Nagdeklara si Madam Senyora Donya Gloria ng Batas Militar sa Maguindanao at ginawang dahilan ang ginawa ng mga Ampatuan kung saan mahigit limampung tao ang pinaslang kasama ang ilang miyembro ng media.
Ayon sa mga bata ni Madam nagiisip raw umaklas ang mga taga suporta ng mga Ampatuan kaya nagdesisyon silang pa deklara na ang batas militar sa buong probinsiya.
At mga kaibigan, dahil diyan sa desisyon nilang iyan, ang ikakaso nila sa mga Ampatuan, mula sa ama na si dating Gobernador Andal Ampatuan Sr., ARMM Gov. Zaldy Ampatuan at iba pang mga kamag-anak, kapamilya, kapuso, kaalyado nila ay kakasuhan ng rebelyon.
Uulitin ko ho, rebelyon at hindi gaya ng murder na sinampa laban kay Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Jr.
Ang pagkakaiba nito ay napakalaki, ang kinasuhan ng murder ay hindi maaaring piyansahan. Mananatili ang isang murder suspect sa loob ng kulungan hangga’t hindi natatapos ang kaso niya. Pag sinabi ng korte na may sala siya, deretso deretso na siya. Kung mapawalang sala naman siya, duon lang siya makakalaya.
Sa mga Ampatuan, alam nilang maraming butas sa ating batas (40 na ang mga abogado nila) gaya ng pagsasampa ng kulang na ebidensiya o iba pang teknikalidad. Kung murder, nakakulong pa silang lahat.
Sa kasong rebelyon, may piyansa, hindi nila problema ang pera, kaya laya agad sila habang niluluto ang kaso nila. Kung maaalanganin naman sila, habang nakapiyansa ay madali silang lumayas ng bansa. Alam naman nating lahat madaling tumakas mula sa Mindanao papuntang Malaysia o Indonesia.
Love talaga ni Madam Senyora Donya Gloria ang mga Ampatuan at bakit naman hindi, baka pumalag sila at ayos ang buto buto dahil sa kaso ng Hello Garci na ngayon ay Hello Ampatuan na.
Pero ang pagmamahalang ito ay hindi one way, alam kasi ng Malakanyang na kapag pumalag ang mga Ampatuan, baka magkuwento sila o isa man sa kanilang 40 mga abogado tungkol sa Hello Garci.
Kaya bukod sa regalo ng katahimikan, binigyan rin ng mga Ampatuan ng laboratory si Madam Gloria at mga kaalyado nila na hanggang sa araw na ito ay nakadikit ang mga puwet sa upuan. Alam nilang matindi ang galit ng sambayanan at pag wala na sila sa poder, malamang katayin sa literal na paraan. Bukod pa rito ang mga nais gumanti sa kanila.
Tayo ho personal na nais nating umalis na lang sila. Bumaba lang sa puwesto at sige na para maka abante na ang bayan. Pero marami ang hindi ganuon ang pananaw.
Laboratoryo ito kung ano ang reaksyon ng bayan, military at mga kongresista at senador sa batas military.
Kung makita nilang uubra, baka biglang may kaguluhan sa ka Maynilaan at iba pang parte ng bansa upang maging dahilan ipatupad ang Martial Law. Lahat ng kalaban arestado, lahat ng oposisyon na totoo kalaboso at higit sa lahat buong bayan patuloy na babalutin ng kadiliman.
Wednesday, December 16, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment