Usapang pulitika na talaga kaya minabuti natin na muling pagusapan ito at tulungan ang ating mga kababayan sa pagpili ng isang pinunong siyang tunay na magpapatakbo ng ating bayan sa susunod na anim na taon.
Last chance nating lahat ito at kapag nagkamali tayo sa pagpili ng isang pinunong magiging katulad ni Madam Senyora Donya Gloria o di kaya’y hihigitan ang pandaraya, pagnanakaw at pagisisinungaling niya ay today na tayong lahat ang maniwala kayo o hindi ang kinabukasan ng ating bansa.
Kung sa iligal na pananatili niya sa Malakanyang ay dinala niya tayo sa kategorya na kabilang sa mga kulelat na bansa, ang maling pagpili ng panibagong pinuno ay maglalagay sa atin sa kategoryang pinaka KULELAT na siyang aapihin at aalipinin ng buong mundo.
Hindi pa ho tayo ang pinaka kulelat pero malapit lapit na. Kapag nagkamali tayo sa isang taon, masakit sabihin pero asahan nating sasadsad na tayo ng tuluyan.
Mga kaibigan kung iniisip niyong wala na tayong babagsakan, mali ho kayo, malalim pa ho at mangyayari iyan kung isang sinungaling, magnanakaw at mandarayang pinuno ang pipiliin natin.
Ngayon pa lang obligasyon nating lahat na pagaralan maigi ang mga kandidatong nais mamuno sa ating bayan.
Kasama sa pagaaral na ito ang tiyaking hindi mananalo ang mga maituturing mandaraya na literal na binibili ang Malakanyang.
Ito ang mga pinuno na daan daang milyong piso na ang ginagastos sa mga infomercials o advertisement kahit hindi pa umpisa ang political season. Ang mga gumagawa niyan, mula kay Sen. Manny Villar, kay Sen. Mar Roxas, ibang mga pulitiko at ilang mga gabinete ni Madam Senyora Donya Gloria ay magugulang na nais mangisa ng mga kapuwa nila.
Kahit ba sabihin nilang wala silang nilalabag na batas, malinaw na nang-iisa sila at nilalamangan ang ibang mga inaasahang mga kalaban.
Bukod pa dito at ilang beses na nating inulit at uuliltin muling tanong na dapat ilagay natin sa ating isipan.
“Paano nila babawiin ang ginastos nila,” tanong na dapat natin ilagay sa ating isipan. Walang gunggong na gagastos ng daan daang milyon ang hindi nais bawiin ito at kumita pa rito. Iyan ang ilagay natin sa utak natin.
Tyaka kung talagang nais nilang tumulong, bakit hindi nila ipamigay na lang ito sa milyong milyong naghihikahos nating kababayan. Mga may sakit, mga nakatira sa kalye, mga napipilitan mangibang bayan at mahiwalay sa pamilya upang magtrabaho. Maraming marami pang iba, sila ang dapat bigyan at hindi pagaaksaya ng pera sa mga ads na hindi naman nakakain.
Si Senador Manny Villar ang pinakamalaking gastos na sa ads pa lamang umaabot na ng halos isang bilyong piso. Kung talagang hindi niya konyo, hindi siya singit at taga at galing sa mahirap patunayan niya ito.
Ganuon rin kay Sen. Mar Roxas na daan daang milyon na rin ang ginagastos. Kung talagang ramdam niya ang hirap ng Pinoy, wala siyang dapat labanan, bagkus dapat ay ibigay niya ang ginagastos niya upang mapawi ang kahirapan ng marami sa ating kababayan.
Sa iba pang mga guilty nito, ganuon din ang dapat nilang gawin. Pamigay nila kung nais nilang makatulong.
Markahan ang mga ito at huwag tayong pabola. Tandaan, last chance natin.
L
Friday, August 28, 2009
Wednesday, August 26, 2009
GUILTY KAYA AYAW SUMAGOT
Ayaw na sumagot ng Malakanyang tungkol sa isyu ng hapunan na nagkakahalaga ng P1 milyong piso at iba pang mga kainan sa mga super mamahaling mga kainan sa Estados Unidos nung bumisita ruon si Madam Senyora Donya Gloria upang makipag kodakan kay US President Barack Obama.
Pagkatapos mabuking si Press Secretary Cerge Remonde na nagkakapilipilit ang dila at ang pagkapikon naman nitong abogado nilang si Romy Macalintal ay minabuti nila na manahimik dahil pinalalaki lamang daw ang isyung ito upang galitin ang mamamayang halos hindi makakain ng tatlong beses isang araw.
Hindi natin dapat tanggapin ang nakakabingi nilang pananahimik. Dapat ilabas ng Malakanyang ang tunay na ginastos nila, sino ang mga kasama nila (pati mga miyembro ng pamilya nila at mga alalay), kumpletong listahan ng mga opisyal na sumama hindi lamang ng mga taga Malakanyang at mga miyembro ng gabinete kung hindi pati mga senador at kongresista at ultimo mga negosyante at pribadong mamamayang.
Dapat rin ilathala ang mga negosyante na sumama dahil natural lamang na sila ang mga gatasan sa mga lakad kaya kapalit ay milyong milyong halaga ng kontrata.
Kapag hindi sila sumagot hanggang sa katapusan ng buwang ito, isa ang malinaw, gaya rin ito ng pananahimik ni Social Security Administrator Romulo Neri, I’m sorry ni Madam Senyora Donya Gloria tungkol sa kanyang pagtawag kay Virgilio Garcillano ng Comelec at iba pang anomalya na may kasalanan sila kaya ayaw nilang harapin.
Ang katahimikan nila o pagsasawalang kibo ay isang uri ng pagsisinungaling at panloloko at dapat natin itong tandaan lagi.
******
Tama malamang ang ginagawa ko dahil nadaragdagan ang mga text messages na natatanggap natin lalo na tungkol sa mga luho na ginagawa ni Madam Senyora Donya Gloria at ng kanyang mga kasabwat at mga alipores.
Bagamat karamihan ay pagsangayon, may mangilan ilan na halatang mga bayaran ng administrasyon ng pangulo ni Virgilio “Garci” Garcillano na nagbabanta. Iba naman sa kanila ay sinasabing bayaran daw tayo kaya raw ganito ang opinion natin.
Talagang makikitid ang mga utak ng taong ito, sabagay ano ba ang aasahan natin sa mga taong walang kaluluwa at konsyensya. Una, nasisira na ang mga ulo nila dahil kung tayo ay bayaran bakit tayo magsusulat ng kontra sa administrasyon ng magnanakaw, sinungaling at mandaraya. Kung bayaran tayo di sumapi na tayo sa kanila.
Pangalawa, mga pagbabanta ninyo balewala na ho sa amin iyan. Maaaring hawak ninyo ang military at mga pulis pero nagising na ang sambayanan kaya sa bawa’t Pinoy na matatakot ninyo, daan daan ang papalit. Ang inyong lingkod kailanman ay hindi matapang na taong katulad ng mga kawatan ng demonyo pero hindi ko kayang ipakain sa pamilya ko ang perang galing sa masama. Naniniwala tayo sa karma at natitiyak ko na darating ang araw na pagdurusahan ng mga tiwaling opisyal ang pagmamalupit at pagnanakaw nila sa sambayanan.
Kung hindi man kayo ang magbayad nito, malamang mga anak o apo niyo. Tandaan niyo, hindi mabibili ng salapi ang buhay at kalusugan ng isang tao.

Friday, August 21, 2009
PAGKAKAISA KAILANGAN UPANG SUGPUIN, MAGWAGI LABAN SA KASAMAAN
Anibersaryo na naman ng kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino ngayong araw. Araw na nalilimot na ng karamihan at muli lang natandaan dahil sa pagpanaw ng kanyang maybahay si dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino ilang linggo pa lang ang nakaraan.
Sa pagpaslang kay Ninoy nagkaisa ang sambayanan. Marami sa kabataan nuong panahong iyon, kasama na ho ang inyong lingkod, na hindi naman kilala si Ninoy ay naiyak dahil sa ginawa sa kanya.
Para sa marami ay simbolo ang pagpaslang kay Ninoy ng pagkitil sa demokrasya na siya namang nagpasilakbo ng damdamin ng Pinoy.
Mula sa pagpaslang kay Ninoy sa tarmac ng Manila International Airport, sa burol niya sa Sto. Domingo church hanggang sa paglibing sa kanya ay nawala ang takot ng bayan sa diktadurya at lahat sumasama sa mga martsa sa kalye.
Sa araw ng kanyang libing, milyong milyong Pilipino ang sumasa sa martsa. Naalala ko ho na ultimo kaming mga nasa dyaryo na nung panahong iyon ay nakimartsa hindi bilang mamamahayag kung hindi bilang Pilipino. Matindi pa nito, mga pahayagan ho itong kontrolado ng mga nasa gobyerno.
Nagpupuyos sa galit ang sambayanan at walang duwag nuong panahong iyon.
1983 ang taong iyon at lalong sumidhi ang galit ng sambayanan hanggang sa mga martsa at napilitan ang yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos na magpatawag ng isang snap election. Ang snap election nuong 1986 ay binalot ng lahat ng uri ng dayaan na siya namang muling gumising sa sambayanan na lumabas muli na naging dahilan upang sumibat patungong Amerika si Marcos.
Pumalit si Tita Cory at pagkatapos ng termino niya nuong 1982 kahit na maaari pa siyang tumakbong muli dahil nanalo naman siya sa ibang Konstitusyon ay tiniyak niya ang maayos na pagsasalin ng kapangyarihan sa Malakanyang.
Ngayon, nakikita natin ang squatter ng Malakanyang na lahat ng paraan ay ginagawa upang manatili sa poder. Pinipilit nila gawin lahat ng paraan upang manatili sa poder at ituloy ang pagnanakaw, pagsisinungaling at pandaraya kaya milyon muli ang nakiramay sa pamilya ni Tita Cory.
Muling nagising ang Pinoy, sobrang haba ang pila ng nakiramay at inabot ng mahigit walong oras ang funeral cortege ni Tita Cory. Nangangatog sa takot ang mga nais palawigin ang termino ni Madam Senyora Donya Gloria. Alam nilang matindi galit ng tao pero hindi tayo dapat magpabaya.
Kailangan natin ipagpatuloy ang laban pero higit sa lahat kailangan natin ipakita ang pagkakaisa natin laban sa dayaan, nakawan at kasinungalingan.
Kalimutan muna ang mga personal na interest, pulitika man o simpleng intrigahan ng mga nagpapatangusan ng ilong at kilay.
Tandaan nating lahat, napalayas ang diktadurya dahil sa pagkakaisa nating lahat at muli kailangan ito kung nais nating patalsikin o tiyaking bababa ang pangulo ni Garcillano at mga corrupt na military.

Tuesday, August 18, 2009
VILLAR AT ROXAS DAPAT IMBISTIGAHAN DIN
Grabe na talaga ang nangyayari sa mga taong nagpapanggap na lider sa ating bayan. Mula sa squatter sa Malakanyang na isang hapunan lamang ay gumagastos ng P1 milyong piso hanggang kay Senadora Mirrian Defensor Santiago na nais imbistigahan ang mga miyembro ng gabinete dahil sa mga infomercials.
Nagagalaiti siya sa galit sa mga infomercials ng mga miyembro ng gabinete ni Madam Senyora Donya Gloria na ilang araw lang ang nakaraan ay kasama niya sa Estados Unidos.
Literal na nagpuputok ang kanyang &^^%% lalo na kay Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno na kalaban niyang mortal. Si Puno ang tinutukoy ni Senadora Mirriam na siyang responsable sa pagkatalo niya nuong 1992 kay dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Lalo lang tumindi ang galit niya ng hindi siya siputin ng ilan sa mga pinatatawag niya lalo na itong si Puno na tumungo sa Pangasinan.
Sali rin sa naturang imbistigasyon ng senado si Senadora Loren Legarda na personal rin ang galit kay Bise President Noli de Castro na siyang pinuno ngayon ng Housing Urban Development Coordinating Council.
Galit na galit dahil bakit raw nagkakaroon ng libreng publisidad si Kabayan Noli samantalang pera ng bayan ang ginagastos.
Problema lamang, sa katatalak nilang dalawa ay naging personalan ang labanan nila na siyang naging dahilan bakit naaksaya ang mga imbistigasyong ito na layunin dapat ay tiyaking hindi magkakaroon ng kalamangan ang mga opisyal ng gobyerno pagdating ng halalan.
Obvious naman kasi na ang mga ads ng mga miyembro ng gabinete, kasama na ni Kabayan Noli de Castro ay publisidad sa kanila na taong bayan ang nagbabayad.
Kaso, ang hindi dinamay ni Senadora Mirriam sa kanyang mga galit ay ang dalawang kasamahan niyang nuon pa nating sinasabi na dapat magpaliwanag rin sa laki ng ginagastos nila sa mga infomercials.
Hindi kumikibo si Senadora Mirriam sa ads ni Senador Manny Villar na umaabot na ng mahigit P700 milyong piso at kay Senador Mar Roxas na lalampas na ng kalahating bilyon.
Senadora Mirriam, kung talagang nais niyo ng isang patas na laban para sa lahat ay Sali niyo sa imbistigasyon si Senador Villar at Roxas.
O baka naman takot lamang kayo dahil pagkatapos niyong magpasasa kay Madam Senyora Donya Gloria ay alam niyong kailangan na kayong lumayo sa Malakanyang at plano niyo ay sumama kay Senador Villar na kandidato ng Nacionalista Party.
Sabagay, balita namin namimigay si Villar ng milyong milyong piso sa lahat ng sumasapi sa kanya. Katunayan, isa sa bagong salta na taga Mindanao sa partido ni Money ooops, mali Manny pala ay tumanggap ng P2 milyong piso at pinangakuan ng P10 milyong pa sa umpisa ng kampanya at kabuuang P50 milyon bago ang araw ng halalan.
Of course sa inyo mas higit sa halagang iyan, dapat mga P200 milyon dahil kayo yata si Senadora Mirriam na asawa rin ni Presidential Adviser Narciso Santiago Jr.
Kung nais niyo talagang patunayan na matapang kayo at tapat sa inyong tungkulin, simple lamang, sali niyo sa imbistigasyon ang dalawa. Patunayan niyo ang tapang ninyo pero kung hindi isa lang ang intindi namin at iyan ay pera pera lamang iyan.

Saturday, August 15, 2009
TALAGANG LUHO
Hindi lang pala ang isang milyong pisong hapunan ang ginawang panggagastos ng grupo ni Madam Senyora Donya Gloria. Lumalabas na gumastos rin sila ng mahigit P750,000 sa isang steak restaurant sa Washington.
Pero matindi nito kesa aminin o humingi ng tawad sa ginawa nilang paglalaspag ng salapi, pera man ito ng gobyerno o hindi, hirit pa ang magaling na abogado niyang si Romy Macalintal na hindi raw ba immoral ang mga nag-mamayari ng mga media offices na tumatanggap ng bayad sa mga advertisements na nilabas ng ilang mga pulitikong nais tumakbo.
Bagama’t lagi nating sinasabing mali ang mga ginagastos ng mga pulitikong ito at paano nila babawiin ang ginastos nila, paninindigan natin na mas immoral ang ginawa nila Madam Senyora Donya Gloria dahil kahit anong sabihin siya ang pinuno ng bansa.
Siya ang dapat magsilbing ehemplo pero baligtad ang nangyayari. Siya ang pinakamatinding gumastos at lumaspag ng pera kaya paano susunod ang iba, lalo na ang mga tauhan niya. Lagi niyang nakakalimutan na tayo ang isa sa pinakamahirap na bansa sa buong mundo at milyong milyong Pinoy ang hindi makakain ng tatlong beses isang araw.
Tingnan niyo si Pangulong Barack Obama ng United States na kahit pangulo na ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo ay kumakain sa hamburger stand at at sinisilbi sa meeting sa kanyang gabinete ay beer at mani.
Kahit kelan talaga hindi maintindihan ng Malakanyang na sila ang problema dahil buong akala nila ang pera ng bayan ay pribadong bank account nila.
******
Isa sa nakikita nating dahilan bakit sumasagot pa sila ay alam nilang ganung mga isyu ang siyang tunay na nakakapagpagalit sa sambayanan at maaaring magpatalsik sa kanila sa iligal nilang pananatili sa Malakanyang.
Kung matatandaan pa ninyo unang napuno ang bayan na dahilan bakit napatalsik ang yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos ng mabulgar ang magarbong pamumuhay ni dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos at ang mga ari-arian ng mga Marcoses sa ibang bansa.
Nuong panahon naman ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada ay ang Boracay mansion at ang bahay sa Wack Wack na may mga comfort room na kasinlaki ng 10 bahay ng mga ordinaryong mamamayang nakatira sa low cost housing. Kasama rin ang red wine niya na nagkakahalaga ng halos $700 dolyar kada bote. Mas mura nga naman ng konti ang ininom nila Madam Senyora Donya Gloria dahil mga $500 dolyar lang.
Ang dapat ginagawa ng isang pinunong mahal ang kanyang mga kababayan lalo na sa panahon ng paghihirap ay ipakita ang pagtitipid at simpleng pamumuhay gaya ni Tita Cory at ilang mga lider natin.
Ako ho mismo nakasabay ko ho ang yumaong si Senate President Marcelo B. Fernan na kumakain sa isang maliit na karinderya diyan sa may Binondo. Mas masarap pa ho ang kain namin at super mura pa.
Nakasabay ko rin ho si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa Hongkong ng ilang beses kung saan kumakain kami sa mga maliliit na karinderyang parang turo turo.
Si Sen. Chiz Escudero naman na nakasama natin ng ilang beses ay sa isang simpleng restaurant lamang at ang inoorder namin ay barbeque at chicken wings lamang.
Simpleng pamumuhay at hindi magarbong ugali dahil gutom ang mamamayan sa mga lider natin.
Konsiderasyon lamang ho. Mahirap na ang bayan, huwag namang ilantad ang ninakaw at sobrang insulto naman ito.

Thursday, August 6, 2009
AKO AY PILIPINO
Nuong burol po ni dating Pangulong Corazon “Tita Cory” Aquino ay kasama ang ilang mga miyembro ng Former Senior Government Officials (FSGO) na siyang tumulong sa pangangasiwa ng kaayusan sa gymnasium ng La Salle Greenhills kung saan una siyang dinala at sa Manila Cathedral.
Kasama ho tayo rito at talagang gulat na gulat tayo sa libo libong mga kababayan nating pumila ng ilang oras masilayan lamang sa huling pagkakataon si Tita Cory. Iba talaga ang Cory magic at dahilan nito ay alam ng lahat ang pagmamahal at mga ginawa ni Tita Cory para sa sambayanan.
Hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay ay mas ninais niya ang pangalangin para sa bayan.
Wala ho silang reklamo, ulanin at arawin. Bata’t matanda, babae’t lalaki, mahirap at mayaman, mga sibilyan at sundalo/pulis na lahat nagtiyaga ng ilang oras na pumila maipakita lamang ang pagmamahal kay Tita Cory.
Marami ho sa kanila nanggaling pa sa malayong lugar at sa inabot na gutom ay walang umaangal. Dagsa rin naman ang mga negosyante at iba pang mga mas nakakaangat na libreng namigay ng payong, tubig, tinapay at iba pang pagkain.
Pinakita nila ang damayan, ang pagkakaisa at higit sa lahat pinakita nila sa buong mundo at sa mga taga Malakanyang na handa rin silang bumalik sa kalye upang ipaglaban ang demokrasya at handa rin silang muling labanan ang mga sinungaling, magnanakaw at mandaraya.
Galak na galak tayo sa tuwa, nung panahong iyon, pinagmamalaki nating lahat na tayo ay Pilipino. Taas noo nating pinakikita ang katangian natin bilang lahing Pilipino.
Tayo ay Pilipino, ipagmalaki natin na tayo ay Pilipino.
******
Habang nakaburol si Tita Cory sa Manila Cathedral ay may natanggap tayong tawag na naaksidente si Ariel Digma, reporter ng Kyodo News at personal nating kaibigan. Isa rin ho siya sa napakiusapan natin maging consultant at tumulong sa atin ng tayo ay pinuno ng Philippine Tourism Authority.
Nangyari ang aksidente Linggo kung saan pauwi siya sa kanilang tahanan ni Grace sa Cavite pagkatapos ng coverage niya sa burol ni Tita Cory sa La Salle Greenhills.
Lunes ng gabi pumanaw siya pero hindi tayo maniwala. Batang bata at naniwala lamang tayo ng makausap natin mismo si Grace na hindi natin talaga malaman kung paano i-coconsole. Iyak ho ng iyak at hindi makapagsalita ng maayos. Ganuon siguro talaga ang maiwanan lalo na kung biglaan.
Anyway, si Ariel ho ay disenteng disenteng mamamahayag na hindi puwedeng aregluhin ng sinuman, lalo na mga pulitikong corrupt. Bagama’t isa siyang newsman, hindi niya nakakalimutan na higit sa lahat siya ay isang Pilipino kaya sa mga corruption na nangyayari sa ating lipunan ay talaga niyang inuusisa sa kanyang munting paraan. Hindi siya natatakot magtanong kahit sa matataas na tao kaya naman ang mga corrupt ay panay ang iwas sa kanya.
Malungkot na maagang nawala sa atin si Ariel pero nasa piling na siya ng PANGINOON at sa tulong ni Tita Cory, Sen. Ninoy at iba pang mga magigiting at magagaling nating mga pinuno na pumanaw ay asahan nating magkakaroon ng pagbabago sa ating bayan dahil lahat sila ay magkakaisang makiusap kay LORD upang tulungan ang ating naghihirap na bayan at alisin ang mga kasamaang bumabalot sa ating bayan.

PANGAKO KAY TITA CORY
Sa pagpaslang kay Sen. Benigno “Ninoy” Aquino nagising ang sambayanan at napatalsik ang diktadura. Pumalit bilang Pangulo si Tita Cory at kinilala ang ating bayan sa buong mundo.
Bukambibig ng mga dayuhan ang People’s Power na pinamunuan ni Tita Cory na nagbalik ng demokrasya sa ating Inang bayan. Taas noo tayong mga Pilipino.
Pero hindi nagtagal ay muling nanumbalik ang mga kampon ng kasamaan, nais nakawin ang ating demokrasya. Unti unti gumagapang sila hanggang sa nakabalik sila sa Malakanyang.
Napilitan bumalik sa pakikibaka si Tita Cory, bumalik sa lansangan at pinamunuan ang mamamayan na tutulan ang pandaraya, pagnanakaw at pagsisinungaling ng gobyernong sariling kapakanan lamang ang naiisip.
Kaso ginupo ng kanser si Tita Cory at pumanaw siya nung Sabado na nagdulot ng luha at dalamhati sa karamihan. Marami ang patuloy na lumuluha, kasama na po ako.
Ang luha natin ng kalungkutan ay nauwi sa luha ng galit ng marinig natin sa kanyang bunsong anak na babaing si Kris Aquino ang pambabastos na ginawa ng squatter sa Malakanyang.
Alam ng may sakit si Tita Cory pero ni konti respeto ay hindi binigay. Sobra ang kalupitan, nais gumanti ng Malakanyang dahil panawagan ng Ina ng bayan kay Madam Gloria ay magbitiw dahil sa pandaraya, pagsisinungaling at pagnanakaw.
Tita Cory sa inyong pagpanaw, sa inyong walang tigil na pagmamalasakit sa bayan at sa aming mga ordinaryong mamamayan ay aming gagawin ang isang Pangako.
Hindi namin titigilan ang inyong laban. Mamahalin namin ang ating bayan hindi lamang sa salita. Gaya ninyo, handa kaming ialay para sa bayan sa paraang labanan ang anumang katiwalian.
Kahit makapangyarihan, kahit nakatira sa Malakanyang, hindi kami uurong at itutuloy ang laban niyo para sa isang tunay na demokrasya at malinis na pamahalaan.
Sa mga susunod na araw handa kaming bunguin ang corruption na siyang tunay na gumugupo sa sambayanan. Hindi namin isasantabi ang pakikibaka sa mga puwersang nais na palawigin ang termino ni Madam Gloria.
Ang demokrasya ay hindi mananatiling bulaklak sa labi kung hindi pagkilos na hindi lamang sa aming puso kung hindi sa ating gawain.
Sa darating na halalan, ang pipiliin namin ay hindi kandidatong binibili ang pagkapangulo sa pamamagitan ng commercial. Kandidatong pipiliin ay malinis, may talino pero higit sa lahat ang sa puso namin ay mahal ang Inang Bayan at bagama’t hindi kailanman kayo mapaparisan ay maraming katangiang katulad ninyo.
At pagkatapos ng halalan, sinumang magnakaw, mandaya, magsinungaling ay muli naming lalaban.
Pangako iyan Tita Cory, pangakong hindi mapapako. Promise iyan Tita Cory. Mahal na mahal ka namin ni Tita Cory.
******
Sa pagpanaw ni Tita Cory ay makakapiling niya na si dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino. Mag-ingat ang mga masasama at huwad na nagmamahal sa bayan. Kung dati, si Ninoy lang ang bumubulong sa PANGINOON, ngayon dalawa na sila.
Sa pagpanaw ni Tita Cory asahan natin na may magandang kinabukasan para sa sambayanan. Mahal namin kayo Tita Cory. Hindi kayo kailanman nag-iisa, kasama niyo kami.

NBI PATONG SA SUGAL?
Dati rati ang National Bureau of Investigation ay isang ahensiya ng gobyerno na tunay na pinagkakatiwalaan ng tao. Pag sinabing pumasok na ang NBI ay nangangahulugan itong tunay na imbistagsyon na ito at asahang may kasong isasampa sa korte.
Karamihan pa nga sa mga ahente nila ay pawang mga batang abogado na puno pa ng ideyalismo.
Lubos tuloy tayong nalungkot ng dumating sa atin ang balitang ito na bagama’t superlungkot ay alam nating totoo. Gaya ng maraming institusyon sa ating bansa, isa isa itong sinisira ng kasakiman at kagahaman ng mga taong konektado (totoo o hindi) kay Jose Pidal.
Ayon sa mga sources natin (nag double check ho tayo muna), inatasan, inuulit ko, inatasan ang NBI na sumunod sa nais nitong si Art Atay, isang kumpirmadong bata ni Sir Senyor Don Jose Miguel Pidal Arroyo, pag dating sa mga raid na gagawin sa mga iligal na pasugalan sa buong Luzon.
Ginawa ang order pagkatapos ng isang meeting sa Manila Pavillion kung saan dumalo si Atay, isang NBI official na tawagin na lang nating kirat at mga kolektor na sina Edwin, Noel at Ogie.
Pagkatapos ng naturang meeting, isang Atty. Santos (inaalam pa natin kung totoong abogado ito) ay natokahang sabihan ang lahat ng mga may iligal na pasugalan mula region 1 hanggang sa region 5 na kailangan nila doblehin ang bigay nila sa NBI dahil may quota itong P2 million pesos kada buwan.
Ito raw ay contribution ng NBI “para sa itaas” ayon sa isa pang source natin para dagdag sa pondo ng mga kandidato ng administrasyon.
Ang sinumang hindi makapagbigay o mahuli man lang ng isa o dalawang araw ay tiyak na aabutin ng raid mula sa NBI.
Matindi pa nito, ultimo mga small town lottery na legal ay tinokahan na rin dahil bukod sa P2 million piso para sa contribution ay kailangan naman nila ng for the boys.
Asahan natin na lalong lalaganap ang lahat ng uri ng iligal at legal na sugal hanggang sa isang taon.
Patuloy rin ang pagtaas ng iba’t ibang uri ng krimen dahil ang mga masisipag at magagaling na kawani ng NBI ay walang gana at ayaw magsikilos dahil alam naman nilang hindi sila papayagan magtrabaho ng tama. Demoralized ika na.
******
Marami ho ang nagbigay ng reaksyon sa atin tungkol sa mga ads na pinagkakagastusan ni Sen. Mar Roxas at Sen. Manny Villar.
Halos lahat ay nakikiisa sa panawagang ibigay na lang nila at itulong sa mahihirap ang daan daang milyong pisong ginastos nila kung tunay na nais nilang tumulong.
Marami rin sa kanila ang nagtatanong na sa laki ng ginagastos nila ay paano nila ito babawiin. Ito ho ang lagi rin nating tanong.
Ang gastos ho ni Sen. Villar ay umaabot na sa mga P800 milyong piso. Ang kay Sen. Roxas naman ay mahigit P500 milyong piso na.
Sa November 30 pa ang filing at sa May, 2010 pa ang election pero buhos na ang pera, paano babawiin ito. Tanong ito ng karamihan.

Subscribe to:
Posts (Atom)