Thursday, February 5, 2009

HAMON KAY SIR SENYOR DON JOSE MIGUEL PIDAL ARROYO

Liwaliw na naman si Madam Senyora Donya Gloria. Nagtungo siya sa Davos, Switzerland upang makihalubilo sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa na nagpulung pulong upang pagisipan ng solusyon ang kasalukuyang krisis financial na tumatama sa buong mundo.
Matindi nito, nagyayabang pa ang Malakanyang dahil magaling raw ang financial strategy natin kaya hindi tayo tinatamaan. Wow, baka kayo ho diyan sa palasyo hindi dahil malaki laki ang nanakaw, oops, sorry naipon ninyo.
Ang katotohanan, hindi lamang tayo tinamaan agad dahil sa liit ng ating ekonomiya. Bakit hindi niyo tingnan ang unti unting nagtataasan ng presyo ng bilihin at ang patuloy na pagtaas ng dami ng mga walang trabaho pati na mga overseas Filipino workers natin.
Kesa puro kayo daldal, pagisipan niyo paano matutulungan ang milyong milyong Pinoy na mawawalan ng trabaho hindi lamang rito kung hindi pati sa ibang bansa.
Pero bago tayo malayo ng husto sa usapan, mula sa Davos ay marami pa siyang pupuntahan at karay karay rin ang mga sipsip na mga kongresista at iba pang mga alalay. Magkano na naman kaya ang ginagastos ni Juan dela Cruz. Sarap talagang bumiyahe at kumain ng masasarap lalo na at libre at charge sa naghihirap na bayan.
Sana lamang hindi sumakit ang mga tiyan ninyo o di kaya’y magka cancer kayo sa bituka at lalaluman sa dami ng libreng nilalamon ninyo. Sa bawat isang sipsip na sumama, payat ang gastos na $10,000 dollars na babayaran ni Juan dela Cruz.
Isipin niyo, kung pinandagdag na lamang ito sa suweldo ng sundalo o guro o di kaya’y pinamigay sa mga mahihirap nating kababayang sa kalye na natutulog?
Dumaan pa si Madam Senyora Donya Gloria sa Italy at pati sa Middle East. Bakit kaya panay ang pasyal niya ngayon sa middle east pero hindi naman bumababa ang presyo ng gasoline. Hindi naman siguro totoo na nagdedeposito ruon at kausap mga bangkerong international.
Wala na kasing tiwala sa mga galing sa US at nadale pa yata sa Lehman brothers. Sus!!! Kawawa naman ang Pinoy, babawiin ngayon at siyempre doble, triple, quadruple na nakaw.
Pero segway tayo, bakit biglang dadaan sa US. Sino ang kakausapin? Hindi naman siguro si President Barack Obama?
Biglang bigla ang lakad, ultimo mga tagapagsalita niya hindi alam. Basta ako, sana mabawi ang perang nayari ng Lehman dahil kung hindi, naku, matindi pa sa ZTE ang mangyayari, malala pa sa fertilizer scam. Mabubuhay muli si Jose Pidal. Kaawa awang bayan.
Kaso, sa muling pagtungo niya sa US, bakit wala na naman ang kanyang esposong si Sir Senyor Don Jose Miguel Pidal Arroyo. Hindi ba dapat kasama siya dahil baka makipagkita sila kay Obama.
Ganuon din nung papuntang Apec at dadaan ng US. Biglang ikot ang eroplano at sumakit ang tiyan. Aba’y nagtatae lamang u turn pa papuntng Tokyo. Takot na takot umapak sa US. Why kaya?
Dati rati rin todo suporta kay Manny Pacquiao sa lahat ng laban nito pero nitong huling laban, ultimo mga anak, alaws, absent. Bakit kaya? Malaking hiwaga?
Baka naman totoo ang balitang dadamputin sa US si Sir Senyor Don Jose Miguel Pidal Arroyo at iitsa siya sa loob ng kulungan ala Jocjoc Bolante? Kung totoo, puwede bang pakiwala ang susi, ipatago sa ilalim ng dagat, kahit duon lamang sa paligid ng Statue of Liberty.
Sir, kung hindi totoo, pasyal nga kayo sa United States of America, kahit sa San Francisco, California. Dalawin niyo naman ang bahay ni Jose Pidal ruon. Sige nga.

0 comments:

Post a Comment

Search This Blog

Loading...