Katanungan ito ng maraming mga tao lalo na mga kababaihan na matindi ang galit sa ginawa nito.
Tayo ho, sagot natin agad ay malakas na oo dahil sa ilang bagay na nagpapatunay na walang karapatang maging doctor itong si Hayden Kho.
Una na rito ay pag-amin niya na gumamit siya ng iligal na droga. Kahit sino ang nagbigay sa kanya nito, kahit sino ang kumumbinisi sa kanyang gumamit nito, dapat nating tandaan na siya ang doctor at hindi ang katalik niya.
Pangalawa, kahit ba iligal na droga ang nagtulak sa kanya na kunan ang pagtatalik nila ni Katrina Halili, ibig ba sabihin nuon nakailigal na droga na siya ng kunan niya ang pagtatalik nila ng iba pang mga kababaihan na obvious na naloko niya.
Kasalanan ng karamihan sa mga babaing iyon ay umibig at nagpabola kaya hindi na natin babanggitin ang pangalan nila. Unfair sa kanila ang nangyari lalo na at nananahimik sila.
Pangatlong dahilan, wala naman tayong nakikitang pagsisisi sa mga kinikilos ng kampo ni Kho. Nililigaw nila pilit ang usapan at ultimo ang senado ay pilit nilang pinaiikot.
Aba, nais pa nilang diktahan ang buong senado at muntik muntik na ito kung hindi pumalag si Sen. Jinggoy Estrada na deretsong kinagalitan si Atty. Lorna Kapunan na abogado ni Hayden dahil sa mga pananakot nito.
Nanindigan rin si Sen. Ramon “Bong” Revilla na siyang nagbunyag ng iskandalong ito pero medyo disappointed tayo kay Senadora Jamby Madrigal na mukhang ilag kay Kapunan.
Pangapat, mga palusot nila na mga sindikato raw ng iligal na droga ang nagpakalat nito pero ayaw naman nilang pangalanan dahil natatakot raw siya baka patayin siya.
Sa pagsisiwalat lamang niya na may drug lord na involve (kung totoo ito) puwede na siyang paslangin ng mga walang kaluluwang mga iyan. Pero kaibigan, medyo hindi natin kaya paniwalaan iyan lalo na ang hirit nila na binili raw ito sa halagang P2 milyong piso.
Hinimok silang ibigay ang pangalan sa Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) pero tumanggi rin ang grupo ni Kho. Takot raw sila sa buhay nila. Uulitin natin, nang lumabas ang isyu na drug lord ang nagpakalat, hindi ba enough na iyon upang yariin siya.
Parang pelikula itong mga ginagawa ni Hayden Kho. Hindi lang natin makita pa sino ang may gawa ng script pero isa ang tiyak, pangit ang script na ito. Hindi kapanipaniwala, buking na palpak. Hindi kikita sa takilya.
Tanging totoo lamang ay ang mga kababaihang nabiktima niya. Mga babaeng nabola niya at tanging kasalanan ay umibig. Hindi na natin babanggitin ang pangalan nila dahil unfair naman, lalo na at nananahimik sila. Sinama lamang natin ang kay Katrina Halili dahil lumantad naman siya upang lumaban.
Ngayon pa lang, bawiin sana ng Professional Regulations Commission ang lisensiya niya. Walang karapatan manggamot ang isang katulad niya. Huwag nating payagang dumami pa ang biktima niya.
Tuesday, June 2, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment