Inalis niya ang parusang kamatayan para sa mga gumagawa ng karumaldumal na krimen gaya ng pagbebenta ng iligal na droga. Isang kilos na pagpapakita ng kalambutan ni Madam Senyora Donya Gloria laban sa mga sindikato ng iligal na droga.
Dahil diyan, isang 13 – anyos na anak na babae ng isang anti drug agent ang dinukot, ginahasa at sinaksakan pa ng maraming droga. Base sa mga naunang balita, state of shock pa ang kawawang menor de edad na ang tanging kasalanan ay may amang lumalaban sa iligal na droga.
Tiyak rin natin tumataas ang bilang ng mga biktima ng iba’t ibang krimen na gawa ng iligal na droga, kasama na riyan ang mga ordinaryong mamamayan na nasasaksak at nananakawan.
Pero hindi sana mangyayari ito kung mula umpisa ay pinatupad ang parusang kamatayan sa mga involve sa iligal na droga lalo na ang mga drug pushers.
Kaso, kesa ipatupad ito ni Madam Gloria ay mas minarapat alisin ito.
Kayo Madam Gloria ang sinisisi namin sa nangyaring ito at sa lahat ng iba pang mangyayari. Kayo ang nag-alis ng parusang kamatayan sa mga halang ang kaluluwa.
Gaya ng paulit ulit nating sinasabi, walang human rights ang mga taong iyan. Katotohanan nga ay mga demonyo ang mga iyan na nag-anyong tao. Hindi sila dapat kaawaan. Ang dapat ninyo kaawaan ay mga biktima nila.
Ang ginawa nilang ito ay isang paghamon na hindi dapat ipagwalang bahala. Panahon ito upang lipulin sila. Walang silbing ipakulong ang mga taong iyan. Kahit nasa piitan kaya nilang ituloy ang kanilang masamang gawain. Hindi sila dapat bigyan ng due process at kahit anong uri ng human rights. Tahasan nating sasabihin, patayin ang mga iyan.
Tanging solusyon ay lipulin ang mga iyan. Diyan tayo nanghihinayang na wala sa ehekutibo ang mga katulad ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson at Davao city Mayor Rodrigo Duterte.
Pagkatapos lipulin ng mga taong iyan, ibalik ang parusang kamatayan lalo sa mga nagtutulak ng iligal na droga. Wala dapat palusutin dito kahit anong lahi. Tingnan niyo ang Singapore na pinatutupad ito kaya walang kaso ng iligal na droga kahit isa.
******
Sa mga nais pumasok sa Nacionalista Party ni Sen. Manny “Singit at Taga” Villar dahil nais tumakbo sa anumang posisyon sa akala niyong mabibigyan kayo ng malaking suportang pinansyal, magisip isip muna kayo.
Kung hindi rin lang kayo super lapit sa mga Villar o ilang malalapit na kaalyado nila ay huwag na kayong umasa.
Ito ang natuklasan ng isang nais mag senador na kasapi pa ng partido ni Villar. Komo kasali na siya at hindi na kailangang sulutin sa iba pang partido ay walang tulong na binibigay sa kanya.
Hindi ito kagaya ng isang bagong pasok na aba, P2 million pesos ang binigay agad agad at may pangako pang P10 milyong kasunod pa.
Ang nagkakalat pa ng balitang ito ay ang nakatanggap na nangangarap na mag senador. Pakapalan niyang kinukuwento ito at pagmamalaki pang bago magumpisa ang eleksyon ay makukuha niya ang pinangakong halaga bago magumpisa ang halalan.
Hindi pa man din palakasan na at pera pera ang usapan.
Friday, July 24, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment