Wednesday, December 30, 2009

DENIAL NI ATTY. VILLAMOR

Personal ho tayong tinawagan ni Atty. Alfredo Villamor nuong Sabado ng hapon bilang reaksyon sa column nating “wala naman daw bumabasa” tungkol sa mga abogadong para lamang kumita ay pinagtatanggol pa ang mga Ampatuan.
Pinaliwanag niya sa atin na hindi siya tumatayong abogado ng alinman sa mga Ampatuan at kanya lamang tinutulungan ay isa sa mga pulis na siyang biglang naging witness at dinidiin ang mga demonyong naghahari harian sa Maguindanao.
Sabi natin sa kanya padalhan niya tayo ng text man lang at ilalathala natin ng buo.
“I am representing Chief Inspector Dicay and Inspector Diongon. They executed extra judicial confessions against the Ampatuans. I assisted them and explained to them the consequences of their confessions. It’s the CIDG who sought my assistance. If their confession is executed without assistance of counsel the same cannot be used against the Ampatuans,” text ho sa atin ni Atty. Villamor.
“My condition with CIDG is I will back out once the policemen would retract their statements. I will never help the Ampatuans,” dagdag pa ho na text ni Villamor.
Sinabihan natin siya na kilala natin ang kanyang expertise sa gapangan bagama’t tatanggapin natin ang kanyang sinabi na hindi niya tutulungan ang demonyong angkan.
Of course aaminin ko na binalaan ko siya na kapag nalaman nating nilalakad niya ang mga Ampatuan kahit sa unofficial level (ibig sabihin hindi siya abogadong pormal pero tinutulungan niya sa mga piskal at huwes ang sinuman sa Ampatuan) ay uulanin siya ng banat sa atin.
Magalit na ho ang mga abogado pero ang sinumang tumutulong sa mga Ampatuan ay kalaban ng inyong lingkod at alam ko kalaban rin ng marami sa industriya ng media.
Personal ho sa amin ito lalo na at walang awa nilang pinaslang hindi lamang ang mga media men na walang kalaban laban kung hindi mga kababaihangkamag-anak naman ng mga Mangudadatu.
Maaaring hindi santo ang mga Mangudadatu pero kailanman ay walang karapatan ang sinuman na gawin ang mga kahayupan ng mga Ampatuan. Uulitin ko, kahit na panahon ng kaPaskuhan, hindi gawa ng tao ang ginawa nila, ito’y gawa ng mga demonyo.
******
Isa raw sa dahilan bakit nasaktan ng husto si Atty. Villamor ay naikabit natin siya kay Congressman Matt Defensor na partner niya sa law office at tatay naman ni dating Presidential Chief of Staff Mike Defensor na tatakbo bilang alkalde ng Quezon city.
Inaalala nila ang negatibong epekto kay Mike na tatakbo sa pagka alkalde ng Quezon city. Kilala kong personal si Mike pero mahirap makalimutan na siya ang dumukot kay Udong Mahusay na pangunahing testigo ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa Jose Pidal case sa senado. Si Atty. Villamor nga pala ang tumayong abogado ni Mahusay na kanilang pinabaligtad.
Si Ginoong Mike rin ang siyang nagbigay ng pera kay NBN-ZTE whistle blower Jun Lozada upang mapatahimik ito. Buti na lang si Lozada ay hindi bumaligtad gaya ni Mahusay. Nanatili si Jun sa kanyang prinsipyo. (hindi parehong tao si Jun Lozada na siyang nagbulgar kay Neri sa NBN-ZTE sa Jun Lozada na tumatakbo ngayon bilang senador).

0 comments:

Post a Comment

Search This Blog

Loading...