Thursday, April 2, 2009

SAKIT SA BATO NAKAKAAPEKTO SA ULO

Ang tao bang pinalitan ng bato (kidney) ay nagiging ulyanin o di kaya’y nagiging magulo ang isip? Ito sana ang nais nating itanong sa mga doctor, lalo na ang nag kidney – implant kay (in)Justice Secretary Raul Gonzales.
Pumasok ito sa isipan natin dahil matagal na tayong nagtataka sa mga pinagsasabi nitong si Gonzales na ang alam natin ay isang abogado at dating mambabatas. Siya ho ang kongresista na siyang nagmaniobra ng pagbibilang ng boto ni Madam Senyora Donya Gloria kasama ni Sen. Francis Pangilinan na mas nakilala natin bilang si “Mr. Noted” pag nagpoprotesta ang mga abogado ng oposisyon dahil sa halatang pandaraya nung 2004.
Anyway, ito hong huling hirit niya ay tunay na pruweba na kailangan ng mag retire si Gonzales dahil hindi lamang pagiging bastos, arogante kung hindi wala sa tamang pag-iisip.
Pinangalanan niya ang kumpare nating si Raymond Burgos, isang kolumnista at dating Publisher ng isang pahayagan, bilang isa sa mamahayag daw na nagtungo sa Estados Unidos upang ayusin ang kaso ni Michael Ray Aquino, Glen Dumlao at Cezar Mancao.
Madalas kaming magkasama nitong si Raymond at hindi siya makakarating ng US dahil expired na ang visa niya.
Nakalimot yata si Gonzales na under sa kanya ang Bureau of Immigration at madali niyang makita kung umalis nga ba si Pareng Raymond.
Hirit rin ng mga kaalyado ni Madam Senyora Donya Gloria na nakapagpiyansa daw si Glen Dumlao dahil nagbitbit si Pareng Raymond at dalawa pang newsmen na malalapit kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson ng $100,000 dolyar.
Bokya na naman siya, akala pa natin abogado siya. Paalala natin na sinumang maglalabas ng mahigit $10,000 dollars sa airport natin ay hindi papayagan. Labag sa batas ito at kung makalusot man dito ay tiklo ka sa US. O baka nakalimot si Gonzales na hindi Euro General itong si Raymond at lalong hindi siya si Gen. Carlos Garcia o anak niya, isang ordinaryong mamahayag lamang si Raymond.
Dagdag rin nila na maniobra raw ni Sen. Lacson ang pagpigil sa paguwi ni Mancao at ni Dumlao. Wow, matindi talaga ang epekto ng pagpapalit ng bato o baka naman gamot na iniinom niya dahil paano naman madidiktahan ni Sen. Lacson ang mga Amerikano.
Huling pagkakaalam ko ang nakaupo sa Malakanyang (kahit na iligal) ay si Madam Senyora Donya Gloria at si Raul Gonzales naman ang (in)Justice Secretary.
Buking na buking tuloy na itong pagbubuhay ng Dacer – Corbito case ay isang paraan upang gibain ang oposisyon sa pamumuno ni Sen. Lacson na talagang ayaw tumigil sa pagsisiwalat ng katiwalian ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria.
Suggestion ko lamang ho kung pakikinggan tayo ni Sec. Gonzales, sana walang epekto sa kanyang tenga ang kidney implant at patingin rin siya sa mga dalubhasa sa utak kung resulta ba ng operation niya ang nangyayari sa kanya.
Pahabol pa ho ay pa examine niyo rin ang mga gamot na ininom niyo, baka ho nahaluhan ng ecstacy at iba pang iligal na drogang nahuli sa mga tulak gaya ng Alabang boys kaya kayo nagkakaganuon.
Sec. Gonzales, apurahin niyo ito at baka makita namin kayong naglalaro ng laway sa harap ng telebisyon.

2 comments:

JB said...

Nagkamali ng transplant ng kidney kay siRAULo Goonzalez. Sa ulo nilagay kaya hindi lang amoy ihi pati mga ginagawa ay mapanghi.

JB said...

Nagkamali kasi ng transplant. Sa ulo nilagay ang kidney kaya hindi lang amoy ihi si siRAULo Goonzalez, pati mga ginagawa ay mapanghi.

Post a Comment

Search This Blog

Loading...