Sunday, March 1, 2009

AYAW KAY MADAM GLORIA MGA 99.6%

Habang nasa sasakyan tayo nuong Miyerkules ay narinig natin ang report na nilabas ng Ibon Foundation na nagsasabing sa bawat 10 Pilipino ay pito ang nais na maalis na si Madam Senyora Donya Gloria sa Malakanyang.
Hindi matanggap ito ng Malakanyang at sagot agad itong si Press Secretary Cerge Remonde na grupong kaliwa raw itong Ibon Foundation na siyang gumawa ng survey.
Tayo ho iisa lang ang masasabi natin, hindi ho tama ang Ibon Foundation. Hindi tayo naniniwala na pito sa 10 Pinoy ay sukang suka na kay Madam Senyora Donya Gloria at nais na lumayas na siya sa palasyo ng Malakanyang na iligal naman niyang inokupa.
Bakit kanyo? Simple lamang ho, duon ho sa 30% na hindi nagsasabing nais nilang palayasin ang squatter ng Malakanyang ay malaki pa rin ang bilang na ayaw siya sa palasyo. Ayaw lamang ng mga taong ito na makialam. Diyan sa 30% na iyan, maliit na maliit lamang ang nais na manatili siya.
Mga taong nakikinabang sa kanya, mga taong kumikita sa kanila. Mga kakutsaba, kasabwat, kapartido, kakabit, kakampi at kampon nila.
Tahasan kong sasabihin, sa bawat 10 Pinoy hindi lamang pito kung hindi mga 9.5 ang nais na lumisan na siya sa Malakanyang. Katunayan, tuwing nangingibang bansa si Madam Senyora Donya Gloria ay marami ang nagkakaroon ng masamang hangarin ay iyan ay hindi n asana umuwi. Of course sa ganuong pagkakataon, mas mataas pa dahil pati mga kakampi, kaalyado at kapartido niya na sumisipsip na kay Vice President Noli de Castro ay nais ito. Katunayan, baka .3 na lang o baka pamilya niya na lang at immediate na nakikinabang na hindi pa nakakatawid at nakakasipsip kay kabayan Noli de Castro. Hehehe. Totoo ho ito bagama’t nakakatawa.
Uulitin ko, ididiin ko, sa 100 Pinoy na tatanungin natin, kahit sa probinsiya niyang Pampanga ay mataas na ang bilang na lima sa nais na manatili pa siya sa Malakanyang. Sukang suka na ang sambayanan at heto nais pa niyang manatili sa ginagawa ng mga kaalyado niyang mga kongresista na baguhin ang Saligang Batas para manatili siya sa palasyo.
Tandaan po nating lahat, mawala lamang po si Madam Senyora Donya Gloria ay malaki ang iuunlad ng ating buhay dahil magkakaruon ng pagasa. Reminder ho uli, recession ay kung walang trabaho ang kapit bahay ninyo. Depression ay kung tayo na ang walang trabaho at recovery ay kung wala na sa Malakanyang si Madam Senyora Donya Gloria.
******
Hindi sinipot ni Madam Senyora Donya Gloria ang selebrasyon ng Edsa nuong Miyerkules. Hirit niya ay gamitin ang diwa ng Edsa. Tatanong lamang ho kami Ma’am, kalian ho ba nasama sa diwa ng Edsa at Impsa, jueteng, ZTE, fertilizer scam, swine scam, bridge to nowhere, World Bank, Macapagal Highway, Jose Pidal, Euro Generals, smuggling at kung ano ano pang anomalya na hanggang expose’ lamang dahil lantarang tinutulugan ng Ombudsman at iba pang mga tauhan ni Madam Senyora Donya Gloria dahil kaalyado nila.

0 comments:

Post a Comment

Search This Blog

Loading...