Ilan sa mga kapatid natin sa media ang nadala ng kanilang damdamin at nasaktan itong walang kaluluwang si Mayor Andal Ampatuan, Jr., pangunahing suspect sa pagpaslang sa 57 katao sa Maguindanao kasama na ang halos dalawampung media men.
Hindi napigilan ang nagdadalamhati at nagpupuyos pang mga mamamahayag na nagdala pa ng mga litrato upang comprontahin si Ampatuan. Isa sa kanila ang hindi nakatiis at hinampas ng mamahaling kamera ang ngingisi ngisi pang si Ampatuan.
Dahil sa nangyaring iyan, hirit naman ang Commission on Human Rights (CHR) na kahit sino raw ay may karapatang pantao. Ang mga abogado naman ni Ampatuan sa pamumuno ni Atty. Sigfrid Fortun ay sumagot rin sa media na lahat ng tao ay may karapatang ipagtanggol ng abogado.
Sa CHR na pinamumunuan ni Leila de Lima, isa lamang ang masasagot ko riyan, binigyan ba ni Ampatuan ng karapatang pantao ang mga pinaslang nila. Nasaan ang karapatang pantao ng mga kababaihang hinalay muna nila, sinaktan, inalipusta at binastos.
Ang mga mamamahayag na sumama lamang upang mag cover, nasaan ang kanilang human rights. Paano pa ang mga pamilya nila.
Kay Atty. Fortun naman at lahat ng mga kasamahan mong abogado, tantanan niyo nga kami sa karapatan ng isang tao na magkaroon ng maayos na depensa.
Aminin niyo, ang tanging dahilan kaya kayo pumapayag na maging kliyente ang mga Ampatuan ay dahil sa salapi, sa kuwarta at walang iba pa.
Isa ho ang malinaw sa mga ginagawa ninyo, kagaya na rin kayo ng kliyente niyong walang karapatang pantao dahil ang ginawa nila ay hindi gawa ng tao kung hindi gawa ng demonyo.
******
Bukod pa sa salapi ang isa sa malaking dahilan bakit tinanggap ang kaso ng mga Ampatuan ng mga abogado ay dahil sa utos ni Madam Senyora Donya Gloria.
Tingnan ho natin maigi kung sino sino ang mga abogadong ito na nakapaligid ngayon sa mga Ampatuan. Sa pagyayabang ng mga Ampatuan, meron raw silang 40 abogado.
Ilan sa kanila kilalang super lapit sa Malakanyang. Isa sa kanila kitang kita ko sa telebisyon ay partner sa law office ni Congressman Matt Defensor, tatay ni Mike Defensor.
Si Atty. V ay hindi lamang partner ni Matt, siya ay abogado rin ni dating Governor Chavit Singson. Super lapit rin siya sa mga kaalyado ni Madam Senyora Donya Gloria at isa sa tinatawag nilang consillieri.
Ang consillieri ho ay abogado ng mga Mafia.
Kilala rin natin siya sa humahawak ng mga kasong talagang alanganing ilusot pero nagagawan niya ng paraan. Minsan ho kinompronta siya tungkol sa pag hawak niya ng kaso ng mga taong walang kaluluwa, walang kakurapkurap na sagot niya ay bakit? Kung hindi ko tatanggapin, may iba namang tatanggap.
Sabagay, katulad na ang mga abogadong iyan ng mga kliyente nila. Buhay pa sila sinusunog na ang kaluluwa nila.
Saturday, December 26, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment