Patuloy nagpaliwanag ang dalawa pero hindi sila tinantanan hanggang sa iyak at pakiusap na lang ang sagot nila. Ganundin kay Juan, Mario at Jonjon. Pinalalabas pa ng ilang mga pulis na hinoldap nila at pinagtulungan ang matanda. Kung hindi raw bakit raw nila nilinisan ang trisikad na puno ng dugo.
Dumating ang magulang ni Lina at kasama pa ang pinsang abogadong nagtatrabaho sa public attorney’s office (pao) pero kesa pakinggan, hinatak papasok sa bilangguan ang tatlo. Bakit raw nila nilabhan ang damit na puro dugo?
Pasok naman ang isang grupo pa ng pulis at may bitbit na matandang mga 70 anyos na. May-ari ng bahay sa tapat ng bangketang nagkalat ang dugo ng matandang babae. Bakit niya raw nilinisan ito?
Pinahuhuli rin ni Major ang mga kasambahay ng lima at nilabhan raw nila ang mga damit nilang puno ng dugo.
Kalaboso silang lahat, obstruction of justice at si attorney dapat raw alisin ng lisensya dahil rin sa pagtutol sa ginagawa ng mga pulis. Kakasuhan rin siya sa opisina ni Justice Secretary Raul Gonzales.
Ito ho ang kuwento na pinadala sa akin ni Mang Juan pero ang totoo lamang po ay ang nakita nila ang matandang babaeng nadulas sa labas ng naturang bahay.
Hindi raw nangyari ang ginawa nilang pagtakbo sa ospital at mga susunod pang pangyayari pagkatapos nuon dahil hindi nila tinulungan ang matanda na nalagutan ng hininga pagdating ng mga barangay tanod na naghintay rin naman sa pulis na dumating pagkatapos ng dalawang oras.
Ayaw raw nilang tumulong hanggang hindi pa nila mai-report muna sa pulis. Takot silang tulungan ang matanda na nag-aagaw buhay dahil baka sabihing obstruction of justice ang ginagawa nila. Ang lugar na pinangyarihan ay may dugo pa sa bangketa, ayaw rin nilang linisan at baka magkakaso pa sila?
Iyan kaibigan ang epekto ng pinaggagawa ng mga magagaling at matatapang nating mga PNP (pulis ni Pidal) sa kay Ted Failon at pamilya niya.
Biktima na binibiktima pa. Sino tuloy ang tatawagan natin pag kailangan ng tulong? Paano tayo magtitiwala sa pulis ni Pidal?
Walang puso, walang kaluluwa, sana lang hindi sila ang magkaroon ng ka pamilya o ka pusong magsuicide o di kaya’y maaksidente o maging biktima ng krimen.
Sabagay ano ba ang aasahan natin, follow the leader nga naman ang mga pulis at sino ba ang lider nila – hindi ba si Jose Pidal at misis niya?
Thursday, April 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment