Wednesday, February 4, 2009

FIVE YEAR COLLEGE?

Matindi ang pagtatalo sa kasalukuyan kung gagawin bang limang taon ang ilang kurso sa kolehiyo, kasama na ng para sa nursing. Nagumpisa ang usapan dito dahil lahat tayo ay alam na pababa ng pababa ang antas ng pag-aaral dito sa atin.
Katunayan, merong ilang sector na nais namang dagdagan ang elementary at high school para raw maitaas ang antas ng pag-aaral dito sa atin. Kung dati rati kasi ay isa tayo sa tinitingala sa buong mundo pagdating sa edukasyon, ngayon ay masakit na sabihing isa tayo sa pinaka basura sa hanay ng edukasyon.
Bagay na sobrang nakakalungkot dahil kahit kelan ay kilala ang mga Pilipino sa katalinuhan at kahusayan. Kahit saang bansa ka magpunta, bilib sila sa mga estudyante natin hindi lamang sa pagiging masipag sa pag-aaral kung hindi pati sa diskarte.
Pero ano ba ang nangyari sa atin at kumakalampag tayo nitong mga nakaraang taon. Bakit ba mula sa itaas ay pinagtatawanan tayo.
Simple lamang ho ang dahilan. Corruption, katiwalian, pangungurakot at ano pang tawag dito. Kesa maayos ang suweldo ng ating mga guro ay nananatiling kakarampot ito dahil nga sa walang humpay na nakawan. Paano gaganahan sa pagtuturo ang ating mga guro o pangalawang magulang kung hindi man lang dumarating sa oras ang kanilang suweldo. Kung dumating man kakarampot dahil sa katakot takot na bawas at kailangan daw ng pambili ng eraser, wax, walis o anumang kailangan sa loob ng silid paaralan na nakasama naman sa budget kaso ninanakaw ng magagaling na opisyal natin.
Ganuon din sa pasilidad. Kesa maaayos na gusali, classrooms, laboratory, mesa at ultimo libro ay nauuwi sa bulsa ng magagaling nating mga opisyal. Paalala lamang natin sa inyo ang anomaly sa text book na siniwalat ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson. Ni hindi nga pera ng bayan kung hindi World Bank ang pinambili rito pero na anomalya pa rin ng magagaling nating mga opisyal.
Nangyari tuloy, librong mali mali kaya natututunan tuloy ng mga estudyante natin mali mali rin. Ganuon din sa mga silid paaralan, mga milagro sa pagpapatayo nito na malaking porsyente galing sa pork barrel. Building na pagrelease ng pera ay matutuklasan nating wala naman palang tinayo. Ito ang isa sa dahilan bakit ayaw ni Sen. Lacson ng pork barrel at kahit kelan hindi niya tinanggap ito – puro milagro napupuntahan nito gaya ng mga proyektong nagmumulto.
Pero bago tayo lumayo, sa isyu nitong pagpadagdag ng taon sa elementary, high school at college, unahin muna nila alisin ang kurakutan sa hanay ng mga opisyal. Bayaran ng tama ang mga guro. Ayusin ang mga gusali at silid paaralan at laboratory, bigyan ng tamang libro o aklat ang bawat estudyante at iba pang learning materials ang mas tamang solusyon.
Kahit na dagdagan ng sampung taon ang lahat ng kurso, kung patuloy ang pangungurakot ay hindi aangat ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa.
******
Hindi rin pala dapat sinasalang ang buhay ng ating mga pobreng guro sa eleksyon. Marami sa kanila tinatakot ng mga politikong nuknukan ng corrupt kaya kesa mapatay ay tinatanggap na lang ang suhol. Kakaawa sila gaya ng sambayanang Pilipino na araw araw ay niloloko ng magagaling nating mga pinuno na kung tawagin pa ay Honorable.
******
Para sa reaksyon text sa 09273893248 o bisitahin ang www.nixonkua.com

0 comments:

Post a Comment

Search This Blog

Loading...