Saturday, December 26, 2009

MALIGAYANG PASKO SA LAHAT

Sa inyong lahat payagan niyo ho ako munang bumati ng Maligayang Pasko sa lahat.
Sana ang pagdiriwang natin ng kapanganakan ng ating Panginoong Hesus Kristo ay magsilbing tunay na pagbabago sa ating lahat, nawa’y magsilbing kamulatan sa ating lahat ang tunay na diwa ng Pasko.
Bagama’t pahirap ng pahirap ang buhay nating lahat, isipin natin na ang pagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus Christ ay hindi nangangahulugang piging kaliwa’t kanan at walang tigil na inuman at kainan at palitan ng regalo o di kaya caroling na walang humpay.
Tandaan natin ang aral na tinuturo sa atin ng ating mga ninuno na sa araw ng PASKO ang pinakamahalaga ay gunitain natin ang kaarawan ng ating tanging tagapagligtas.
Kahit konting handaan na pansit lamang, alalahanin natin na mas importante sa panahong ito na sana’y maging simula ng pagmamahal natin hindi lamang sa ating pamilya kung hindi sa ating mga kapit bahay, kaibigan at sa lahat ng ating kapuwa.
Panahon ng pagmamahal ngayon at magagawa natin ito sa mga simpleng paraan gaya ng pagtulung sa mga simpleng gawain sa sari sarili nating pamamahay.
Sa mga Ama at Ina ng tahanan, pagkakataon ito upang kausapin ang ating mga anak at unawain sila sa maraming bagay. Intindihin natin sila at ipaunawa rin natin sa kanila ano ang mga dahilan ng mga bagay na ayaw natin. Samantalahin natin ang panahong ito kung saan turo naman sa ating lahat ni Hesus Kristo o ni Bro na tayo ay magmahalan.
Sa mga anak naman, hindi puro regalo at caroling ang atupagin natin. Kausapin natin ang ating mga magulang at humingi tayo ng tawad sa mga kasalanan natin. Sila ang magulang natin, tayo ang mangunang magpakumbaba. Remember, si Bro, kahit anak ng DIYOS ay pinanganak sa simpleng paraan, very very humble birth.
Totoong dahil sa teknolohiya matindi ang generation gap na tinatawag pero sa paguusap na masayang paraan ay nagkakaunawaan lahat.
Huwag nating kalilimutan na lahat ng magulang ay kabutihan ng anak ang pangunahing layunin at ang mga anak naman ay kahit kailanman mahal ang mga magulang. Ito ang dahilan bakit sa pag gunita natin ng matinding pagmamahal sa atin ni GOD ay binigay niya sa atin si BRO kaya mas madaling maayos ang mga gusot at maliit na iringan.
Sa mga magkakapatid naman o magpinsan, may mga konting tampuhan o away pero lahat ito pinagmulan ay mga pride o di kaya’y tungkol sa mga material na bagay.
Kalimutan ito, pilitin natin patawarin ang bawa’t isa, gaya ng pagpapatawad ng PANGINOON sa atin. Importante lamang ho ay magusap usap, maghingahan ng sama ng loob pero huwag naman sa tapat ng bote ng beer dahil baka lalong mag away away.
Gaya ng nasabi natin, samantalahin natin ang panahong ito upang magkaunawaan. Uulitin natin, magmahalan tayo. Magpatawad at higit sa lahat tandaan, Christmas ay pagbibigayan hindi lamang ng material na bagay kung hindi pagmamahal at pagpapatawad.
MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT!!!

0 comments:

Post a Comment

Search This Blog

Loading...