Thursday, January 29, 2009

IBA'T IBANG REAKSYON

Katanungan natin sa mga mambabasa kung ano ang angkop na deskripsyon sa administrasyong ito at marami ho ang tumugon. Marami ho ay nagmumura at sa tindi ng galit ay hindi natin maaaring ilathala.
Iba naman, medyo masakit pero komo hindi naman nagmumura at ito ang mga iyon kasama ng mga cell phone numbers nila. Baka kasi isipin ng mga kampon ng Malakanyang na tayo ang nag-imbento nito.
Kapal ng Mukha, mga magnanakaw talaga – 09289984746. Idolo po ni Gloria ang asawa ni Mao Tse Tung. Pilit na kinukumpara kay Evita Peron ng Argentina. Mga halusinasyon ng isang baliw o sira ulo – 09202297370. Lahat ng pinaka nandito na sa atin, dagdagan na lang natin ng dasal na huwag tayo mapareho sa ginawa ni LORD sa Sodom at Gomora – 09193642980. Mga demonyo hayop ang nakatira diyan sa Malakanyang kaya makakapal ang mukha, mga ganid, mga linta kung sumipsip ng dugo lalo na si **** ******- 0910403200. Hindi na naman po pinagiisipan yun. Demonyo lang ho ang tugmang tawag ngayon kay gloria’t mga kampon niya – 09219760566.
Wala rin akong maisip na tamang description para kay Gloria at mga alipores niya. Siguro mga demonyo na lang dahil lahat ng ginagawa nila ay gawain lamang ng demonyo. Puede na rin ang kapalmuks – 09296408468. 61 years old na ako, madami na din akong naabutan mga naging president ng Pilipinas pero gobyerno ni Donya Gloria pinaka sa lahat, nuknukan ng bulok corrupt – 09162315440. Talaga namang walang kakwenta kwenta gobyerno natin. Masama mga tao sa malakanyang. Lalo na iyang mr. tandang ermita. Ulyanin na yata, sukat ba namang magsalita dapat pang mag-aral si obama kay madam Gloria. ang kapal ng apog niya. – 0903659422.
Marami pa hong iba pero sobrang sakit at talagang bawal ilathala. Nakikita natin ang galit ng sambayanan. Pati mga isyung mga nakaraan pinaaalala nila lalo na ang Jose Pidal na nilantad ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson.
Marami naman ho sa kanila ay nagsasabi na dapat alisin na sa puwesto si Madam Senyora Donya Gloria agaran at huwag na raw hintayin ang 2010. Katunayan, ilan ho ay nagtetext na kung sundalo lang sila ay gagawin na nila.
Iba naman, nais paalala sa lahat na mamili ng maayos na pangulo sa 2010. Ako man ho, mas nais ko ito, kaso sa kasalukuyang sistema natin, ubra ba ito. Lamang na lamang ang mga mararami ang pera at nakakagastos sa mga advertising gaya nitong si Mr. Itik na dati ay Sipag at Tyaga kaso nabuking na Singit at Taga pala.
Sa nalalapit na panahon ay magkakaruon tayo ng iba’t ibang column kung saan ilalagay natin ang nalalaman natin tungkol sa mga nais tumakbong pangulo. Mas nanaisin natin ito upang makapili kayo ng tama.
Pagkatapos niyan ay gawa tayo ng tunay na survey, hindi mga bayarang survey kung sino ang nais niyong maging pangulo. Sisikapin natin maging larawan ng tunay na puso at kaisipan ng sambayanang Pilipino.
Sa mga nagtext o tumawag, maraming salamat ho. Lahat ho iyan binabasa natin bagamat hindi na natin nasasagot ang mga tawag. Sa mga hindi at nais ilabas ang niloob nila, text lang kayo, paminsan minsan ilalabas natin ang mga text at mga numero ng cell phone bilang patunay na hindi imbento ito. Maraming salamat po muli.

Wednesday, January 28, 2009

NUKNUKAN NG SAMA, NAHIHIBANG O ANO PA?

Tama ba ang ginawa kong title ng column na ito o mali. Kayo mga kaibigan ang nais kong tanungin pero bago niyo sagutin iyan ay basahin niyo muna ang buong column.
Una, isa na tayo sa pinaka corrupt na bansa sa buong mundo. Kasama na ho tayo sa honor roll ng mga bansang ubod ng tindi ang nakawan ng mga taong kung tawagin pa natin ay honorable.
Dahilan rin sa corruption na iyan, nasa atin na ang pinakamahal na kalye sa buong mundo at iyan ay ang Diosdado Macapagal Highway, naku po, pangalan pa ng ama ni Madam Senyora Donya Gloria.
Medyo unfair sa yumaong dating pangulo, hindi naman siya ang nagnakaw at hindi naman siya ang nanunungkulan sa Malakanyang sa kasalukuyan pero naikabit sa pangalan niya ang super takaw na nakawang ito.
Nakilala rin tayo sa ZTE scandal, fertilizer at iba iba pa. Bisita kayo sa senado kung may hearing at makikita niyo ang foreign media. Kakahiya at ngayon ito pang kaso ng mga kumpanyang pina blacklist ng World Bank. Grabe!!! One of the most corrupt in the world!!!
Hindi ho tayo ang may sabi niya, hindi rin ho ang grupo ng oposisyon at lalong hindi si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na kadalasang naglalantad ng mga katiwalian na nagumpisa sa JOSE PIDAL scandal.
Ang nagbansag sa atin niyan ay ang international community. Ang Transparency International at mga negosyanteng dayuhan na nahihilo at nagugulo sa tindi at dami ng nanghihingi rito sa atin.
Pangalawa, tayo ang pumapangalawa sa Iraq sa dami ng mamamahayag na napapaslang. Paalala lamang ho, sa Iraq may civil war, may bakbakan araw araw at hanggang sa araw na ito ay may mga sundalong Amerikano pang nakakalat. Ito rin ang bansang sinakop ng Amerika sa kautusan ng kaaalis lamang nilang Pangulong George Bush na siya ring nagpabitay naman kay Saddam Hussein, ang dating Pangulo ng Iraq na may atraso sa tatay pa ni Bush na naging Pangulo rin ng Estados Unidos.
Pangatlo, tayo ang pinaka delikadong lugar para sa mga Huwes dahil rin sa dami ng bilang nilang napapaslang. Sunud sunod ang pinapatay sa hanay nila kaya karamihan sa kanila nagaral ng gumamit ng baril. Parang wild wild west tayo, puro de baril.
Ultimo sa loob ng court room merong nagbabarilan. Wow, parang sine, masama nga lamang tunay ba buhay ito. Kakaiba, only in the Philippines.
Pangapat at malamang pinakamasama. Tayo ang tinatawag na murder capital ng mundo. Bakit hindi, dito sa atin pinaka madalas ang patayan. Sana patayan na lang ng manok o baboy o baka o tupa kaso tao o, tao.
Tapos sasabihin pa ng Malakanyang na dapat mag-aral si Barack Obama kay Madam Senyora Donya Gloria. Mali yata ito, ang dapat yata magpaturo sa Malakanyang ay ang World Health Organization dahil sa kakaibang paraan ng Pilipinas sa pagbabawas ng ating populasyon.
Problema lamang, ayaw magbitiw, ayaw lumayas at heto nahihibang pa at sasabihing nasa Pilipinas raw ang solusyon kung paano labanan ang kasalukuyang krisis sa mundo.
Nuknukan ng sama, nahihibang, ano pa, hindi ko na malaman, kailangan ko na ng tulong sa inyo. Wala lang hong murahan. Suggest kayo ng angkop na description natin kay Madam Senyora Donya Gloria at sa mga kampon niya.

Saturday, January 24, 2009

ILOCOS AT BAGUIO (2)

Pagkatapos pos a Saud beach resort ay tumungo naman kami sa iba pang parte ng Pagudpud. Dalaw kami sa dating napuntahan na naming tinatawag nilang Blue Lagoon sa pareho ring bayan.
Una naming nakita ang lugar na ito na ubod ng ganda at para nga itong Blue Lagoon na naging pelikula matagal na ang panahon.
Laki hong disappointment naming lahat. Sobrang lungkot. Nagkalat ang mga resort kuno. Iba iba ang hitsura. Dikit dikit, parang squatters area. Walang plano at matindi pa nito, ang lapit lapit na sa dagat ng ilan sa mga cottages (kung matatawag itong ganuon).
Nagkalat rin ang mga basura at ultimo ang dagat kitang kita ang mga bote ng tubig, lalagyan ng mga chichirya at kung ano ano pang basura.
Ni hindi na namin inisip bumaba, ako na ho ang nagsabi sa driver na ikot na lang ang sasakyan. Ako pa ho ang nagsabi sa mga barkada na tingnan namin ang naturang lugar dahil sa ganda nito. Super lungkot. Malinaw na binaboy ang naturang lugar.
Masakit pa nito. Ilan sa nagmamay-ari ng lupa sa naturang lugar ay mga pulitikong walang nagawa para sa bayan ng Ilocos. Mga taong malinaw na nangamkam ng lupa ng bayan at wala na ngang naitulong ay naninira pa ng kagandahan ng bayan natin.
Literal na nasabi natin na sana mawala na sila sa mundo. Mga taong walang silbi.
Balik ho kami sa Laoag pero dumaan naman sa kainan ng empanadang Iloko. Nagpasaya ito sa amin. Super sarap ang empanadang Iloko. Double nga ang hiningi natin (doble ang Longganisang Iloko ang nasa loob ng empanada).
Gaya ng nasabi natin sa naunang column. Sarap ng pagkain ng mga Ilokano. Iba ang karakter at balita ko nga pala sa inyo bumigat ang timbang ko ng mahigit five pounds. Hindi bale balik exercise nalang tayo.
Overnight ho kami sa Laoag at byahe naman kami sa Vigan, Ilocos Sur kung saan dinalaw namin si Ferdie Medina, dating alkalde ng naturang bayan at asawa ng kasalukuyang alkaldeng si Eva Medina.
Kakaiba ang Vigan, pasyalan ho ninyo. Maganda at malinis. Hindi rin sila pumayag na baguhin ang mga lumang parte ng siyudad. Napanatili ang karakter ng lugar. Talagang pang turista at dahilan siguro bakit turismo ang isa sa numero unong industriya nila nuon.
Kahit may Jollibee at McDonald at Max’s Fried Chicken, ang structure nila ay luma at angkop sa arkitekture ng nakaraan. No wonder dagsa ang turista. Paniwalaan niyo ako, sarap magkukuha ng litrato at maaliwalas ang pakiramdam.
Sana ganuon ang Intramuros at iba pang lugar sa ating bayan. Hindi kagaya ng Maynila na deretso kong sasabihing ginawang baduy ng mga opisyal na nilagyan ng mga ilaw na iba iba ang kulay. Sinira ang karakter ng ating pangunahing lungsod. Haay!!!
Mula ho sa Vigan ay nagtungo na kami sa Baguio. Matagal na panahon akong hindi nakarating duon. Taon na.
Ilang oras ang biyahe at namili pa kami ng sibuyas at bawang na pawang produkto ng Ilokos. Hindi ho ito imported at kahit kelan mas masarap itong isahog sa ulam. Suhol ko it okay Kumander dahil ilang araw rin kaming naglakwatsa. Hehehe!!!
Gabi kami dumating sa Baguio at pagcheck in sa Camp John Hay, kain at tulog na.
Kinaumagahan, lakwatsa agad gaya ng breakfast sa Café by the Ruins. Dito panibagong sama ng loob. Wala na ang ganda ng Baguio. Hindi inasikaso ng mga opisyal na pinayagan ang pagtatayo ng mga bahay na animo mga squatter sa tabi ng bundok. Kahit saan ka lumingon, wala na ang mga puno, puro konkreto at pangit pa. Hindi uniporme at kalat pa kahit saan.
Super lungkod. Sayang. Gaya ng bayan natin, pumapangit dahil sa kakulangan ng pagpaplano. Haay!!! Bakit!!!

Wednesday, January 21, 2009

ILOCOS AT BAGUIO (1)

Nung Huwebes po nagtungo tayo ng Ilocos Norte sakay ng eroplano kasama ng ilan sa ating mga kaibigan. Matagal na namin plinano ang lakad na ito at ito ay sa kadahilanang paniwala natin na mas mahalaga ang mag-ikot sa sariling bayan kesa mangibang bayan.
Lapag ang eroplanong sinakyan namin sa Laoag International Airport (kuno). Bakit kanyo kuno, eh paano naman, ultimo conveyor wala ang naturang terminal. Mukhang ayaw pa rin ayusin ang naturang airport kahit na maraming international flights ang lumalapag diyan. Ano kaya ang ginagawa ng mga kongresista nila sa mga pork barrel nila? Umpisa nung tinayo ang naturang airport wala halos binago ito.
Ganundin ang Malakanyang. Buong akala natin nais ni Madam Senyora Donya Gloria ipromote ang turismo, aba ano ang ginagawa nila. Kesa mga airport na walang saysay ang inaayos nila dapat kahit konti anggihan nila ang Laoag International Airport (kuno).
Anyway, mula ho sa airport tungo kami sa Fort Ilocandia, isang hotel na tinayo rin nuon pa ni dating First Lady Imelda Romualdez Marcos. Isang malaking kumpanya ang may ari nito ngayon at maganda ang pagka maintain. Bagamat hindi karamihan ang mga tumutuloy rito dahil rin sa pakikialam ng mga pulitikong nais na naman kumita kung sakaling sumuko ang kasalukuyang nagmamay-ari nito.
Isa rito sa pulitikong ito ay kilala nating siga sa Ilocos Norte pero hindi ho ito sa mga Marcos, isa siyang beteranong pulitiko at magaling sa ayusan. (hulaan niyo nga sino siya). Matagal na ito sa puwesto pero walang nagagawa para sa bayan, of course para sa sarili maraming marami.
Pero bago maligaw ang usapan natin, mula Laoag tungo tayo sa iba’t ibang probinsiya ng Ilocos Norte. Kain rin tayo ng mga orihinal na putaheng Ilokano gaya ng sinanglaw, bagnet, poqui poqui at pati ang empanadang Iloko. Super sarap talaga at thank you kay Tita Arlene de Guzman na siyang nag-guide sa amin.
Diyan ding akyat kami sa lighthouse, panoorin ang mga windmills at tuloy sa Boracay of the North na Pagudpod. Magandang beach na maaaring hindi kasing pino ng Boracay ang buhangin pero hamak na mas malinis at mas maayos ang pagkakagawa ng mga beach resorts.
Tumuloy kami sa Saud beach, pag-aari ng magasawang Teteng at Maja Sales. Si Manong Teteng ay ilang beses naging alkalde ng Pagudpod pero nadaya nitong huling paghangad niyang magsilbi bilang kongresista. Si Maja naman ang bise alkalde ngayon. Ni minsan hindi pumayag ang magulong pagtatayo ng mga beach resort sa naturang bayan. Malinis ito at sa haba ng nilakbay namin, walang basura sa beach at wala ni isang empty bottle sa karagatan nito.
Saying kung ganuon din sana sa lagi nating pinagmamalaking Boracay na tinuturing yatang basurahan ng iba nating kababayan at pinagkakakitaan lamang ng ilang mga resort owners na nais itayo ang kanilang mga pangit na gusali sa mismong dagat.
Sarap ng pakiramdam sa Saud beach kaya nang umalis kami may pangako kami na babalik at matutulog na ruon kahit ilang gabi.
******
May karugtong, sa susunod kung paano naman sirain ang beach sa tinatawag na Blue Lagoon ng mga magagaling na nagkalupa sa naturang lugar at pagsasaayos naman ng Vigan na kakaiba ang ganda at dating.

Sunday, January 18, 2009

ILIGAL NA DROGA

ILIGAL NA DROGA
Salot sa lipunan ang iligal na droga. Nuon pa man panukala natin na burahin sa mundo ang mga tulak. Ni hindi nga sila dapat kaawaan kaya ang tanging paraan upang tapusin ang kasamaan nila ay palamun sa kanila ang mga iligal na drogang ginagawa nila para ikamatay nila.
Huwag na natin aksayahin ang sinasaksak sa kanila sa pamamagitan ng lethal injection at huwag na rin nating idaan sa electric chair at iba pang paraang makatao raw dahil hindi masyado makakaranas ng hirap.
Hindi tao ang mga tulak at mga gumagawa ng iligal na droga, wala silang kaluluwa at dapat sa kanila pahirapan. Katunayan, dapat kumpiskahin pa ang mga ari-arian nila para mamulubi ang kanilang mga pamilya at hindi makinabang sa mga perang nakuha nila sa pagpapakalat ng iligal na droga.
Pero may pakiusap sana tayo, ito ay isama natin ang mga opisyal na nakikinabang sa kanila. Mga nasuhulan at nagtatakip para sa kanila. Mga taong nasa likod nila upang tiyaking makalusot sila sa kamay ng batas.
Iyan lang ang paraan upang matigil ang iligal na droga. Kamay na bakal na siyang gagamitin sa mga taong sangkot sa iligal na droga anuman ang katayuan sa ating lipunan.
Wala dapat patawarin diyan, walang dapat palusutin. Malapit man o malayo sa ating mga opisyal. Mayaman man o mahirap. Dapat pahirapan at parusahan lahat ng iyan, mula sa gumagawa nito, nagpupuslit nito, nagtutulak nito at mga may tongpats rito na mga opisyal pa ng pamahalaan ni Madam Senyora Donya Gloria.
Sa kasalukuyan nga pala ay number na ang Pilipinas sa dami ng gumagamit ng iligal na droga sa buong Asia. Wow!!! Galing ni Madam Senyora Donya Gloria. Number one sa corruption, number sa addict. Ano pa kayang number one ang aabutin natin dahil kay Madam Senyora Donya Gloria.
Bago tayo tuluyang malihis ng usapan, kailangan ni Madam Senyora Donya Gloria na kasalukuyang anti drug Czarina (sa mga writers ng Malakanyang, hindi ho pwedeng anti drug Czar dahil ang boss niyo ay isang babae at hindi lalaki) na ipatupad ang isang totohanang laban sa iligal na droga.
Totohanang kampanya na magtatanggal at magpapakulong man lang sa mga kawani at opisyal ng gobyerno na magtatakip para sa mga taong sangkot sa iligal na droga. Alam ng Malakanyang sino ang mga ito. Kasama riyan ang ilang matataas na opisyal at malalapit na tayo sa palasyo na siyang tunay na nasa likuran ng Alabang Boys.
Iyan ang dapat aksyunan ni Madam Senyora Donya Gloria na nagsabi at nangakong lilinisin niya ang iligal na droga. Ano na kaya ang nangyari sa pangako niyang all out war laban sa kriminalidad, corruption, kahirapan, smuggling at kung ano ano pa?
Muli, sana naman hindi ito kagaya ng mga dating hirit niya na “all out war” pero hanggang dyaryo, telebisyon at radio lamang. Mga press release na naman.
******
Bukod sa drug test na gagawin sa mga estudyante, dapat iutos rin ni Madam Senyora Donya Gloria ang drug test sa kanyang pamilya, gabinete, iba pang matataas na opisyal, kawani ng gobyerno at mga miyembro ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Kailangan ito upang mabura ang balita sa labas na kasali sa mga gumagamit ng iligal na droga ay mga taong maimpluwensiya at super lapit sa Malakanyang.
Ang sinumang mag positibo sa iligal na droga ay dapat tanggalin agad. Kailangan nga pala ang magpapatupad ng drug test ay hindi ang NBI o PNP Crime Lab kung hindi isang independiyenteng grupo kagaya siguro ng US Drug Enforcment Authority o isang United Nations agency upang hindi ito pagdudahan.
Kaso gagawin kaya niya o gaya rin ito ng mga pangakong napako at nilista sa tubig ng ilog Pasig sa tabi ng Malakanyang.

Tuesday, January 13, 2009

BAKIT MAUNLAD ANG ISRAELI AT TAYO HINDI

Patuloy ang bakbakan sa Gaza kung saan marami na ang namamatay at asahan nating lalala pa ang laban sa pagitan ng mga Hudyo o Israeli at mga Hamas guerillas na kinakampian naman ng mga katulad nilang mga Muslim.
Hindi na natin tatalakayin kung sino ang tama o mali sa labanang ito dahil panahon pa ng biblia ay wala ng tigil ang labanan sa pagitan ng mga Hudyo at mga Muslim. Libong taon na ang away nila at malabong maayos ito.
Naisip lamang natin talakayin ang mga Hudyo, Jew o mga Israeli dahil sa mga pangyayari sa ating bansa at sa ating mga kababayan. Nagkukuwentuhan kasi kami kamakailan ni Ka Lito Banayo at ilang pang mga kaibigan at napasok sa usapan ang tatag ng bansang Israel na napapaligiran ng mga Arabo pero hindi magapi ang maliit na bansa.
Naisip rin nga namin paano kung Hudyo kaya ang nasa Pilipinas at hindi tayong mga Pinoy. Paano kaya kung mga Israeli o Hudyo ang nakatira rito sa ating bansa na ubod ng ganda at napakayaman sa natural resources.
Magalit na ho ang marami sa atin pero malamang kung nagkaganuon, isa ang Pilipinas sa pinakamaunlad na bayan sa buong mundo. Malamang pa nga number one sa Asia.
Bakit ko nasabi iyon? Simple lang ho, bagama’t tayong mga Pinoy ay magagaling gaya ng mga Israeli, iisa ho ang pagkakaiba natin sa kanila. Iisa lang ho at iyan ay MAKABAYAN sila. Mahal nila ang kanilang bayan at kanilang kultura. Ni minsan hindi nila kinahiya ang kanilang pagiging Hudyo ultimo nung panahong wala silang bansa.
Libong taon din ito dahil pagkatapos lamang ng ikalawang digmaan tinayo muli ang bansang Israel.
Ultimo nung inuubos sila ni Adolf Hitler ng Germany ay hindi nila kinaila ang kanilang pagiging Jew. Ganuon din sa mga Hudyo na nakatira sa Russia na iniipit rin ng gobyerno ng dating Soviet Union.
Ultimo mga Amerikanong Hudyo ay hindi tinatanggihan ang kanilang pagiging Jew. Pinagyayabang nila ito. Sabi nga nila kahit anong gawin mo, hindi mo mababago ang isang Hudyo kahit gawin mo siyang mamamayan ng ibang bansa o di kaya’y mag-asawa ng ibang lahi.
Hindi ho kagaya natin, masakit na masakit sabihin, ni hindi tayo iniipit pero kapag nangibang bayan ang isang Pinoy, ilang buwan pa lamang sa US, Australia, Europa at iba pang bayan o kahit mga nabigyan lamang ng residency ay nilalamon na sila ng dayuhang kultura.
Kung kausapin ay matindi pa sa mga dayuhang ang kanilang mga slang. Matindi pa tuwing umuuwi rito sa atin, hihirit pa ng “alam mo sa amin (ibang bansa) iba, hindi kagaya niyo (Pinoy)?”
Meron naman ho na aaminin pa sa iyong lantaran na mas nais nila sa bansang kahit anong gawin nila ay hindi sila tatanggapin. Hindi raw sila masaya rito sa atin. Bagama’t hindi perfect at ating bayan – tahasan kong sasabihin sa inyo na dito ko nais tumanda. Wala ho akong planong tumira sa ibang bansa maliban sa pagiging turista dahil kahit anong gawin kakaiba ang nasa sariling bayan.
Ang mga kababayan naman nating nag-asawa ng ibang lahi, okay lamang pero sana patuloy niyong papaalala at turuan ng kultura ng ating bansa ang inyong mga anak. Huwag nating kalimutan ang ating bayan. Ganuon din sa mga nagtrabaho sa ibang bansa, huwag nating kalimutan ang ating bayan.
Maliit na bagay para sa iba pero iyan ang isang dahilan bakit maunlad ang Israel. Hindi sila nakakalimot sa kanilang pinanggalingan. Mahal nila ang kanilang pinagmulan at hindi sila kailanman kayang lamunin ng dayuhang kultura. Tandaan, ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan hindi makakarating sa paruruonan.
Sana tayo rin. Tandaan natin, kahit anong gawin natin, tayo ay Pilipino. Magaling na lahi, matapang na lahi pero kulang lamang sa pagiging makabayan. Baguhin natin at darating ang araw na tayo ay babalik sa mga bansang tinitingala ng sangkatauhan.

Friday, January 9, 2009

MGA TAO SA LIKOD NG DROGA

Mainit na mainit ang usapan nitong mga nakaraang araw tungkol sa Alabang Boys, mga anak mayaman, na nahuli ng Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) na may dala dalang mga ecstacy pills.
And Ecstacy ho ay ginagamit ng mga mayayaman sa ating lipunan at binebenta ito sa mga mamahaling gimmikan ng mga anak ng mga may kaya. Mga kabataang lumulustay sa salapi ng kanilang mga magulang. Minsan tinatawag rin itong date rape drugs dahil marami raw mga kababaihang nararape kung uminom nito.
Libo raw ang halaga ng bawat tableta nito at ang nasamsam ng PDEA agents ay marami at malaking halaga. Pumalag rin ang mga opisyal ng PDEA ng planong palayain ang tatlong suspects na tinagurian natin ngayong mga Alabang Boys. Binulgar ng PDEA na P50 milyong piso ang pinanlagay upang palayain ang tatlong suspects.
Sa mga imbistigasyon na ginagawa ay lumalabas na may milagro ngang nangyayari sa Department of Justice kung saan nanggaling ang release papers sana ng tatlo.
Sa pagkakataong ito, malinaw na hindi kasali si Justice Secretary Raul Gonzales na siya pang nag-utos na pwede lamang palayain ang tatlo kung matapos na ang pag rereview niya ng kaso.n Pero ang kanyang undersecretary na si Ric Blancaflor pinagdududahan ng husto dahil siya pa mismo ang nag-fofollow up ng release ng tatlo. Siya ay personal pang tumawag sa PDEA. Sobra ang interest.
Lahat ho iyan alam na natin pero bukod sa P50 million na balitang pangayos sa kaso ay sino ba ang malalaking taong kasali rito kaya mabigat ang pressure na piñata sa PDEA at DOJ.
Hindi natin ubrang pangalanan pa pero bibigyan namin kayo ng mga clue. Bahala na kayo kung makuha niyo ito. Una, isa sa tatlong suspects ay malayong kamag-anak ng isa sa tatlo, ay mataas na opisyal ng Malacanang. Mataas as in cabinet rank. Take note mga kaibigan, cabinet rank pero hindi line agency.
O kilala niyo nab a o kailangan niyo pa ba ng dagdag na clue. Sige, ang opisyal na ito ay sumabit ang opisina nung nakaraang taon tungkol sa mga donasyong kinukupit nila mula sa mga tunay na may kailangan. Hulaan niyo at mag-text, tingnan natin kung makilala niyo.
Isa pang dapat hulaan ay sino ang tunay na abogadong ginamit ng Alabang Boys upang kausapin ang mga taga DOJ. Ang abogadong ito ay kilalang partner ng isang super lapit sa palasyo. Partner pa nga siya ng isang mataas na opisyal ng Kongreso. Sa madaling salita, congressman ang partner ni attorney ng mga drug syndicates. Hindi ho unang kaso ni attorney ito na napalaya niya ang mga suspects na kilalang mga involve sa iligal na droga.
At paano naman hindi kakayanin ni attorney ito, siya mismo at mga kabarkada niyang mga kongresista ay pawang mga gumagamit ng ecstacy. Malamang ang bayad sa kanya ay cash and kind. Wow, sobra na tayog ni attorney na ito na barkada rin ng isang dating cabinet secretary na hanggang sa ngayon ay super lapit kay Madam Senyora Donya Gloria.
Siyanga pala, dagdag na clue, si attorney ay kasama lagi ng isang taga Quezon city na malapit kay Madam Senyora Donya Gloria at isang taga Malabon na super close rin sa Malakanyang. Ang taga Quezon city at Malabon ay regular ring kasama ni attorney sa mga sikat at mamahaling night club diyan sa Quezon ave.
Kagaya ng sinabi natin kanina, gumagamit rin sila ng iba’t ibang droga at komo lulong na, inisip nilang bigyang protection ang iba’t ibang drug syndicate upang matiyak na patuloy ang supply nila at may kita pa sila. Sa madaling salita, patong na sila.
At huling clue, si attorney ay madaling lumapit sa isang mataas na opisyal ng DOJ dahil siya ang pumapapel na bugaw sa opisyal na saksakan ng hilig. Driver nga ho ni attorney ang sumusundo at naghahatid sa bebot ng mataas na opisyal upang hindi mabuking.
Lahat talaga pinasukan na, huwag lang sana pagbayaran ng inyong mga anak ang kalokohan ninyo. Sa pagkagahaman, pati droga pinasok niyo na.

Juana Change video. please watch

Wednesday, January 7, 2009

PANG-AAPI HUWAG PAYAGAN

Nagtungo ho tayo ng Macau at Hongkong nuong Sabado at habang sinusulat natin ang pitak na ito ay nasa dating crown colony pa tayo ng United Kingdom.
Nayaya tayo ng ilang mga barkada at inisip nating bakasyon ito dahil halos hindi tayo nakapagpahinga nung holidays dahil nagkaroon ho ng problema ang aking ama. Bigla hong nakaramdam ng matinding sakit si Papa at natuklasan ng doctor na gawa ito ng kanyang abdo.
Malaki ho ang pasalamat natin sa ating PANGINOON dahil okay na ho siya. Panay ang panalangin naming buong pamilya at dininig ang aming panalangin. Kung hindi pala naagapan ay sasabog na ito at kakalat ang dumi sa kanyang katawan na maglalagay sa kanya sa alanganin. Magagaling ho ang kanyang mga doctor diyan sa Cardinal Santos at maalaga rin ang mga nurses.
Anyway, tungo tayo sa terminal 2 ng airport Sabado ng umaga upang tumulak papuntang Macau. Maluwag pa ang mga kalye kaya maaga tayo nakarating. Walang problema hanggang sa pila sa terminal fee collection kung saan ang sinusundan nating Ingles ay ginulat lahat ng nanduon dahil bigla siyang nagtaas ng boses at kung ano anong salitang hindi maaaring isulat ang binitiwan laban sa ating bansa at lahi.
Galit siya bakit raw siya pinagbabayad ng terminal fee. Tayo lang raw ang bansang gumagawa nito at iyan raw ang dahilan bakit tayo mahirap at hindi maunlad dahil katangahan daw ang mga batas at patakaran natin.
Dito ho naginit ang ulo. Hindi ho tayo nakatiis at sa totoo lang ho, kung hindi tayo nagpigil malamang pinalo ko ng hawak kong laptop ang bobong ito.
Sinagot natin siya sa mataas ring boses na mukhang umuntog sa kanya pero ito ay pagkaraan ng sobrang bait na pinakita ng ilang kawani ng airport na panay lamang ang paliwanag sa kanya.
Sa inyo hong lahat diyan sa airport, okay ang maging magalang at mabait pero huwag naman kayong paaapi sa mga dayuhan na binababoy an gating bansa. Hindi komo mayaman sila ay pwede na nilang gawin ang lahat.
Naalala tuloy natin ang isang insidente sa airport nuong tayo pa ho ang pinuno ng Philippine Tourism Authority. Nakatanggap tayo ng tawag sa isang taga immigration na kaibigan na nagtatanong tungkol sa isang Koreanong lasing na nagwawala at nagyayabang na kaibigan niya raw ang inyong lingkod.
Nang malaman natin ang ginawa ng Koreanong ito, tayo na nagsabi na wala siyang karapatan sa ating bansa dahil binabastos niya tayo. Hindi natin kailangan ng turistang tingin sa atin ay nabibili agad.
Hindi na natin maalala ang pangalan ng Koreanong ito maliban sa nais niyang mag-invest sa isang property ng PTA kaya natin siya nakilala. Sa kaniya na ang pera niya, hindi natin kailangan ang isang taong hindi tayo ginagalang bilang lahi at niyuyurakan ang ating bayan.
Mga kababayan, tandaan natin. Dayuhan man o opisyal ng pamahalaan, huwag natin payagang bastusin tayo at alisan tayo ng dignidad. Ang kabaitan natin ay iniisip nila na kaduwagan.
Huwag ho tayo papayag. Ang kahirapan ay hindi nangangahulugang wala tayong dignidad.

Thursday, January 1, 2009

MAFIA, TRIAD, YAKUZA AT IBA PANG SINDIKATONG GRUPO

Nanloloko, nagsisinungaling, nagnanakaw, nandaraya, nambubugbog, pumapatay at kahit bata pinapatulan.
Iyan ho ang marka ng Mafia, Triad, Yakuza o iba pang mga sindikato sa iba’t ibang panig ng mundo mula pa nuong araw. Mga taong nagsamasama sa pamumuno ng mga walang kaluluwa o walang budhing mga lider na tanging nais ay kumita ng malaking pera sa masamaang at maruming paraan.
Ang Mafia na karamihan ay mga Italyano na nanirahan sa United States ay nakilala ng husto sa mga gawaing ito. Dami nilang napatay at napahamak na tao sa panahong naghari sila. Lahat nakuha nila pati mga opisyal ng gobyerno. Lahat kasabwat nila at matagal sila gumawa ng gulo sa Amerika hanggang sa mapuno ang mga Amerikano at nagkaroon ng isang lider na siyang tumugis sa kanila.
Sa tulong ng mga sambayanang Amerikano, nakulong mga lider ng Mafia samantalang marami namang nagpulasang iba. Nawala ang panggugulo nila.
Sa China naman, lalo na sa Hongkong at Macau ay namayagpag ang mga miyembro ng Triad na lahat ng kawalanghiyaan ginawa. Naghari-harian sila hanggang sa nagpuyos ang galit ng mga Tsino at tiyempo namang pumasok ang gobyerno ng Mainland China na tumugis sa kanila. Maraming nakulong, maraming nahatulan pa ng kamatayan.
Para silang mga dagang nagbalikan sa lungga, hindi malaman kung saan magtatago. Hindi sila sinanto, pati mga kasabwat nila na nagpayaman sa mga lagay ay pinarusahan.
Sa Japan naman, dating siga ang mga Yakuza na matindi rin sa kalupitan. Paalala lamang na sila ang ilang bumiktima rin sa mga kapuwa nating Pilipina na tinulak nila sa prostitusyon sa Tokyo at iba pang siyudad sa Japan.
Gaya ng mga Mafia, Triad at iba pang sindikato, lahat nasusuhulan nila. Hawak nila lahat pati mga Judges, police at matataas na opisyal ng gobyerno.
Kasalukuyan ho ang mga namamayagpag naman ay ang Russian Mafia. Matindi ang grupong ito. Hawak nila lahat ultimo ang gobyerno. Sila ang nagpapatakbo ng buong bayan. Walang magawa sa kanila ang sinuman ultimo ang mga pulis at military. Lahat nababayaran nila.
Sa lahat ng grupong iyan, sa umpisa ay umaatras ang mga taong ayaw ng gulo pero habang tumatagal at tumitindi ang pang-aabuso nila ay naiipon ang galit ng tao at nagkakaroon ng pinunong susuheto sa kanila.
Dito ho sa atin, pandaraya, pagnanakaw, pandarambong, pagsisinungaling at pang-aabuso at pagmamalupit sa kapuwa ay klarong klaro sa ating lipunan. Problema nga lamang, hindi ho criminal syndicate ang gumagawa nito.
Masakit, malungkot pero ang gumagawa nito ay ang pamahalaan. Mula sa pandaraya sa pamamagitan ng Hello Garci; pagnanakaw at pandarambong gaya ng Jose Pidal, ZTE, fertilizer scam, book scam, jueteng at kung ano pang ibang scam; pagmamalupit at pangaabuso gaya ng ginawang pambubugbog kay Simon Paz dahil lamang sa nais niya gumamit ng cr habang nasa loob si Presidential Anti Smuggling Group chief Bebot Villars at itong panggugulpi sa mag-amang Dela Paz nila Natural Resources Secretary Nasser Pangandaman at anak niyang alkalde.
Bugbog sarado ang mag-amang dela Paz, kasama na ang kanyang 14-anyos na anak na miyembro pa ng Philippine Golf Team. Wala silang nagawa ng pagtulungan sila ng mga bodyguards ni Pangandaman.
Matindi nito, pinalabas pa na sila raw ang may kasalanan at naghamon ng away. Matindi talaga tapang nitong mag-amang dela Paz, hinamon ng away ang isang grupo ng lalaking katakot takot na bodyguards.
Lahat ho itong mga nabanggit natin, patunay na ala Mafia ang naghahari sa atin at naninirahan sa Malakanyang. Sinungaling, mandaraya, magnanakaw, malupit at abusado. Mga gawain lahat ng administrasyong ito.
Pero sa pagpasok ng taong 2009, asahan natin na darating rin ang panahong magagalit ang sambayanan at may tatayo tayong pinuno ng siyang magpapalayas sa kanila at paparusahan sila. Gaya ng lagi nating sinasabi, pasensyahin ang Pinoy pero hindi bobo.
Sa inyong lahat, Makabayang Taon para sa ating lahat.

Search This Blog

Loading...