Hindi pa siya nagtatagal sa pagiging senador ay nilabas niya ang isyu ng Jose Pidal. Pinakita ang tunay na katauhan ni Sir Senyor Don Jose Miguel Pidal Arroyo. Dahil sa pagbubulgar na iyan nalaman tuloy ng sambayanan ang bank account sa Coots Bank (bangko ng royal family ng United Kingdom na pinamumunuan ni Queen Elizabeth) at ang tungkol sa accountant at secretary na si Mrs. Vicky Toh.
Nandiyan rin ang jueteng expose’ na siyang nagbulgar ng milyong milyong kita na delivery pa ng salapi ay sa Kongreso at ang pinuno ng Pulis pa ng isang probinsiya na hitik na hitik sa jueteng ay siyang kakampi ni Jose Pidal.
Paalala pa natin ang kaso ng mga libro na bagama’t pera ng World Bank ay dinuktor ng mga magagaling nating kababayan na hindi lamang pinagkakakitaan ang mga kabataan kung hindi ginagawa pang tanga dahil mali mali ang tinuturo.
Nilabas rin ang mga tulay na mas magandang gawing diving board ng mga bata sa bukid papunta sa ilog o di kaya’y daanan ng mga kalabaw upang hindi sila mabasa.
Paglalabas ng mga lugar na pinasyalan ni dating Comelec Commissioner at phone pal ni Madam Senyora Donya Gloria na si Virgilio “Hello Garci” Garcillano.
Pagbulgar ng NBN ZTE scam na siyang gigisa sa atin sa sarili nating mantika. Overpriced ho ito ng $190,000,000.00 US Dollars at nakuha ito sa pagolf golf lamang sa Shenzhen, China kung saan naglaro rin si Sir Senyor Don Jose Miguel Pidal Arroyo at si Madam Senyora Donya Gloria. Tahimik na sana ang isyung ito at pati mga senador (kasama na ang ilang bagong senador na oposisyon kuno) ay ayaw pakialaman ito dahil pinondohan ang kampanya nila).
Itong pinakahuli ay ang pagsisiwalat ng World Bank scandal kung saan siyempre kasali uli si Sir Senyor Don Jose Miguel Pidal Arroyo na mukhang bawal na sa US. Pasyal nga kayo Sir sa laro ni Manny Pacquiao. Bigyan niyo ng moral support, huwag lang kayo kukuha ng P20,000 isang gabi na kuwarto.
Huwag ho ninyong isipin na gumaganti sila Asst. Secretary Rey Berroya dahil pinakulong siya sa kasong kidnapping, marami pang testigong ilalabas gaya ni Mary “Rosebud” Ong (kilala at paborito ng mga matatandang Chinese kahit high school pa lamang siya dahil super lambing daw) dahil nauntog ang yumaong si John Campos at bumalik sa asawa. Sisikat na naman si Ador Mawanay at Udong Mahusay pero hindi personal iyan, trabaho lamang (hehehe).
Iisa ho ang dahilan diyan at iyan ay simpleng dahilan na malaki ang nawala sa kanila lalo na sa may bank account sa Coots Bank at golfer sa Zhenzhen, China.
Malaking malaking salapi, hindi ho ito peso pero dolyar, inuulit ko ho dolyar at hindi ho ito libo o daang libo, milyong milyong dolyar ho ito.
At ito naman pong si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na hindi man lang masuhulan sa pamamagitan ng pork barrel na kanyang tinatanggihan at umabot na sa P1 billion pesos ay patuloy sa paglalabas ng katiwalian at kawalanghiyaan ng mga taong patuloy na hinuhuthutan ang sambayanan.
Paano nga naman sila babawi sa mga natalo nila sa Lehman brothers at mga ginagastos araw araw nila sa luho nila. Paano ang mga mamahalin nilang sasakyan, girlfriends, boylet at bodyguards na sangkatutak, bahay sa Metro Manila at bakasyunan na parang palasyo hindi lamang rito kung hindi sa ibang bansa. Higit sa lahat panuhol nila sa mga heneral at opisyal upang manatili sila sa puwesto.
Walang personalan ang ginagawa nila kay Lacson, pera pera lang. Plain and simple.
Tuesday, March 17, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment