Thursday, March 19, 2009

PANAWAGAN KAY MAYOR RECOM ECHIVERRI

“Humihingi kami ng tulong tungkol sa problema namin sa Franville Homes 4 na nasa Zabarte Road, Kalookan City. Ayon sa Mayor duon na si RECOM ECHIVERRI, hindi pa raw natu-turn over sa Siyudad ng Kalookan ang Franville Homes 4 na pag-aari ni Francisco Robes. Mukhang non – existent na ang developer dahil 15 years ago na ito naitayo.
Nag-petisyon na rin ang mga nakatira sa YAKAL St. ng Franville 4 Homes dahil hindi pa rin naaayos ang mga kalsada simula pa nuon kay Mayor Rey Malonzo hanggang ngayon kay Recom Echiverri. Wala pa ring ilaw sa mga poste na nagiging sanhi ng krimen tulad ng hold up at robbery. Maraming beses ng sumulat at nag petition ang mga taga Franville 4 Homes at pinuntahan lang ng city engineers para sukat sukatin lang ang kalye pero hanggang ngayon wala pa ring nang-yayari.
Kung sinasabi nila na under pa ng developer ang Franvile Homes 4, bakit sila tumatanggap ng real estate TAX gayung di pa pala pag-aari ng siyudad. Ano pa ba ang dahilan at nag-babayad ng real estate TAX ang mga naninirahan duon? Hindi po ba para sa development ng lugar at kalsada?
Minsan nakikita ang pagiging CORRUPT, INCOMPETENT at INVALID reasoning ng mga naka upo sa mali mali nilang sistema at katwiran.
Bakit sila tumatanggap ng TAX kung di pa pala under thier custody at sa developer pa ang pag-dedevelop, the fact 30 years ago alam nila na abandonado na ito ng developer which will be shown in their records and history diyan sa Kalookan.
Nag-eexist pa ba ang developer ng Franville 4?

Pati permit of construction ay nire-require nila para mag-patayo ng bahay. Ano naman ang PAKI-NABANG ng mga naninirahan duon kung hindi nila napapagawa ang kalsada kahit ng Developer simula pa nuong tatlongpung (30) taon ang nakararan hanggang ngayon. Bakit di nila isama sa BUDGET ALLOCATION taon taon ang Development at Rehabilitation ng Yakal Street sa Franville para mag-karoon ng Pondo at mapagawa nila ang nasabing kalye since five years ago nang PENITISYON sa Caloocan Municipality ng Home Owners Association para ipagawa ang kalsada sa Yakal street.

Nag-tatanong lang po, sana tigilan na nila ang pamumulitika at gawain nila ang kanilang trabaho ng malinis at walang iniisip na kapalit dahil lahat naman ng nakatira duon ay tax payer dahil pag-nakita ng tao ang effort nila at nakikinig sila diyan sa Caloocan sa mga hinaing ng mga mamamayan, kahit di sila mangampanya ay IBOBOTO sila dahil meron silang itinanim na konkretong nakikita ng tao........PAGING RECOM ECHIVERRI, Mayor of Caloocan city......also to Caloocan Counselor Oscar Malapitan.........Paki ayos lang po ang kalsada sa YAKAL St. sa Franville 4, Caloocan city ng matuwa naman ang mga tao duon at mga BOTANTE na tax payer ng Caloocan city........

I hope na ma-publish ninyo ito para sa kasagutan sa matagal nang Petisyon sa Caloocan city Hall at makita nila na usad PATAY na PAGONG, kasi kung buhay ang pagong kahit paano uusad, pero matagal na walang pag-usad at aksyon nangyayari.....Bilang OFW bigyan naman ninyo ng Boses ang aming karaingan sa mga BUWAYANG OPISYAL ng GOBYERNO eto mobile no. ko 00966 5573 92209 o sa opisina 00966 3 357 6849 for your authentication.
Salamat po....”
David P. Ho, Secretary/ Document Controller
CB&I Lummus B.V. LALCO-KEMYA
******
Isyung local, isyung laganap rin sa atin. Mga OFW na nagpundad ng kapirasong bahay hindi pa magkaroon ng maayos na kalye dahil nagtutulug-tulugan naman ang local na pamahalaan. Kakalungkot. Mayor Echiverri, sana making kayo at hindi panggugulo sa mga malls na nais lamang ariin ng ibang nagpapalad ng papel sa inyo.

0 comments:

Post a Comment

Search This Blog

Loading...