Tuesday, June 23, 2009

SA LAHAT NG MGA OVERSEAS FILIPINO WORKERS

Nais ipaalam sa inyo ng mga financial analyst ng World Bank na ang tunay na palitan dolyar kontra sa piso ay $1 = P52. Minamanipula ng gobyerno niyo ang exchange rate nitong nakaraang ilang taon. Masyadong imposible at hindi mangyayari tumataas ang halaga ng piso kontra sa Euro Dollars, British Pounds, Saudi Rials at iba pang foreign currencies.
Ultimo ang mga kapitbahay niyong bansa ay tinamaan ng global crisis gaya ng Singapore at dahil diyan ay bumagsak ang halaga ng kanilang salapi o nagdepreciate, kaya bakit ang sa piso ay hindi?
Hinahangaan namin kayo sa sipag na pinakikita pero lubos kaming naawa sa panloloko sa inyo ng corrupt niyong gobyerno na pinagsasamantalahan kayo sa pamamagitan ng pandaya sa kinikita niyong pera.
Ang administrasyon ni Ginang Arroyo ay lantarang ginagatasan ang lahat ng ofws ng bilyong bilyong piso upang tustusan ang kanilang kaswapangan at pansariling interest. Batay sa mga imbistigasyon ang mga salaping hinuhuthot sa mga ofws ay napupunta sa panlagay ng mga kaalyado at tutang mga buwaya ni Ginang Gloria sa Kongreso at ilang senador upang mapanatili siya sa Malakanyang. Ang ibang salapi naman na nagkakahalaga pa rin ng bilyong bilyong piso ay pinapasok sa mga sikretong bank account sa Switzerland, Middle East, Europa at Coots Bank ng United Kingdom.
Isa pang paraan nila upang kumita ng pera ay ang lotto draw. Sa mga Filipino, ang draw ng inyong lotto ay lutung luto at ang malaking salapi ay napupunta sa dalawang anak ni Ginang Gloria. halimbawa ay ang Super Lotto 6/49 draw kamakailan kung saan dalawang taga Luzon raw ang nanalo. Kilala niyo ba ang dalawang iyan? Si Mikey at si Datu sino pa?
Tanong natin, kaya ba dayain ang lotto draw samantalang naka televised ito sa buong bayan at maraming testigo na iniimbita sa loob mismo ng kuwarto kung saan binobola ito?
Simple ang kasagutan, alam nating lahat na ang alinmang kombinasyon ay nasa computer ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at komo on line ito ay alam agad nila aling kombinasyong ang walang tumaya.
Kung nais nila magkapera ng malaki na walang sabit, walang patatamain hanggang sa lumaki ito ng husto. Kayang kaya nilang gawin ito dahil sila nga ang nakakaalam aling kumbinasyon ang walang tumaya.
Kapag malaki na, aba aanihin na nila ito at biglang magkakaruon ng mananalo na isa o dalawa at paulit ulit ito. Magandang paraan upang kumita.
Pero tanong ng karamihan, paano gagawin ito samantalang ang daming testigo at nationwide tv pa napapanuod ang lahat ng bola? Inamin ng isang taga loob sa isang imbistigador namin na ang tunay na paraan ay anim lang ang bolang magkakasya sa transparent na tubong dadaanan ng mananalong bola. Ang iba ay mas malaki ng konting konti kaya hindi kakasya. Hindi naman ito mahahalata dahil pareho ang timbang ng lahat ng bola at napakaliit talaga ng diperensya ng susuot sa butas at hindi.
Binabalatan kayong mga Pinoy ng buhay, niluluto kayo sa sarili niyong mantika ng inyong gobyerno.
Ngayon nagtataka pa ba kayo bakit iniiwasan si Ginang Gloria ni US President Barack Obama na akala niyo ay may nakakahawang sakit?
******
Liham na natanggap natin sa e mail at sinalin lamang sa ating wika, kayo maghusga, totoo ba ito o hindi, text o e mail lang ng kasagutan.

0 comments:

Post a Comment

Search This Blog

Loading...