Patuloy na nilalabas ng mga kaalyado ni Madam Senyora Donya Gloria at mga kalaban ni Sen. Ping Lacson na ang dahilan bakit sinibak sa puwesto si dating (in)Justice Secretary Raul Gonzales sa puwesto ay dahil may kasunduan namagitan sa pagitan ng Malakanyang at ng palaban na senador.
Ang pagatras raw ni Sen. Lacson sa pagkaPangulo ang kasama raw sa deal na ito ayon pa sa mga bata ni Jose Pidal, Gonzales, Rey Berroya at iba pang mga kawatang gustong wasakin ang senador na mula umpisa ay naglabas ng Jose Pidal, ZTE-NBN at iba pang anomalya laban kay Madam Senyora Donya Gloria, Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo at sa kanilang pamilya, kakampi, kaalyado, kasabwat, kapartido at kakutsaba.
Isa lang ho ang argumento natin diyan at ito ho ay simpleng simple. Lamang para sa mga kakampi ng Malakanyang (sino man ang babasbasan nila – Noli de Castro, Gilbert Teodoro at isang pekeng oposisyon na nakipagtagpo sa Spain at kasalukuyang nasa US upang ayusin si Glen Dumlao para mag – ala Mancao) kung marami ang tumakbo sa hanay ng oposisyon upang mahati ang boto nila. Mas mapapadali ang pandaraya nila kung maliit ang magiging lamang ng mga oposisyong tatakbong pangulo at mas madaling maisasakatuparan ang bawas dagdag operation nila.
Upang makapandaya sila kailangan nila marami ang tumakbo sa eleksyon at hindi nanaiisin na umatras si Sen. Ping. Simple lang ang argument at hindi kailangan ang isang political analysts para maisip iyan. Hindi kami uto uto at gunggong lamang ang maniniwala diyan.
******
May isang business taipan na grabe na ang away sa kanyang kapatid. Kung sino ang nangonse o sino ang kumita hindi natin alam, ang malinaw, gaya ng marami sa ating mga super yaman na negosyante ay malaki ang hindi nila binayarang buwis at malaki sa kinita nilang salapi ay galing sa gobyerno.
Ang kapatid nakikipagsabwatan kay (in)Justice Secretary Raul Gonzales at nalaman ito ng taipan/tycoon na ito na super lapit ngayon kay Madam Senyora Donya Gloria dahil sa laki ng kontribusyon at kasosyo na rin ni Jose Pidal sa maraming negosyo.
Bagyo ito nung panahon ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada at sa kasalukuyan isa sa kasosyo at kasabwat ni Jose Pidal at ni Ginang Pidal.
Taranta ang taipan/tycoon, takbo kay Madam Senyora Donya Gloria at sinumbong si Raul. Bukod siyempre sa pagsumbong may dala pa itong malaki laking baon/pasalubong.
Tiyak lamang ho natin na hindi pansit ang dala at hindi rin ito litson o peking duck kung hindi mamahaling bag na siyempre may laman na ilang milyon bilang pakimkim.
Inutusan tumahimik si Raul pero tumanggi ito at kailangan niya raw ipaglaban ang hustisya.
Sabagay, nasaan nga naman ang hustisya kung kikita lamang sa napakalaking kayamanan na pinagaawayan ng magkapatid ay Malakanyang. Dapat nga naman mahatian siya hindi ba? Hustisya nga naman. Hehehe!!!
Dahil diyan, sibak ang matandang na nagamit na bukod pa sa mas bata ni Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo ang pinalit na si Agnes Devanadera.
Iyan ang dahilan bakit sinibak si Raul. Tunay na dahilan at pawang katotohanan.
Tuesday, June 16, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment