Pauwi na ho si Juan dela Cruz, isa ho siyang empleyado ng isang mall sa Metro Manila, sa kanilang bahay diyan sa may Tatalon sa Quezon city ng mamataan niya ang isang matandang babaeng sa isang madilim na sulok ng kalye na biglang bumagsak.
Ang matandang babae na tinatayang nasa 60’s ay bumagok ang ulo at kitang kita agad ang sirit ng dugo na agad nagkalata sa bangketa na lalong kinatakot ni Juan.
Kahit takot, nanaig kay Juan ang mabuting asal ng isang Filipino na agad agad tumulong, inupo niya ang matandang babae at sabay sigaw ng “tulong” na siyang nakatawag naman sa pansin ng magbarkadang si Lina at Jenny na lulan ng isang padyak na dala ni Mario.
Alalay ang tatlo, pinagtulungang buhatin ang matandang babae at sinakay sa padyak ni Mario. Sumabay rin si Lina upang alalayan ang matanda na patuloy na umaagos ang dugo. Kalat rin ang dugo sa damit ni Juan, Lina, Jenny at ni Mario na nagmagandang loob.
Pinara naman ni Mario ang isang kasamahang may padyak na si Jonjon na siya namang sinakyan ni Jenny at Juan na sinamahan pa ang matanda sa ospital.
Papalapit pa lamang sa pagamutan ay sumisigaw na sila ng saklolo at agad naman tinugunan ng mga nurses at iba pang mga lalaking nanduon. Sinakay ang matandang babaeng wala ng ulirat sa stretcher at pinasok na sa loob ng emergency room.
Pagkakitaang okay na ang matanda, balik na si Juan sa trisikad at gayundin si Lina at Jenny upang pahatid na sa kani-kanilang tahanan.
Nagulat ang kasambahay ng tatlo ng makita silang may mga dugo sa katawan pero ng maikuwento ang pangyayari ay niyakap pa si Lina at ni Jenny ng kanilang mga lola dahil nakatulong sila sa kapuwa. Bago matulog sinama pa nila sa kanilang dalangin ang matandang babae na sana naman ay mapagaling siya sa ospital.
Ganundin rin sa dalawang padyak boys na bagama’t nabawasan ng kita ay pinagmalaki sa kanilang mga kapuwa padyak boys ang kanilang ginawang tulong.
Makaraan ng ilang araw, laking gulat ni Juan, papalabas siya ng bahay kasama ng kanyang misis ay bigla silang hinarang ng dalawang mobile. Ni hindi siya pinayagan magtanong, binitbit siya sa kuwelyo at ng magtangkang magtanong ang misis ay kinaladkad rin at pilit na pinasakay sa mobile.
Dinala sila sa istasyon ng pulis at duon nakita nila si Lina, Jenny, Mario at si Jonjon. Parang mga criminal, nasa maliit na selda ang dalawang lalaki samantalang pinagtutulungan namang tanungin ng mga pulis na matatapang si Lina at Jenny.
Pinipilit inaalam sa kanila kung nasaan ang bag ng matanda na natuklasan nilang namatay isang araw matapos nilang tinakbo sa ospital. Pinagsisigawan rin sila kung bakit hindi nila ni-report sa pulis ang pangyayari.
Wednesday, April 22, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment