Thursday, April 16, 2009

PINAKAGANID SA BUONG MUNDO

To all my fellow Filipinos here and abroad, please stop patronizing Newsweek. Do so to protest how unfair they are to our beloved President Gloria Macapagal Arroyo.
Inumpisahan natin sa wikang English ang pitak na ito upang matawag naman ang pansin ng mga dayuhan at maipakita natin ang sobrang kasinungalingang ginagawa nila. Iniitsa puwera nila ang ating Mahal na Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Kasama sa listahang ginawa nila si Genghis Khan, Pope Sixtus IV, Bernard Madoff, Roman general Marcus Licinius Crassus, industrialist William H. Vanderbilt, American politician William M. "Boss" Tweed, swindler Charles Ponzi, Wall Street arbitrageur Ivan Boesky, and former Tyco International chief executive officer Dennis Kozlowski, China’s Empress Dowager Cixi at si dating Unang Ginang Imelda R. Marcos.
Bakit hindi nila sinama si My Beloved President Gloria Macapagal Arroyo? Komo marami tayong mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa. O baka naman naniniwala na sila sa sira ulong si Chip Tsao na nagsasabing tayo ay “nation of servants.”
Ano ang panama ng mga nabanggit nila sa Tita Glo ko? Magkano ba ang mga kinita nila?
O baka naman naliliitan kayo sa Mahal naming Pangulo? Maaaring mas maraming sapatos si dating Unang Ginang Imelda Marcos pero dadami kaya ang ari-arian ni Madam Imelda sa Tita Glo ko? Aba kung may bank account si Madam Imelda sa Swtizerland, meron ba siya sa Coots Bank, sa Lehman brothers, sa mga bangko sa Gitnang Silangan (Middle East).
Imelda pa lang iyan. Si Genghis Khan nasakop niya ang maraming panig ng mundo at naging pinuno ng China kahit na isang Mongolian pero kaibigan naonse niya ba ang mga negosyanteng Tsino. Kaya niya ba ang ginawa sa ZTE ng ating Mahal na Pangulo na inalalayan ng husto ni dating Comelec Chairman Ben Abalos at Romulo Neri na ngayon ay hepe ng SSS?
Si Empress Dowager Cixi kung ikukumpara natin wala rin iyan sa Tita ko. Bakit, meron ba siyang Jose Pidal, este sorry, First Gentleman Jose Miguel Arroyo na esposo o bayaw na Congressman Ignacio “Iggy” Arroyo o mga anak na Honorable Congressmen Mikey and Dato Arroyo.
Eh itong si Pope Sixtus IV na komo Pope ay malapit sa diyos. Aba, ang Mahal na Pangulo natin marami ring kumare at kumpareng lord. Hindi lang natin alam kung anong klaseng lord o may jueteng lord at drug lord ba rito?
Roman general Marcus Licinius Crassus, aba’y heneral nga siya pero ang Mahal na Pangulo meron Gen. Jovito Palparan, Hermogenes Esperon, Carlos Garcia, Angelo Reyes, Hermogenes Ebdane, Leandro Mendoza at marami pang iba. Wala ka Gen. Crassus sa Ninang Glo namin. Heneral ka nga pero Tita Glo ko alaga mga Heneral.
Bernard Madoff na umonse ng maraming mga matatandang mga Amerikanong mayayaman. Aba, diyan sisiw, ang Mahal na Pangulo hindi lamang matatanda, pati bata at matindi pa pati hindi pa pinanganganak aba’y iniwanan na ng utang. Talo kayo sa Tita ko.
Yung iba, hindi ko na babanggitin, ni hindi masyadong kilala. Mga small time at kayang kaya ng Mahal na Pangulo.
Sa Newsweek magazine, we demand that you come out with a correct version not only to include Her Excellency Madam Gloria Macapagal Arroyo in the list of greediest (pinakaganid) leaders but also name her the greediest.

1 comments:

wolverine said...

would be funny if these things were not true!

Post a Comment

Search This Blog

Loading...