Friday, July 17, 2009

BIYAHE NA NAMAN

Tumulak na naman patungong Egypt nuong Lunes si Madam Senyora Donya Gloria. Hindi na ho natin maalala pang ilang biyahe niya ito pero ang natitiyak natin ay mahigit P3 bilyong piso ang ginastos niya sa kanyang mga biyahe.
Gastos lamang ho iyan sa hotel, eroplano at mga opisyal na meeting niya gaya ng pag hohost ng almusan, pananghalian o hapunan at kahit meryenda. Hindi pa ho kasali riyan ang mga gastos para sa shopping hindi lamang ni Madam Senyora at ng kanyang pamilya kung hindi mga alalay sa biyahe.
Puwera din diyan ang para sa mga kaalyadong mga kongresista na siyempre kung saang hotel nakatuloy si Madam duon rin sila. Hindi rin kasali diyan sa P3 bilyong piso ang baon nila na siyempre hindi naman puwedeng daang dolyar lamang, kailangan siyempre ay libong dollar. Tandaan natin, sa isang libong dolyar ay halos P50,000 pesos na ito. Ilang araw lamang na gastusan ito, sa ilang mga kongresista nga, lalo na mga babaeng kongresista ay kulang pa ito para sa isang bag.
Masarap nga namang gumastos lalo na at hindi naman nila pera. Bukod nga rin pala ito sa sariling dalang pera ng mga kongresista o kaya’y charge nila sa credit card nila. Tiyak naman kasi na may magbabayad nito gaya ng mga kontratista o supplier na siyang may hawak ng kanilang mga pork barrel.
Hindi rin ho kasali ang gastos para sa asawa o di kaya’y girlfriend ng miyembro ng kongreso na pinasusunod kung saan nagtutungo si Madam at siyempre may hotel accommodations, pagkaing masasarap at higit sa lahat shopping money. Sarap talaga gumastos ng perang hindi kanila.
Magandang pagsulat ng P3 billion pesos ay 3,000,000,000.00. Isipin niyo gaano kalaking halaga ito. Sa sinulat nating ito, asahan niyo na hindi lang doble ito kung isasama ang mga nabanggit natin gaya ng baon, pasalubong, hotel at pagkain at panggastos ng mga misis, chicks, pamilya at kung ano ano pa.
Tiyak aabot ito ng P6 billion pesos o 6,000,000,000.00. Sobrang laki ito na ayon nga kay Sen. Chiz Escudero ay malaki pa sa budget ng ilang mga malalaking ospital at unibersidad.
Tama rito ang sinabi ni Sen. Chiz. Alam na alam naman ng ekonomistang si Madam Senyora Donya Gloria gaano katindi ang hirap ng sambayanan at sana naisip niya kung ilang estudyante ang mapag-aaral ng laki ng ginastos niya. Pero umaasa pa ba tayo na magbabago siya at magpapakita siya ng pagmamalasakit sa sambayanan.
Siguro hindi na, wala ng pagasa, kakalungkot pero kahit sa kanyang huling sandali (iyan ay kung hindi maisakatuparan ang anumang masamang planong palawigin ang termino at manatili sa Malakanyang) walang gagawin para sa bayan, para sa bayad maaari at sa bulsa at sa sarili.

0 comments:

Post a Comment

Search This Blog

Loading...