni Genalyn Mangudadatu, asawa ni Vice Mayor Esmael Mangudadatu, si Andal Jr. na siyang may kasamang mga 100 armadong lalaki na humarang sa kanila.
Si Andal Jr. ang hinahanda ng matandang Ampatuan bilang kapalit niya sa posisyon ng gobernador sa nasabing probinsiya.
Nagawa ni Genalyn i-tawag ito sa kanyang mister sa pamamagitan ng cell phone ilang minute bago sila mapaslang. Kilala niya ang mga Ampatuan na kanilang kamag-anak bagama’t katunggali nila sa pulitika.
Papunta sa local na Comelec office sila Genalyn upang magfile ng kandidatura ni Mangudadatu bilang gobernador. Walang security, puro kababaihan at mga media men ang kasama sa pagaakalang gagalangin ang mga Ampatuan ito ng sila ay tambangan.
Nakahanda pa sa lugar ang isang malaking excavator ng probinsiya na siyang pinanghukay ng libingan ng mga napaslang. Hindi nagawang ilibing ng maayos lahat dahil sa pagtawag ni Genalyn at pagkalat sa balita hindi lamang sa Mindanao kung hindi sa Metro Manila ay sumugod ang military.
Dinatnan pang nakakalat ang ilang bangkay pero wala ng mga suspect.
Alam ng lahat ang tao at grupo sa likuran ng krimen na ito pero hanggang kahapon ang kaya lamang hulihin ay mga pipitsuging mga tauhan ng mga Andal.
Walang kayang gawin si Madam Gloria at lalong walang aasahan sa pamahalaang ito dahil takot at hawak sa leeg ang administrasyong ito ng mga Ampatuan gaya ng mga Garcillano, Lintang Bedol, Abalos at Neri.
Saturday, November 28, 2009
Wednesday, November 25, 2009
MADUGONG PULITIKA
Matindi itong nangyari sa Maguindanao kung saan napakarami ang napaslang at napugutan ng ulo dahil sa pulitika.
Iba iba ang bilang ng namatay, pinakamataas ang numerong 36 samantalang pinakamababa naman ang 21.
Kabilang sa mga pinaslang ay si Genalyn Tiamzon – Mangudadatu (asawa ni Vice Mayor Ishmael “Toto” Mangudadatu na siyang tatakbo sana bilang gobernador ng Maguindanao), kapatid niyang sina Eden at Farida, mga kamag-anak, abogado, supporters at malaking bilang ng media men na kasama sa convoy patungong Sharif Aguak.
Papunta sila sa opisina ng Commission on Election (COMELEC) upang mag file ng kandidatura ni Vice Mayor Mangudadatu.
Hindi nagpunta ang kandidato pero pinadala ang asawa at kapatid, pati mga kamag-anak na babae sa pag-aakalang hindi gagawan ng masama ang grupong maraming kababaihan ang kasama.
Mali ang basa ni Mangudadatu, walang babae o matanda o media sa mga kalaban niya sa pulitika. Ang uri ng pulitika sa lugar na iyon kung saan naghahari itong si Gov. Zaldy Ampatuan ng ARMM ay laging madugo at puno ng dayaan.
Katunayan kasama rin ang naturang probinsiya sa lugar kung saan walang tunay na halalang nangyayari. Ang Maguindanao, Basilan at ilan pang mga probinsiya sa Mindanao ay laging crucial sa anumang halalang pang national dahil dinidikta at inuutos lamang ng ilang naghaharing uri sa mga nasabing lugar.
Sa nakaraang ilang eleksyon, dito nagkakatalo ang mga tumatakbong senador dahil tapos na ang halalan ay nagbibilihan pa ng boto pero kausap lamang ay mga operator ng Comelec gaya ng grupo nila dating Commissioner Virgilio “Garci” Garcillano at Lintang Bedol.
Ang sinumang hindi pumayag o magtangkang lumaban sa mga kasalukuyang naghaharing pulitiko o pamilya sa nasabing lugar ay pinapaslang nila. Ultimo mga ayaw lang pumayag sa dayaan at nais lamang bumoto ng tama ay pinatatahimik ng mga criminal na nag-bihis lamang bilang pulitiko.
Kaso walang nagagawa ang sinuman, kahit mga grupong nasa Metro Manila na nagtutulak ng adhikain para sa isang malinis at maayos na pamamahala sa ating bayan.
Kesa parusahan ang mga criminal na nagtatago sa likuran ng pulitika, lahat ng pangungunsinti ay ginagawa ng mga opisyal ng kasalukuyang administrasyon dahil kakampi ito ni Madam Senyora Donya Gloria.
Sa pangyayaring ito, kung saan napakalantad ng ginawang pagpatay at pagpugot ng ulo ng mga kaibigan at miyembro ng media, asahan niyong walang parurusahang malaking isda.
Hindi kaya ni Madam Senyora Donya Gloria parusahan ang sinuman sa mga mastermind ng krimen na ito. Ang mga tao sa likod na ito ay kaporal sa Hello Garci scandal at iba pang dayaan nitong nakaraang eleksyon.
Dahil nakipaglaro at nakipagalyansa ka sa demonyo, hawak ka na ng demonyo. Iyan ang suliranin ng kasakuluyang rehimen.
******
Nakikiramay ako sa pamilya ng Mangudadatu at iba pang mga biktima. Personal ko hong kilala si Congressman Pax Mangudadatu ng Sultan Kudarat at bagama’t may panahong hindi ako ayon sa mga kilos pulitika niya, alam kong maganda ang hangarin niya para sa kanyang probinsiya.
Sana matamo niyo ang hustisya sa labang ito at sana dumating ang panahong makita nating nasa kulungan ang mga criminal na ito.

Friday, November 20, 2009
BUHAY PA ANG CHACHA
Ang charter change of chacha ay maikukumpara natin sa ipis o kaya bulate na napakahirap patayin dahil patuloy na tinutulak ng mga kakampi ni Madam Senyora Donya Gloria kahit ilang buwan na lang ay eleksyon na.
Nuon pa man sinasabi na natin na hindi talaga ubrang pagkatiwalaan ang mga alipores ni Madam Senyora Donya Gloria dahil lahat ng paraan gagawin nila upang manatili sa poder.
Miyerkules tinulak muli sa Kongreso ng mga kaalyado ni Madam Gloria sa Partido Lakas Kampi (PALAKA) ang resolusyon upang ituloy ang chacha sa pamamagitan ng constitutional convention.
Ginawa itong resolusyon na ito sa huling araw ng session ng kongreso bago ang 10 araw na break upang makapag-parehistro para sa mga nais tumakbo sa posisyon ng PagkaPangulo, Pangalawang Pangulo, Senador, Kongresista, Gobernador, Bise Gobernador, Sangguniang Panglungsod, Alkalde, Bise Alkalde hanggang Konsehal.
Sa December 1 ang deadline para magpatala ang sinumang nais tumakbo sa alinmang posisyong nabanggit natin.
Bagama’t pinalalabas nila na concon ang paraang gagamitin nila kung saan mga delegado ang unang bobotohin na siyang magpapanukala ano ang dapat baguhin sa Saligang Batas, tahasan nating sasabihin na wala tayong tiwala sa mga taong ito at hindi dapat magpasa ng anumang resolusyon ang kasalukuyang Kongreso.
Pagpipilitan na naman ng mga sinungaling na mambabatas natin na malinis ang hangarin nila pero ano ang pipigil sa kanilang hindi tuparin ang nilalaman ng resolusyon kung sakaling makalusot na sila.
Tandaan natin na marami sa kakampi ni Madam Senyora Donya Gloria, kasama na ang 17 miyembro ng gabinete, ang nais maging miyembro ng Kongreso. Lahat sila ay may malaking pagasang manalo dahil ang labanan sa local ay malungkot sabihin, nadadaan sa dami ng pera. Marami pa rin sa mga kababayan natin ang pinagbibili ang kanilang boto.
Bukod sa 17 ito, sama pa natin ang ibang mas mababang posisyon at mga retiradong heneral ni Madam Gloria na tatakbo rin bilang kongresista sa kanya kanyang distrito. Puwera pa rito si Madam Gloria mismo na siya ring magnanais tumakbo bilang Kongresista ng distrito niya sa Pampanga.
Sa dami nila, kasama pa ang mga dati nilang kaalyado sa Partido Lakas Kampi. Nationalist People’s Coalition, Nacionalista Party, Liberal Party at iba pang mga party list na pawang malaki rin ang pagasang manalo ay kaya na naman nilang itulak ang pagpapalit sa Saligang Batas na papabor sa interest nila at maaaring ibalik si Madam Gloria bilang Punong Ministro sa Parliamentary System ng gobyerno.
Tandaan natin na pagnakakuha sila ng malaking bilang kaya nilang ibalik bigla ang Constitutional Assembly na siyang tayong aakda ng bagong Saligang Batas.
Kung meron silang numero sa Senado ay madali nilang mapapalusot ito pero kung wala naman pararatingin lang nila ito sa Korte Suprema kung saan lahat na ay hinirang ni Madam Gloria at may utang na loob sa kanya.
Kung magkakagayon, sinuman sa uupong pangulo, walang magagawa at maisasantabi agad pagpalit ng bagong sistema ng gobyerno. Madaling paspasan ito, paniwalaan niyo ako.
Kaya pakiusap sa lahat, pati pagpili ng Kongresista, iwasan niyo ang mga kakampi niya. Iba iba ang partido pero tandaan niyo, walang silbi ang partido pag umiral ang salapi ni Madam.

SA LIKOD NG MGA BALITA
Bago ko isulat ang pitak na ito ay nagbasa muna tayo ng pahayagan at naisip natin na mas tama siguro kung ilabas muna natin ang tunay na storya sa likod ng mga balita.
“Loren Says Yes to Manny.” Sabi nuong araw ni Sen. Loren Legarda kailangan ng at least isang bilyong piso bago tumakbo sa mataas na posisyon gaya ng pangulo at pangalawang pangulo. Tanong lamang ho natin, meron na ba siyang isang bilyong piso at saan niya nakuha ito? Totoo ba ang balitang binigyan siya agad agad ng P500 milyong piso bilang paunang bayad sa pagpayag niyang maging partner nito?
“Noynoy – Mar tandem tops new Pulse Asia survey.” Tuwang tuwa ang mga nagmamay-ari ng Meralco, Pldt, San Miguel Corporation at iba pang mga malalaking kumpanyang may hawak na monoploya rito sa atin. Patuloy ang kanilang kaligayahan dahil malaki ang utang na loob ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino sa kanila. Happy Days are Here Again!
“Vilma – Ralph join Liberal party.” Ano ngayon ang tayo ni Sen. Noynoy tungkol sa expanded value added tax (evat)? Si Senador Mar Roxas ay malinaw na pumayag dito dahil isa siya sa mga bumoto para gawing batas ito. Ang evat ang siyang nagpapataw ng karagdagang tax sa atin na siyang nagdagdag ng pahirap pero nagbigay kay Madam Senyora Donya Gloria ng ilang daang bilyong piso para gastusin. Sabagay sa pulitika, wala ng prinsipyo, importante manalo at personal na interest.
“Comelec: Many gays in Congress; no need for Ang Ladlad.” Nagsabi rin ng totoo itong si Comelec Commissioner Nocodemus Ferrer. Tama nga naman siya dahil mabuti pa ang mga bading sa labas ng kongreso na nanindigan laban kay Madam Gloria samantalang ang mga kongresista natin ay nagtatago sa likod ng kanyang saya. Sa takot nilang mawala ang kanilang mga pork barrel at iba pang pribilehiyo ay para silang mga bakla.
“Norberto Gonzales is new DND Chief.” Mga naniniwala na matutuloy ang eleksyon at ang tunay na sigaw ng tao ay masusunod sa May 2010, huwag na kayong umasa. Si Gonzales ang siyang nagtutulak nuong araw pa na gamitin ang mga kakamping military na mag take over sa bansa. Kasama ng partner niyang si Fr. Intengan, walang gagawin ang dalawang ito kung hindi patuloy na supilin ang sambayanang Pilipino at alagaan ang personal nilang interest at kay Madam Gloria.
“12 Senators clear Villar in C -5 road deal.” Umaapaw talaga ang pera. Bawa’t senador nangangailangan ng malaking halaga dahil panahon na naman ng kampanya. Si Villar naman kailangan ‘malinis ang pangalan.” Happy talaga ang Pasko nila. Tanong lamang ho natin sa kanila kung totoo na bawa’t isa ay binigyan ng P100 milyong piso. Pakitandaan lang natin si Sen. Aquilino Pimentel Jr. (tatakbo ang anak na si Koko sa partido ni Villar), Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Lito Lapid, Gregorio Honasan, Joker Arroyo, Miriam Defensor Santiago, Ramon Revilla, Jinggoy Estrada, Loren Legarda at Francis Pangilinan.
Ni hindi sinagot ni Villar kahit kalian ang mga paratang sa kanya maliban sa pulitika lamang ito.
Iyan ang mga tunay na balita o katanungan sa likod ng balita. Padala kayo ng sagot niyo.

Friday, November 13, 2009
SULIRANIN SA LANGIS
Nitong nakaraang ilang araw ay pinaguusapan ang panggigipit sa atin ng mga kumpanya ng langis na namimilit itaas ang presyo ng produkto nila pero ayaw payagan dahil nasa State of Calamity pa ang buong Luzon.
Panakot nila ay hindi sila aangkat ng paninda hanggang hindi sila payagang magtaas. Kung paninindigan nila ito, magkakaruon tayo ng problema sa supply ng gasolina, krudo at lpg. Kung walang langis, alam naman natin na walang sasakyang makakatakbo, walang kuryente at kahit tubig na kailangan ng makina upang ibomba papasok sa ating mga tahanan ay magkakaubusan. Sa madaling salita, hawak nila tayo sa leeg at lahat ng ito ay kasalan ng mga magagaling nating mga opisyal na pumayag sa tinatawag nating oil deregulation law.
Nuong panahon ho ng yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos ay gobyerno ang nagmamay-ari ng Petron at merong tinatawag na Oil Price Stabilization Fund (OPSF). Sa bawat litro ng gasolinang binibili natin, may katumbas na halagang napupunta rito. Kapalit niyan, hindi maaaring basta basta magtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis. Gobyerno ang umaangkat at kung masyadong mabilis ang pagtaas ng presyo sa pangdaigdigang kalakalan, may pondong malaki ang Opsf na siyang magagamit. Sa ganuong paraan, hindi masyado tatamaan ng patuloy na pagtaas ng presyo ang sambayanan. Hindi rin kontrolado ng mga multi national ang industriya.
Kaso, may magagaling tayong mga opisyal, kasama ho riyan si Madam Senyora Donya Gloria na isa sa mga nagbenta ng sosyo ng gobyerno sa Petron. Habang napapalitan ang nakatira sa Malakanyang ay lalong lumiliit ang sosyo ng bayan sa Petron na sana ay panapat sa ibang dambuhalang kumpanya ng langis.
Kay Madam Gloria, tuluyang nawala ang sosyo at napunta lahat sa mga kakampi niya. Ewan ko lang ho kung totoo na sila ay tuta lamang ng tunay na may-ari na si Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo.
Inalis rin ng pamahalaan ang OPSF dahil pinasa ang oil deregulation law nuong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Nagumpisa ang panukalang payagang magtaas o magbaba ng presyo ang mga kumpanya ng langis nuong panahon ni dating Pangulong Corazon C. Aqiuino.
Dahil sa oil deregulation at pagsasa-pribado ng mga sosyo ng gobyerno sa Petron, walang magagawa ang pamahalaan kung nais magtaas ng mga kumpanya. Nagiging monopolya ito dahil nagkakasundu sundo lamang ang mga kumpanya ng langis at kahit na bumababa ang presyo nito hindi sila nagbababa.
Sa ngayon, si Sen. Francis “Chiz” Escudero lamang ang nais na baguhin ang batas na ito upang ilipat ang lamang sa sambayanan. Ang ibang mga presidentiables ay nanatiling tahimik dahil kaya hawak sila sa leeg ng mga kumpanyang ito.
Tandaan natin, malaki ang kayang ibigay ng salapi ng mga kumpanyang ito. Lahat sila malalaking mga negosyante na hindi lamang dito sa atin kung hindi sa ibang panig ng mundo.
Isa ito sa dapat natin ikonsidera sa pagpili ng susunod na mamumuno sa atin.

Thursday, November 12, 2009
Tuesday, November 10, 2009
MALIIT NA ISYU PERO MAHALAGA
Nuong nakaraang isyu ay pinagusapan natin ang tayo ng mga kandidato sa iba’t iba isyu gaya ng pagaalis ng contractualization, alisin ang deregulation ng presyo ng langis, taasan ang suweldo ng manggagawa, tunay na reporma sa lupa at pagalis ng pork barrel.
Si Sen. Francis “Chiz” Escudero ay nanindigan na ipatupad ang mga iyan kung siya ang maging Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Ang mga iba, gaya ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino at Sen. Manuel Villar ay hindi kumikibo tungkol dito. Ganundin si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada at lalo naman itong si Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro.
Malinaw sa nakakabinging pananahimik nila na malaki ang utang na loob nila sa malalaking negosyante at makapangyarihang pulitiko na siyang hahawak sa leeg nila kapag naluklok na sinuman sa kanila sa Malakanyang.
Napadali para sa marami ang mamili ng kandidato nila. Kitang kita na natin ang pagkakaiba at ano ang paninindigan ng bawat isa. Pakiusap lang ho sa lahat, himayin natin mabuti ang mga kandidatong ito, huwag tayong maniwala basta basta sa mga naggagandahang mga ads o commercial. Alalahanin natin na hindi natin makakain ang commercial, hindi ito magiging lamang tiyan at lalong hindi natin magagamit para pambili ng pagkain, damit, libro o iba pang pangangailangan natin at ng ating pamilya.
******
Pabalik ako ng Maynila galing ng Batangas nuong Sabado ng Hapon. Maganda ang maluwag ang daan papunta pero nung pabalik na kami ay naipit kami ng grabeng trapik diyan sa may South Luzon Expressway o Slex.
Gapang pagong ang biyahe namin at kung dati rati ay kayang takbuhin ang haba ng Slex ng isang oras o wala pa ay inabot kami ng mahigit dalawang oras.
Bagama’t naunawaan natin na bumagal ang takbo ng lahat dahil kumitid ang daan dahil marami pa rin ang ginagawa upang lumapad ang kalye gaya ng pagdurugtong sa Skyway, hindi natin matanggap ang ilang sasakyang may escort pang mga hagad na pilit pinatataboy ang lahat upang mauna ang kanilang mga vip.
Naisip tuloy natin na isa ito sa mga panuntunan natin ng pagpili ng kandidatong bobotohin natin. Dapat nating obserbahan ang mga tumatakbong mga pulitiko, mula sa ordinaryong konsehal hanggang sa Pangulo kung ano ang ugali nila pagdating sa traffic.
Kung sa traffic pa lamang ay abusado na sila at nais nilang makalamang, paano pa kung nakapuwesto na ang mga iyan. Maliit na bagay pero malinaw na panuntuan kung abusado ba ang isang taong nais manungkulan o hindi.
Tandaan natin ang mga mayayabang na ito na akala ay sila ang nagmamay-ari ng kalye. Kung mga nakapuwesto na, huwag na nating iboto dahil kita natin ang pagka abusado nila. Kung hindi pa, aba iwasan na natin ngayon pa lang, paano kung makapuwesto o umangat ang mga iyan, di lalong lumaki ang ulo.
******
Text ho kayo o e mail ng iba pang panuntunan natin ng pagpili ng isang kandidato. Mga maliliit na bagay pero nagpapatunay ng karakter ng isang tao.

Saturday, November 7, 2009
ANO ANG PANINDIGAN NG IBANG KANDIDATO UKOL DITO?
Nanindigan si Sen. Francis “Chiz” Escudero na kailangang alisin ang oil deregulation na siyang dahilan kung bakit patuloy na nagagawa ng mga kumpanya ng langis ang walang humpay na pagpapahirap sa bayan, lalo na mga tsuper ng pampublikong sasakyan na bawal magtaas ng pamasahe pero ang bilyonaryong kumpanya ng mga gasoline at krudo ay pwedeng magtaas basta nais nilang mamili ng bagong bahay o lupa o magbiyahe sa ibang bansa.
Isa sa pinakamalaking nag-mamayari ng Petron ay mga hari sa Nationalist People’s Coalition na iniwang partido ni Chiz.
Nais niya ring tigilan na ang pangaapi sa mga manggagawa na ayaw bigyan ng permanenteng trabaho ng mga malalaking kumpanya sa pamamagitan ng contractualization.
Babaklasin rin niya ang pork barrel, sistemang bulok nuon pa na ginagamit ng Malakanyang upang hawak nila sa ilong ang mga kongresista at senador. Ito rin ang sanhi ng milyong milyong pisong corruption dahil sa komisyon o tongpats ng mga tiwaling kongresista at senador.,
Nanawagan rin si Chiz sa mga nagmamay-ari ng malalaking lupain rito sa atin, lalo na mga haciendero, heredero at mga bilyonaryo na ipamahagi naman kahit kapiraso nilang lupa para sa mga kababayan nating nasalanta ng sunud sunod na bagyo na hanggang sa mga oras na ito ay nakatira sa relocation center.
Nag tayngang kawali ang mga mayayaman nating kababayan, matanda o bagong yaman, sa panawagan niyang ito.
Gusto niya rin pagbigyan ang mga manggagawang nuon pa naghihirap at nagdidildil sa instant noodles at toyo sa pamamagitan ng P125 na taas suweldo kada araw.
Panukala rin ng batang senador na patawarin ang mga magsasaka sa utang nila sa mga pinansyal na institusyon ng gobyerno dahil nasalanta naman sila ng bagyo pero hindi rin kumibo ang gobyerno at pinagkibit balikat lamang ito.
Si Chiz nanindigan dito pero si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino nananahimik lalo na at malaki ang lupain nila, marami silang negosyo at mga supporter na negosyante pero higit sa lahat tiyo niya si dating Ambassador Danding Cojuangco na nagmamay-ari ng San Miguel at malaking share ng Petron.
Ganuon din si Sen. Manny Villar na ayaw nga sagutin ang singit at taga isyu ng C5. Malaking lupain, maraming negosyo so paano pamamahagi ang mga salaping ito at paano babawiin ang bilyong pisong ginagastos.
Si Defense Secretary Gilberto Teodoro naman, malinaw, gaya ni Noynoy pamangkin ni Ambassador Cojuangco at manok ng mga mayayaman at mga naghaharing uri pero matindi sa lahat silang dalawa ni Villar malapit kay Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo.
Kailangan nilang sagutin ang mga iyan, ano ang gagawin nila. Kanino ba sila sa kapartido nila at supporter nila o sa taumbayan?

Wednesday, November 4, 2009
GUSTO NAMIN BAGO AT MAAYOS NA PULITIKA
Mula ng magbitiw si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa Nationalist People’s Coalition ay binabatikos siya ng mga lumang pulitiko at nagpayamang pulitiko.
Galit sila sa kanya dahil naghahangad siyang baguhin ito.
Ilang mga kolumnista naman na buong akala natin ay hindi bayaran ng mga elitistang matagal ng hawak sa leeg ang mga traditional politician (trapo) ay tira rin ng tira at sinasabing walang pag-asa itong si Chiz dahil sa ginawa niya.
Una nating tanong, kung wala ng pagasa at sinasabi ninyong suicide, bakit kayo natataranta at nagkokomento ng negatibo laban sa kanya? Bakit niyo kinakampian ang mga naghaharing uri na kanya kanyang kandidato ang tangan?
Ang ilan naman, kasama na ang political analysts kuno at mga beteranong pulitiko o trapo ay naggagalaiti rin sa galit kay Chiz dahil ang ginawa niya raw ay imposibleng magbunga dahil kinontra niya raw ang convention na sistema ng pulitika rito sa atin. Halatang malaki ang takot nila sa tunay na pagbabago.
Ilan naman sa kanila, lalo na mga kolumnistang dapat ay nagreretiro na o di kaya’y laging kapiling ng mga elitist, ay binangga raw ni Chiz ang sistemang kinagisnan ng ilang henerasyon. Mission impossible ika nga ng isang kausap natin na tinatawag pang tanga si Chiz.
Ang isa pang isyu na pinupukol nila sa kanya ay wala raw nananalong kandidato na hindi suportado ng mga mayayaman at malalaking negosyante rito sa bansa. Wala raw may pagasang mamuno na suportado ng sambayanang Pilipino. Aba, akala ko ba pantay pantay ang boto ng bawat isa sa atin.
Sabi din nila lahat ng malalaking negosyante ay lalayasan si Sen. Chiz dahil sa mga paninindigan niya gaya ng pagalis ng contractualization ng labor, pagtanggal oil deregulation, pagtaas ng suweldo ng manggagawa at ang ipamahagi ang kahit na maliit na bahagi ng lupain ng mga mayayamang haciendero at bilyonaryo sa mga walang lupa at biktima ng mga nakaraang bagyo na hanggang sa oras na ito ay walang mga tirahan.
Masama ba ang mga nais niyang ito? Kung masama sabihin niyo sa aming mga ordinaryong mamamayan na walang mansion na pag-aari, walang milyong halaga ng sasakyan, walang negosyo at araw araw ay hindi nakakasiguro sa trabaho at namomroplema sa kakainin ng pamilya bukas at sa pag-aaral ng mga bata sa susunod na semester.
Hanggang hindi ninyo masasabi na masama ang mga ito, lalo na ang mga para sa sambayang plataporma niya, huwag niyo idikta sa amin ang bulok na sistema niyo.
Hindi namin matatanggap iyan dahil nais namin ng isang pagbabago na hiwalay sa sistemang ilampung taon ng patuloy na naghahari pero malinaw na para sa mga mayayaman at naghaharing uri lamang.

Sunday, November 1, 2009
BAGONG PULITIKA
Upang maging Pangulo ng Pilipinas o kahit mas mababang posisyon rito sa atin, kasama na ang pagiging barangay chairperson ay malaking halaga ang kailangan.
Ang ordinaryong barangay chairman diyan sa lungsod ng Maynila ay nangangailangang gumastos ng libo libong piso, ganundin ang mga nais magsilbi bilang mga kagawad.
Mababang posisyong pulitika lamang ho iyan dito sa atin, paano ang nais magsilbi bilang konsehal, alkalde, board member, gubernador, congressmen, senador, pangalawang Pangulo at siyempre ang maging Pangulo ng Pilipinas.
Kung ang gastos para maging isang ordinaryong barangay chairperson ay libo, ang gastos ay lumalaki habang tumataas ang posisyon at lumalawak ang nasasakupan.
Pagdating nga sa posisyon ng Pangulo, mababa ang P3 bilyong piso ang ginagastos ng nais maging Pangulo ng Republika.
Tanong natin muli, paano babawiin ito. Papayag ba ang mga kakamping mga negosyante na hindi sila makabawi. Kahit sa sariling bulsa manggaling kailangan rin bawiin ito.
Isa pang kailangan ay ang partido. Partidong kadalasan ay barkadahan o di kaya’y samahan ng mga iisa ang interest. Partidong tumutulong rin na makapaglikom ng salapi upang itustos sa mga kakampi at sa sariling pagtakbo sa posisyon.
At pagkatapos manalo, muling tanong. Paano babawi.
Paraan ng pagbawi ay mga negosyo sa gobyerno, posisyong malaki ang tongpats at higit sa lahat makapangyarihan at proteksyon sa malalaking negosyo.
Iyan ho ang realidad ng pulitika rito sa atin hindi lamang ngayon kung hindi ilang Pangulo na ang nakaraan. Pulitikang sumira sa atin dahil lahat ng bagay nauuwi sa paghahanap ng pagkakakitaan o tongpats.
Hindi lang naman kasalukuyang administrasyon ang lamang ang kaPartido sa posisyon kaya puro gawaan ng pera ang nangyayari dahil kailangang makabawi.
Panahon ng yumaong Pangulong Diosdado Macapagal (ama ni Madam Gloria) at nasundan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos nasira dahil sa mga pulitiko pamilya at negosyanteng hanggang ngayon ay naghahari. Ganundin nuong panahon ni Tita Cory na Ina ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino. Mga negosyante at kamaganak inc.
Kay dating Pangulong Fidel V. Ramos, mga kakampi naman sa Lakas na kasama niya nagtayo ng partido at gayundin kay dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada sa Puwersa ng Masang Pilipino at negosyanteng kaibigan.
Of course, sobra ngayon sa partido at mga negosyanteng crony ni Madam Senyora Donya Gloria.
Hindi kinabukasan ang tinitingnan natin. Kung nakikita natin ang sama ng kasalukuyan kinakalimutan natin na masama rin ang nakaraan. Dapat harapin ang kinabukasan at alisin ang bulok ng nakaraang sistemang pulitikal.
Ngayon nagbitiw si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa Nationalist People’s Coalition (NPC) na partido ni dating Ambassador Eduardo “Danding” Cojuangco at isa sa pinakamalaking negosyante rito sa atin ay tingnan sana natin ng maigi ang ginawa niyang ito.
Hiniwalay niya sarili niya sa mga pulitikong matagal ng naghahari sa atin. Lahat ho ng mga pulitiko sa atin, Liberal Party o Nacionalista o Lakas - Kampi o NPC, ay puro pangako.
Ang inyong lingkod handang tumaya sa Bagong Politikang ito. Subukan natin at harapin ang tunay na pagbabago at hindi lumang pagbabago o nagpayamang pagbabago.

Subscribe to:
Posts (Atom)