Meron hong ilang text messages sa atin na nagsasabing bakit hindi tayo nagsasalita tungkol sa isyung Dacer – Corbito case.
Sa mga taong ito na nananakot pa at nagmumura, ito ho ang tahasan kong sasabihin sa inyo, maningil na ho kayo sa Malakanyang o di kaya’y sa pulitikong paitik itik pa na siyang nagsisiga nito upang pigilan si Sen. Panfilo “Ping” Lacson upang magbunyag ng mga katiwalian sa gobyerno.
Nuon pa man nagsalita na tayo sa column natin nuong March 18, 2009 tungkol sa obvious demolition job na ito lalo at paraan ito ng pagganti nila kay Sen. Lacson sa ginagawa nitong walang tigil na pagbubulgar ng anomalya mula pa duon sa Jose Pidal, text book scam, ZTE, world bank at marami pang iba.
Kilala kong personal si Ginoong Salvador “Bubby” Dacer at tawagan pa naming dalawa ay brother. Ang pagkakaibigan namin ay nagumpisa nuon pang 1982 at para siyang matandang kapatid ko.
Masakit sa akin ang pagkawala niya pero naniniwala akong outright na paninira itong ginagawa ng ilang taga administrasyon at ni itik boy upang makaganti kay Lacson na pinurnada ang kita nila.
Black propaganda ito laban kay Lacson at warning sa oposisyon. Malinaw na malinaw.
******
Tawag natin sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) o mga kababayan nating nagtatrabaho sa abroad ay bagong bayani. Panay pa ang ligaw sa kanila ng ilan sa mga pulitiko na kunwari ay concern sa pangangailangan nila.
Katunayan nga ay pasundo sundo pa ng mga naaping OFWs pero ano ba talaga ang ginagawa ng karamihan upang protektahan sila. Wala, itlog, zero, nada. Iyan ang katotohanan except isang batang kongresista na siguro ay dapat nating purihin.
Pangako naman natin kung dapat purihin gagawin natin at kung dapat batikusin tirahin din natin. Anyway, purihin natin si Congressman Rex Gatchalian ng Valenzuela city na siyang nagpapanukala na baguhin o kaya rebisahin ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act na nuon 1995 pa naipasa.
Nais ni Cong. Rex na amyendahan ang naturang batas sa pamamagitan ng pagpasa ng House Bill 5649 na layuning itaas ang standards of protection and assistance ng mga ofws na mas dapat siguro tawagin nating expats. Mas sosyal pakinggan hindi ba.
Layunin ng Gatchalian bill na tiyakin na ang mga bansang pagde-deployan ng mga OFWs ay mapapangalagaan ang kapakanan at karapatan ng ating mga kababayan na ang ibig sabihin ay tumutugon ang mga banyagang bansa sa mga sumusunod na rekisitos:
1. It has existing labor and social laws protecting the rights of migrant workers;
2. It is a signatory to multilateral conventions, declaration or resolutions relating to the protection migrant workers;
3. The country has concluded a bilateral agreement or arrangement with the Philippine Government on the protection and rights of overseas Filipino workers;
4. It is taking positive, concrete measures to protect the rights of migrant workers.
Ayon pa sa panukalang batas ni Gatchalian, hindi dapat payagan ang pagpapadala ng kababayan natin upang magtrabaho sa mga bansang hindi makakatugon sa apat na rekisitong ito dahil importanteng mapangalagaan ang kaligtasan ng mga ofws na kumakapit sa patalim dahil sa kakulangan ng trabaho rito sa atin.
Mabigat rin ang nais na parusa ni Gatchalian sa mga kawani ng gobyerno na magpapalusot o magbibigay ng permisong makapunta sa mga pinagbawal na bayan. Proposal niya ay pagsibak sa trabaho at limang taong pagbabawal na maluklok sa alinmang posisyon sa gobyerno sa loob ng limang taon.
Friday, March 27, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
sir nixon, gaya niyo hindi kami naniniwala sa mga kasinungalingang ito. sana lang hindi masiraan ng loob si sen. ping. kailangan ituloy ang laban para mapaalis si pangulong gloria
Post a Comment