Bago mag pasukan ay nakiusap si Dr. James Dy, Pinuno ng Filipino Chinese General Chamber of Commerce at Filipino Chinese Charitable Association na siya ring nagpapatakbo ng Chinese General Hospital, na pagpaliban muna ang pasukan.
Hiniling niya na kahit isang buwan ay ma delay ang pasukan ng ating mga kabataan, pribado at publikong paaralan, upang mapigilan ang paglaganap nitong tinatawag nating swine flu o H1N1 virus.
Tumanggi si Health Secretary Francisco Duque dahil hindi raw kailangan ito dahil karamihan sa mga mag-aaral sa publikong paaralan ay wala naman daw kakayanang magbiyahe kaya nandito lamang.
Sagot naman ni Dr. Dy at ilang mga dalubahasa sa iba’t ibang ospital ay kailangan pa rin ito upang maiwasan ang hawaan na mas madaling makuha ng mga magkaaeskwela sa loob ng kanilang silid aralan.
Hindi ho tayo doctor pero malinaw na tama si Dr. Dy. Nung Miyerkules ng gabi ay mahigit ng 600 ang tinamaan ng sakit na ito at isa na ho ang namatay. Matindi pa nito, number one na tayo sa Asya.
Kay Sec. Duque na nag-nanais tumakbo bilang senador, ito lamang ho masasabi namin HINDI HO OKAY DOC E!
******
Ang unang namatay ng swine flu ay isang empleyado ng Kongreso at dahil diyan napilitang sarhan ang kongreso ng ilang araw. Marami ang naaawa sa empleyadong namatay at nanghihinayang na bakit hindi pa raw isang kongresistang nagtutulak ng cha cha at mahilig sa pork barrel at natigok.
Hindi kaya warning ito kay Speaker Prospero Nograles dahil bakit naman sa dinami dami ng mamamatay taga kongreso pa na kasalukuyang tinutulak ang con ass. Sa mga kongresista, isip isip naman kayo.
******
Kakaiba naman bigla ang kinikilos ng Malakanyang at si Madam Senyora Donya Gloria ay magkukulong raw ng sampung araw pagbalik niya mula sa pagliliwaliw sa ibang panig na naman ng mundo.
Kasama ho sa papasyalan niya ay ang bansang Columbia na siyang kilala bilang number one sa iligal na droga at paglilinis ng mga perang galing sa iligal.
Aba! Grabeng sakripisyo nga naman at siya mismo magquarantine sa sarili? O baka naman ayaw niya lang sumagot kung ano talaga ang nilakad niya sa Columbia. Mukhang napapadalas siya ruon.
Paalala lamang po na nung biglang umikot ang eroplano niya at bumalik ng Japan dahil sumama raw ang tiyan ni Sir Senyor Don Jose Miguel Pidal Arroyo ay tumungo rin siya ruon.
Nagtataka rin ho ang inyong lingkod bakit ang mga pinupuntahang mga bansa nitong nakaraang ilang biyahe, puwera ang Japan ay pawang mga lugar na kilala sa money laundering o secret bank accounts.
Siguro nagkakataon lamang pero kailangan ng sagot at hindi palusot.
******
Huwag magbayad ng buwis upang matiyak na hindi magamit ni Madam Senyora Donya Gloria ang kaban ng bayan sa pagpapalawig sa kanyang termino, ito ang panawagan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson. Tama kayo riyan Sen. Ping pero isa pang dahilan bakit kailangan ang tax revolt ay dahil ginagastos lamang sa lakwatsa, naikot na ang buong mundo at lahat first class accommodation at malaking baon pa. Sarap talaga lalo na hindi sariling salapi.
Friday, June 26, 2009
Tuesday, June 23, 2009
SA LAHAT NG MGA OVERSEAS FILIPINO WORKERS
Nais ipaalam sa inyo ng mga financial analyst ng World Bank na ang tunay na palitan dolyar kontra sa piso ay $1 = P52. Minamanipula ng gobyerno niyo ang exchange rate nitong nakaraang ilang taon. Masyadong imposible at hindi mangyayari tumataas ang halaga ng piso kontra sa Euro Dollars, British Pounds, Saudi Rials at iba pang foreign currencies.
Ultimo ang mga kapitbahay niyong bansa ay tinamaan ng global crisis gaya ng Singapore at dahil diyan ay bumagsak ang halaga ng kanilang salapi o nagdepreciate, kaya bakit ang sa piso ay hindi?
Hinahangaan namin kayo sa sipag na pinakikita pero lubos kaming naawa sa panloloko sa inyo ng corrupt niyong gobyerno na pinagsasamantalahan kayo sa pamamagitan ng pandaya sa kinikita niyong pera.
Ang administrasyon ni Ginang Arroyo ay lantarang ginagatasan ang lahat ng ofws ng bilyong bilyong piso upang tustusan ang kanilang kaswapangan at pansariling interest. Batay sa mga imbistigasyon ang mga salaping hinuhuthot sa mga ofws ay napupunta sa panlagay ng mga kaalyado at tutang mga buwaya ni Ginang Gloria sa Kongreso at ilang senador upang mapanatili siya sa Malakanyang. Ang ibang salapi naman na nagkakahalaga pa rin ng bilyong bilyong piso ay pinapasok sa mga sikretong bank account sa Switzerland, Middle East, Europa at Coots Bank ng United Kingdom.
Isa pang paraan nila upang kumita ng pera ay ang lotto draw. Sa mga Filipino, ang draw ng inyong lotto ay lutung luto at ang malaking salapi ay napupunta sa dalawang anak ni Ginang Gloria. halimbawa ay ang Super Lotto 6/49 draw kamakailan kung saan dalawang taga Luzon raw ang nanalo. Kilala niyo ba ang dalawang iyan? Si Mikey at si Datu sino pa?
Tanong natin, kaya ba dayain ang lotto draw samantalang naka televised ito sa buong bayan at maraming testigo na iniimbita sa loob mismo ng kuwarto kung saan binobola ito?
Simple ang kasagutan, alam nating lahat na ang alinmang kombinasyon ay nasa computer ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at komo on line ito ay alam agad nila aling kombinasyong ang walang tumaya.
Kung nais nila magkapera ng malaki na walang sabit, walang patatamain hanggang sa lumaki ito ng husto. Kayang kaya nilang gawin ito dahil sila nga ang nakakaalam aling kumbinasyon ang walang tumaya.
Kapag malaki na, aba aanihin na nila ito at biglang magkakaruon ng mananalo na isa o dalawa at paulit ulit ito. Magandang paraan upang kumita.
Pero tanong ng karamihan, paano gagawin ito samantalang ang daming testigo at nationwide tv pa napapanuod ang lahat ng bola? Inamin ng isang taga loob sa isang imbistigador namin na ang tunay na paraan ay anim lang ang bolang magkakasya sa transparent na tubong dadaanan ng mananalong bola. Ang iba ay mas malaki ng konting konti kaya hindi kakasya. Hindi naman ito mahahalata dahil pareho ang timbang ng lahat ng bola at napakaliit talaga ng diperensya ng susuot sa butas at hindi.
Binabalatan kayong mga Pinoy ng buhay, niluluto kayo sa sarili niyong mantika ng inyong gobyerno.
Ngayon nagtataka pa ba kayo bakit iniiwasan si Ginang Gloria ni US President Barack Obama na akala niyo ay may nakakahawang sakit?
******
Liham na natanggap natin sa e mail at sinalin lamang sa ating wika, kayo maghusga, totoo ba ito o hindi, text o e mail lang ng kasagutan.

Friday, June 19, 2009
KICKBACKING - PAGASA NATIN SA GINTONG MEDALYA
Si Manny Pacquiao, ang tinagurian nating pambansang kamao, ay kinilala ng mga Amerikanong sportswriter bilang “fighter of the year” nuong nakaraang taon.
Nakuha niya ito matapos niyang patumbahin niya sina Juan Manuel Marquez, David Diaz at Oscar dela Hoya na iba iba ang dibisyon.
Nakuha niya rin ang parehong parangal nuong 2006 ng pabagsakin niya ng dalawang beses si Erik Morales.
Kung matatamo niya muli ang parangal na ito para sa taong ito dahil sa ginawa niyang pagpapatumba kay Ricky Hatton at magagapi sa paraang ginagawa niya nuon ang susunod niyang kalaban sa Oktubre (sino man kanila Floyd Mayweather Jr., Miguel Cotto o Shane Mosley) ay malamang na masungkit ng ikatlong beses ang naturang titulo na maghahanay sa kanya kanila Muhammad Ali, Joe Frazier, Sugar Ray Leonard at Evander Holyfield.
Sa kasalukuyan kahanay niya na ang mga matinding boksingero sa buong mundo gaya nila George Foreman, Thomas Hearns, Floyd Patterson, Marvin Hagler, Mike Tyson, Carmen Basilio, Dick Tiger, Pernell Whitaker at James Toney.
Hindi tayo magugulat kung matatamo niya ang ikatlo at inaasahan rin natin na magreretiro na siya kaya kailangan siguro natin humanap ng kapalit na atletang magbibigay ng karangalan sa ating bansa gaya ni Pacman.
Mahirap ho ito bagamat marami tayong nakikitang magaling na boksingero at iba pang atleta pero mukhang kakaiba itong si Pacquiao at mahirap parisan.
Dahil diyan may kaibigan tayo na nagbulong sa atin na kailangan siguro natin magkaroon ng sport kung saan kayang kaya natin mag numero uno. Hindi lang tayo magiging numero uno sa Asia, kaya natin sa buong mundo.
Itong sport rin daw na ito ang siyang magbibigay sa atin ng gintong medalya sa Olympics na matagal na nating minimithi.
Kaso nga lang kailangan natin dalian dahil pinaguusapan na ngayon ang mga maaaring idagdag na sports sa Olympics na gaganapin sa London sa 2012. Huling Olympics ay ginawa sa Beijing kung saan itlog ang naiuwi natin bagamat isa tayo sa nanalo sa gastusan hindi para sa atleta kung hindi para sa mga kawatan, ooops, sorry opisyal pala ng gobyerno na pinamunuan pa ni Madam Senyora Donya Gloria.
Umpisahan na natin ang pakikiusap sa kanila na isama ang bagong laro na itutulak ng mga magagaling nating opisyal. Ikakatuwiran natin na sa Asia ang Japan pinagmulan ng Judo Karate, ang China Wushu at table tennis at ang Korea Tae Kwon Do. Kung sila pinayagan nila bakit tayo hindi.
Matindi pa nito ang disiplina sa larangan ng bagong sports na ito ay matindi dahil mga opisyal pa natin mula sa Malakanyang sa pamumuno ni Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo at Madam Gloria ang malamang na lumahok.
Sa Senado naman, madaling isali si Sen. Manny Villar at support staff niya pa si Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Nene Pimentel.
Sa Kongreso, aba, halos lahat sila sa pamumuno ni House Speaker Prospero “Boy” Nograles at ang magkapatid na Kongresista Mikey at Dato Arroyo at ang tiyo nilang si Iggy Arroyo. Bago natin makalimutan ang tiya nilang si Lulu ay kasali rin.
Kung hindi man sila sasali, trainer at coach sila nitong laro na tatawagIn na lang nating KICKBACKING!!! O maganda hindi ba, KICKBACKING CHAMPION!!!

Tuesday, June 16, 2009
TUNAY NA ISTORYA BAKIT SINIBAK SI RAUL GONZALES
Patuloy na nilalabas ng mga kaalyado ni Madam Senyora Donya Gloria at mga kalaban ni Sen. Ping Lacson na ang dahilan bakit sinibak sa puwesto si dating (in)Justice Secretary Raul Gonzales sa puwesto ay dahil may kasunduan namagitan sa pagitan ng Malakanyang at ng palaban na senador.
Ang pagatras raw ni Sen. Lacson sa pagkaPangulo ang kasama raw sa deal na ito ayon pa sa mga bata ni Jose Pidal, Gonzales, Rey Berroya at iba pang mga kawatang gustong wasakin ang senador na mula umpisa ay naglabas ng Jose Pidal, ZTE-NBN at iba pang anomalya laban kay Madam Senyora Donya Gloria, Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo at sa kanilang pamilya, kakampi, kaalyado, kasabwat, kapartido at kakutsaba.
Isa lang ho ang argumento natin diyan at ito ho ay simpleng simple. Lamang para sa mga kakampi ng Malakanyang (sino man ang babasbasan nila – Noli de Castro, Gilbert Teodoro at isang pekeng oposisyon na nakipagtagpo sa Spain at kasalukuyang nasa US upang ayusin si Glen Dumlao para mag – ala Mancao) kung marami ang tumakbo sa hanay ng oposisyon upang mahati ang boto nila. Mas mapapadali ang pandaraya nila kung maliit ang magiging lamang ng mga oposisyong tatakbong pangulo at mas madaling maisasakatuparan ang bawas dagdag operation nila.
Upang makapandaya sila kailangan nila marami ang tumakbo sa eleksyon at hindi nanaiisin na umatras si Sen. Ping. Simple lang ang argument at hindi kailangan ang isang political analysts para maisip iyan. Hindi kami uto uto at gunggong lamang ang maniniwala diyan.
******
May isang business taipan na grabe na ang away sa kanyang kapatid. Kung sino ang nangonse o sino ang kumita hindi natin alam, ang malinaw, gaya ng marami sa ating mga super yaman na negosyante ay malaki ang hindi nila binayarang buwis at malaki sa kinita nilang salapi ay galing sa gobyerno.
Ang kapatid nakikipagsabwatan kay (in)Justice Secretary Raul Gonzales at nalaman ito ng taipan/tycoon na ito na super lapit ngayon kay Madam Senyora Donya Gloria dahil sa laki ng kontribusyon at kasosyo na rin ni Jose Pidal sa maraming negosyo.
Bagyo ito nung panahon ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada at sa kasalukuyan isa sa kasosyo at kasabwat ni Jose Pidal at ni Ginang Pidal.
Taranta ang taipan/tycoon, takbo kay Madam Senyora Donya Gloria at sinumbong si Raul. Bukod siyempre sa pagsumbong may dala pa itong malaki laking baon/pasalubong.
Tiyak lamang ho natin na hindi pansit ang dala at hindi rin ito litson o peking duck kung hindi mamahaling bag na siyempre may laman na ilang milyon bilang pakimkim.
Inutusan tumahimik si Raul pero tumanggi ito at kailangan niya raw ipaglaban ang hustisya.
Sabagay, nasaan nga naman ang hustisya kung kikita lamang sa napakalaking kayamanan na pinagaawayan ng magkapatid ay Malakanyang. Dapat nga naman mahatian siya hindi ba? Hustisya nga naman. Hehehe!!!
Dahil diyan, sibak ang matandang na nagamit na bukod pa sa mas bata ni Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo ang pinalit na si Agnes Devanadera.
Iyan ang dahilan bakit sinibak si Raul. Tunay na dahilan at pawang katotohanan.

Saturday, June 13, 2009
PAGATRAS NI SEN. PING SA PAGKAPANGULO (2)
“But reaching out to the voters, particularly those in the D and E income levels, which altogether comprise some four-fifths of the population, does not come easy. It is most expensive in a political system which has neither strong institutions nor correct procedures.
“Minsan ay sumagi na rin sa aking isipan na tanggapin na ang 200 milyong pisong pork barrel bawat taon para sa isang senador upang magamit at makasabay man lang sa isang magastos na pangangampanya. Nguni't, at mabuti na lamang, nanaig pa rin sa aking isipan na ipagpatuloy ang isang adhikain at paniniwala na higit sa ano pa mang bagay, mas mahalaga ang integridad sa isang tulad kong inihalal ng bayan upang maglingkod nang tapat at walang halong pag-iimbot.
“The great Charles de Gaulle of France, who put order back in a land wracked by anarchy, once remarked that “in order to become the master, the politician poses as the servant”. Like his forebear Nostradamus, he might have foreseen the Philippine political scene of this generation.
“But I refuse to lie. And I refuse to purvey make-believe storyboards and saturate the airwaves with fairy tales.
“Even if I tried to communicate the truth to our people given the extremely limited resources that I could raise from well-meaning friends who have kept the faith, and believe as I do in my central advocacy of good governance and national discipline, the time has come to face the reality that the intent to lead in this land in order to do good, has become an enterprise only for those who have access to unlimited funds.
“I bow to that reality, which is why I have chosen not to participate any more in this laudable forum of those who seek the presidency of the land. And I beg your favor that you read this message that springs from my heart.
“To my loyal supporters and those who appreciated the kind of work ethic and purposive leadership I have demonstrated as a soldier, as the Chief of the Philippine National Police, and share the advocacies I have been fighting for as senator of the Republic --- beyond expression of my undying gratitude, I now pledge that in time, we will all join together to support a leader who could best deliver our people from the bondage they now suffer. That leader must have both the competence and character that are the preconditions to purposive leadership so imperative in these crossroads of the nation’s life.
“And I appeal to the learned and the well- educated in our society to share their thoughts and help guide the vulnerable 80% of the Filipino electorate to vote wisely and conscientiously, not for their day to day personal needs, but for a country that we all love and care for.
“Magkaisa po tayong tumulong sa isang taong batay sa karanasan at sa ugali, ay alam nating hindi magnanakaw at hindi gagamitin ang kapangyarihang hiram para magpasasa sa sariling interes.
“Maraming salamat po. Mabuhay ang sambayanang Pilipino!”
******
Buong buo natin nilabas ang naturang speech. Reaksyon naman tungkol dito. Pulsuhan natin ang bayan.

Wednesday, June 10, 2009
PAGATRAS NI SEN. PING SA PAGKAPANGULO (1)
Ilalabas natin pero hahatiin sa dalawang magkasunod na column ang speech ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson kung saan sinabi niyang hindi na siya tatakbo bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
“Thank you for this invitation to the second ANC Leadership Forum. Up until I made a decision last Sunday to retire myself from a race that would matter most in the lives of our beloved countrymen, I had every intention to share with our people my vision of what the Philippines ought to be in a Ping Lacson presidency.
“Marahil sa huling pagkakataon, sa isang pagpupulong na tulad nito, nais kong ipabatid sa aking mga minamahal na kababayan na ang kahirapan at kawalan ng mga serbisyong pangkalusugan, edukasyon at seguridad ng mamamayan ay hindi mabibigyang lunas ng pamumudmod ng tulong mula sa mga pulitiko tuwing papalapit ang halalan; tulong na magaan at madaling ipamigay dahil madaling kinikita sa pamamagitan ng pagsasamantala sa kaban ng bayan.
“My vision is clear as it is simple - the country's problem is government - bad government. The solution stares us right in the face of the problem itself. I believe that we need to discipline 1.5 million members of the civilian and military bureaucracy and imbue them with the right motivation and a sense of genuine public service. In short, if we hope to solve the problems of most of the 90 million Filipinos, we must set government right. This is the only way we can move forward as a country, and as a people.
“But correcting government will not come easy if it does not start with the leader himself. One cannot discipline if one is unable to discipline oneself. One cannot preach clean government if one is himself on the take, or his relatives and cronies are themselves the thieves. If a president cannot lead by the power of good example, then governance will always be bad.
“My vision for the Philippines is one where basic services are guaranteed, where health and education and public safety are prioritized, and no-nonsense government is instituted in all levels of the polity.
“Sadly, what we have today is a feudal set-up foolishly labeled as democracy, where transactional politics is entrenched both in the bureaucracy and local government units; and where the poor are deluded into believing that throwing candies or giving instant noodles or occasional help in distress is the be-all and end-all of public service. In the grind for survival, the poor forget all too often that the occasional goodies they get are mere scraps from the tables of the immoderately greedy powerful who plunder public coffers, or abuse power for self-profit.
“I have always maintained that if we doggedly and purposively set government right, the rest will follow. When people respect government, they pay the correct taxes and follow even the simplest of traffic rules.
“Equal opportunity. Level playing field. To each a fair, fighting chance. “Patas na laban, para sa lahat.

Wednesday, June 3, 2009
statements issued before re: dacer corbito slaying
“Sige, mag-diretsahan tayo…ayaw namin ng katotohanan. Kung amin ka, dapat total support at i-pin down natin si Ping. Bibigyan ka namin ng magandang buhay at posisyon. Andito lahat ng makakatulong sa ‘yo. Pero kung hindi, magkaka-leche-leche ang buhay mo. Nagkakaintindihan ba tayo?”… Statement of Victor Corpuz in Glenn Dumlao’s May 20, 2003 affidavit.
… September nagsimula yun. Tinawagan niya ako dito sa bahay na ito, itong teleponong gamit ngayon, nagpakilala siyang siya si Romy Prestoza, bagong halal na PSG chief sa panahong yan. Binigay niya sa akin ang kanyang cell phone number at nag-offer sa akin, after niya magpakilala, sinabihan niya akong siya ay bagong halal, bagong appoint na PSG chief. Sabi niya masyado raw maingay si Senator Lacson, Parang asong ulol, gusto niya patahimikin. Gusto niya akong gamitin, in-offeran nila ako at buong pamilya ko na manirahan sa Singapore. Lahat ng kailangan ko provide nila. Hindi po aking tinake-up sa kanila dahil sa totoo lang bakit ako magkakaroon ng (arrest warrant) AW hindi ko akalain kasama ako sa kasong yan? Hindi ako involved diyan! Wala akong alam sa kasong yan.… Cezar Mancao, 8/12/08 DZMM Radio Interview

Tuesday, June 2, 2009
DR. HAYDEN KHO ALISAN NG LISENSIYA?
Katanungan ito ng maraming mga tao lalo na mga kababaihan na matindi ang galit sa ginawa nito.
Tayo ho, sagot natin agad ay malakas na oo dahil sa ilang bagay na nagpapatunay na walang karapatang maging doctor itong si Hayden Kho.
Una na rito ay pag-amin niya na gumamit siya ng iligal na droga. Kahit sino ang nagbigay sa kanya nito, kahit sino ang kumumbinisi sa kanyang gumamit nito, dapat nating tandaan na siya ang doctor at hindi ang katalik niya.
Pangalawa, kahit ba iligal na droga ang nagtulak sa kanya na kunan ang pagtatalik nila ni Katrina Halili, ibig ba sabihin nuon nakailigal na droga na siya ng kunan niya ang pagtatalik nila ng iba pang mga kababaihan na obvious na naloko niya.
Kasalanan ng karamihan sa mga babaing iyon ay umibig at nagpabola kaya hindi na natin babanggitin ang pangalan nila. Unfair sa kanila ang nangyari lalo na at nananahimik sila.
Pangatlong dahilan, wala naman tayong nakikitang pagsisisi sa mga kinikilos ng kampo ni Kho. Nililigaw nila pilit ang usapan at ultimo ang senado ay pilit nilang pinaiikot.
Aba, nais pa nilang diktahan ang buong senado at muntik muntik na ito kung hindi pumalag si Sen. Jinggoy Estrada na deretsong kinagalitan si Atty. Lorna Kapunan na abogado ni Hayden dahil sa mga pananakot nito.
Nanindigan rin si Sen. Ramon “Bong” Revilla na siyang nagbunyag ng iskandalong ito pero medyo disappointed tayo kay Senadora Jamby Madrigal na mukhang ilag kay Kapunan.
Pangapat, mga palusot nila na mga sindikato raw ng iligal na droga ang nagpakalat nito pero ayaw naman nilang pangalanan dahil natatakot raw siya baka patayin siya.
Sa pagsisiwalat lamang niya na may drug lord na involve (kung totoo ito) puwede na siyang paslangin ng mga walang kaluluwang mga iyan. Pero kaibigan, medyo hindi natin kaya paniwalaan iyan lalo na ang hirit nila na binili raw ito sa halagang P2 milyong piso.
Hinimok silang ibigay ang pangalan sa Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) pero tumanggi rin ang grupo ni Kho. Takot raw sila sa buhay nila. Uulitin natin, nang lumabas ang isyu na drug lord ang nagpakalat, hindi ba enough na iyon upang yariin siya.
Parang pelikula itong mga ginagawa ni Hayden Kho. Hindi lang natin makita pa sino ang may gawa ng script pero isa ang tiyak, pangit ang script na ito. Hindi kapanipaniwala, buking na palpak. Hindi kikita sa takilya.
Tanging totoo lamang ay ang mga kababaihang nabiktima niya. Mga babaeng nabola niya at tanging kasalanan ay umibig. Hindi na natin babanggitin ang pangalan nila dahil unfair naman, lalo na at nananahimik sila. Sinama lamang natin ang kay Katrina Halili dahil lumantad naman siya upang lumaban.
Ngayon pa lang, bawiin sana ng Professional Regulations Commission ang lisensiya niya. Walang karapatan manggamot ang isang katulad niya. Huwag nating payagang dumami pa ang biktima niya.

Subscribe to:
Posts (Atom)