Tuesday, December 30, 2008

MASAGANANG TAON PARA SA SAMBAYANAN

Lahat tayo ay nais ng isang masaganang taon. Nais natin ng isang maunlad na buhay hindi lamang sa atin kung hindi para sa ating pamilya at kaanak. Karugtong na pangarap nating ito ay isang masaya at matahimik na taon para sa buong bansa upang masaya naman nating maranasan ang ating kaunlaran.
Taon taon panaginip natin ito. Tuwing matatapos ang taon hiling natin ito para sa buong sambayanan. Walang katapusang pagbati ng “wishing you a Merry Christmas and a Happy (Prosperous) New Year!!!
Standard na batian natin ito dahil sa kada taong lilipas ay tumitindi ang kahirapan sa atin. Patuloy na tumataas ang krimen. Patindi naman ng patindi ang balita ng nakawan hindi lamang sa ating kapaligiran kundi sa gobyerno na siya dapat nating pinagkakatiwalaan.
Ang pagkakasangkot ng mga taong gobyerno mula sa mga pulis hanggang sa ating mga pinuno ay patuloy na lumalala. Kung dati rati malaking balita ang pagkakasangkot ng matataas na opisyal lalo na ang pinuno sa korupsyon, ngayon ay manhid na tayo sa halos araw araw na balitang tungkol dito.
Kada taong lumipas bumibigat ang suliranin natin dala ng kahirapan. Kawalan ng trabaho, krimen at iba iba pang problemang dulot ng bumabagsak na ekonomiya ng ating bayan na deretso namang tatama sa atin.
Pero ano ba ang puno’t dulo ng mga suliraning ito? Bakit ba palala at pasama ang kondisyon ng ating bayan? Saan napupunta ang buwis na binabayad natin? Bakit butas butas ang daan, kulang sa tulay at masamang airport at pier? Nasaan ang budget para sa mga ospital ng gobyerno at mga health center? Kanino naman napupunta ang kuwartang nakalaan para pagpapaayos ng pampublikong paaralan, pagpapaayos ng mga sira sa mga maliliit na gusali nila, suweldo ng mga guro at mga aklat sa bawat estudyante?
Dahilan ng lahat ng ito ay ang patuloy na nakawan sa lahat ng antas ng ating lipunan. Literal ng lahat ng antas dahil mula sa pinuno hanggang sa ibaba ay may bahid ng corruption na kung susumahin ang halaga ay 30% hanggang 40% ng pambansang budget na ngayon ay nagkakahalaga ng P1.4 billion pesos (P 1,400,000,000.00).
Mahina ho tayo sa Mathematics kaya bahala na kayo magkuwenta (dahilan kaya ako wala ho tayong negosyo kahit maliit) pero paalala lamang, ang sinasabi nating halaga na 30 to 40 % ng budget na ninanakaw ay hindi sa taong ito lamang, ito ay nangyayari rin nung mga nakaraang taon.
Alam natin ang dahilan so ano ang solusyon? Simple ho, magisip tayo ng iba’t ibang paraan ng paglaban mula sa pagkakaruon ng kilos protesta, noise barrage, hindi pansinin ang mga mangungurakot at criminal na ito, kausapin ang kumbinsihin ang mga natitirang matitino sa gobyerno lalo na sa military at pulis na huwag pagamit.
Marami pang ibang paraan, kayo na ho ang mag-isip kung ano maliban lamang sa mga violenteng paraan.
Sa madaling salita, isa ang panawagan natin, huwag kayong tumayo sa isang tabi at hindi kikilos. Huwag tayong manuod lamang, kailangan nating sumali at ipakita ang galit ng sambayanan.
Tandaan nating lahat, ang hindi pagkibo ay pagkunsinti sa kasamaan. Ilagay rin sana natin sa ating isipan na gagawin natin ang pakikipaglaban ito hindi para sa atin lamang kung hindi para sa ating mga anak at apo. Ginagawa natin ito para sa kinabukasan.
Kailangan natin ito upang ipatupad ang pangarap natin, ang mga bati natin sa pagpasok ng bagong taon. Gawin nating lahat upang sa taong 2009 ay tunay na makakamtan natin ang isang Maunlad, Mapayapa, Maayos at Masaganang Bagong Taon para sa ating lahat.

Sunday, December 28, 2008

ANOTHER ABUSE COMMITTED BY GMA OFFICIALS

http://vicissitude- decidido. blogspot. com/2008/ 12/world- is-fucked- up.html



So, I just had the worst day of my life.

At around 1:30 PM today, at Valley Golf and Country Club, Antipolo City, Mayor Nasser Pangandaman, Jr., Mayor of Masiu City, Lanao del Sur, his father, Secretary Nasser Pangandaman of the Department of Agrarian Reform, and company, beat my defenseless 56-year-old dad and my 14-year-old brother to a pulp because of some stupid misunderstanding on the golf course.

This is a golf course. I have been a golfer all my life, and I have never seen anything like this. NOTHING. This is hard to comprehend. And it happened to my own father and my own brother too. Right in front of my eyes.

My brother and I were playing golf at the South Course of Valley. We were on the 3rd hole, and we see two golf carts going past us, overtaking our flight, and setting up to tee off on the next hole. My dad goes up to them and asks them why they would do that, why they would overtake us without even asking for our permission. Golf etiquette 101. One of the guys says that they're with the flight in front of us. (So what? That doesn't give them the right to just pass us WITHOUT asking.) So, we go to the 5th hole. The flight behind us catches up with us, and asks us what caused the hold up. We said that this flight just slipped in front of our flight. So we complained to the marshall. We play the 5th hole and walk towards the next hole, where there is a teehouse, and both the flights in front of us were there, talking with the marshall. The mayor of Masiu City, Lanao del Sur talks with my dad. Things get heated up. Voices were raised. But never, in my wildest dreams, did I ever imagine that someone would pull out a punch. Apparently not. He attacks my father. His flightmates, maybe 2 or 3 of them, rush to his aid and beat up my father. My 56-year-old father. My younger brother and I could not just watch. We rushed to break the fight. My younger brother pleads to the mayor to please stop it. To not hurt my dad. To just stop. His words still ring through my head..."Sorry na po, sorry na po...tama na...tama na po..." With his hands in front of his chest in a praying position. PLEADING. The mayor socks him in the face. My brother defended himself. My dad is still on the ground getting clobbered. My brother is the same way. I try to stop the fight, but all I can do is stop one person. There were 4 or 5 of them attacking now.

Someone breaks up the fight. I thought it was all over. The mayor shouts to his caddy: "Hindi nila kami kilala! Sabihin mo nga sa kanila kung sino ako!" And believe me, I had no idea who this person was. But now I know. He's the person who, with 4 other men, beat up my 56-year-old father and my 14-year-old brother. He's the person who sacks a pleading 14-year-old kid in the face. He's a person who, I am sure, is gonna rot in hell.

I lash out, but my dad held me back. I was screaming my lungs out, shouting to this mayor, telling him about what he had done. I said:"Nakakahiya kayo. Singkwenta'y sais anyos ang tatay ko. And kapatid ko kakatorse anyos. Anong ilalaban nila sayo?"

The mayor looks at my brother, point to his face, and says, "Tatandaan kita!" And he tells me that my brother has a bad attitude and that I need to watch him. WHAT THE HELL?! So, my brother's bad for defending his father?!

We leave. We walk to the clubhouse to file a complaint. My brother asks for a doctor. My dad could barely walk. Their group comes to the clubhouse, sees my brother. Once again my brother pleads, says sorry, and is crying. He was CRYING, for crissakes. But no. The relentless mayor still punches him in the face, and then sees my dad and goes after my dad again. Him and his friend pull my dad to the ground, pulls at his feet, and steps on him like he's dirt. I run to him and try to hold him back, holding him back by his shirt, while this other guy and this girl tries to stop me. She tells me to just stop it. I scream in her face "they're beating my father up and you want me to stop?!" I pull at his shirt--I don't let go. All I can see was my dad being trampled on. I didn't even see my brother getting beat up.

People pull them away. I get my dad, and I saw my brother. His right ear was bleeding. I freaked out. I told the receptionists to bring my brother to the clinic. I pull my dad away. People were separating us.

My mom and my older brother come. I tell her Bino's right ear is bleeding. They both look like they could kill. My dad holds my brother off, I hold off my mom. When I finally got my mom under control, my older brother gets away and I hold him off. Two of the mayor's bodyguards pull out guns. I embraced my brother from the back, just holding him back, crying. The receptionists came to us, crying, hugging me, my dad, and my mom, whispering to us to just leave. "Maam, umalis na po kayo, may mga baril sila...Maam. ..umalis na po kayo please..."

I am pretty sure the Secretary of DAR did not take part in the fight, but he just watched all this happen. He watched two of his sons, as we figured out, the other guy was his son, too, beat up my father and my 14-year-old brother. He didn't do anything to stop it. And this person is what now? A cabinet member. A politician.

Sounds like something out of a movie, doesn't it? But this is what happened. TODAY. The day after Christmas. To my family. And all I ask for is JUSTICE. The people at Valley Golf did not seem to want to help us. None of the security guards even tried to stop the fight. Right in the clubhouse. I came back after the fight was over and talked to the receptionists. They say they did not see anything. The general manager of Valley Golf would not give us the names of the men who made my brother's ear bleed. It took him an hour. Maybe even more than that. He seemed to not want to help us. Because, we were against the SECRETARY OF THE DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM and the MAYOR OF MASIU CITY, LANAO DEL SUR. They were all scared.

The world is has gone crazy. Two politicians beat up a defenseless 56-year-old father and his 14-year-old son. At a golf course. I swear to God, I thought golfers were decent people. You would think politicians were decent people. I guess not. I guess they gang up on 56-year-old men and beat up pleading 14-year-old kids.

Please pray for my dad, my brother and for my whole family. Please pray that we get JUSTICE. Oh God, please, give these people what they deserve.

(DECIDED TO POST IT AND HOPE IT CAN HELP THE VICTIMS. VERY SAD BUT I WASN'T SURPRISED BY THE ACTUATIONS OF THE PANGANDAMANS AS THEY ARE PEOPLE OF MADAM GLORIA - WHAT DO YOU EXPECT FROM THEM BUT BE ABUSIVE)

Friday, December 26, 2008

BAGONG TAON, BAGONG PAG-ASA

Ito ho ang huling column ko sa taong ito, ang susunod na pitak natin ay mababasa na sa taong 2009 kaya unahan ko muna kayong lahat at babatiin ng ISANG MASAGANA, MAAYOS AT MAUNLAD NA PILIPINAS sa sambayanang Pilipino.
Pagbati na sana maging totoo dahil sa matinding kahirapang inaasahan natin sa darating na taong 2009 kung saan tatama sa atin ang financial crisis na kasalukuyang gumugupa sa Estados Unidos at iba pang mauunlad na bayan.
Bagamat hindi tayo tinamaan agad, ito ay sa kadahilanang sadsad na ang ekonomiya natin, salamat sa magaling na palakad ng mga opisyal natin ng gobyerno na karamihan pa ay aral daw sa Estados Unidos. Pagpaumanhin po ninyo dahil dapat sa panahong ito ay medyo iwas tayo sa kabubulgar ng kagalingan nila pero wala tayong magagawa at iyan ang katotohanan.
Anyway, komo papatapos na ang taong ito na mas maaalala natin dahil sa imbistigasyon ng ZTE-NBN deal at Fertilizer scam ay nakipagkuwentuhan na lamang tayo sa ilang mga kaibigan at hiningi natin ang kanilang mga wish list para sa 2010.
Bagamat nagumpisa ang usapan ng kantyawan at biruan, nauwi ito sa medyo seryoso at maalab na usapan kaya hindi na natin ilalathala ang pangalan nila at baka damputin pa sila ng mga tauhan ni Norberto Gonzales.
Gumawa po sila ng wish list kung saan inisip nilang pinakamagandang hangad para sa masasamang tao at opisyal natin na iisa ang paniwala naming nagdulot sa atin ng matinding kahirapan.
Ilang beses nag-isip ng masama para sa mga taong ito, gaya ng “mapatay na sana, magkasakit sana, mabangga sana, matamaan sana ng kidlat, maputukan sana sa bisperas ng bagong taon” at kung ano ano pa pero sa huli, komo holiday season ay inisip namin na hindi tama ang maghangad ng masama sa kapuwa natin, lalo na mga lider natin.
Pero bago ko isiwalat kung ano ang mabuting hangarin ng barkada sa masasamang tao at opisyal ng gobyerno ay tukuyin ho natin muna sila. Kung grupo naman at walang pangalan banggitin din natin.
Sa isang kabarkadang taxi operator ay matindi ang galit niya kaya wish niya ay para sa mga mangongotong na pulis at MMDA. Sinama niya na rin ang mga wrecker na grabe raw manghila ng taxi at inaagaw na kahit may driver ito.
Sa kaibigan naman nating negosyante ay hangad niya sa wish para sa mga opisyal ng BIR na wala raw ginawa kung hindi manghingi kahit na ayos naman ang binabayaran niya. Pinasasama niya na rin ang mga taga business permits office ng city hall na puro hirit rin. Hindi niya rin pinalampas ang mga bumbero na kada dalawang buwan yata ay nais na bentahan siya ng fire extinguishers.
Duon naman sa abogadong kaibigan ay nais niya raw ang wish na tumama sa mga judges at justices na kahit na malinaw na panalo ang kaso ay kailangan pang bayaran upang magkaroon ng paborableng desisyon.
Sa anak naman ng isang kasama natin na nakisali na rin sa usapan ay para raw sa mga titser niya na walang ginawa kung hindi magparinig ng donasyon o di kaya’y paninda. Hindi niya na raw malaman kung tama ba ang pag-aaral niya o hindi dahil nakukuha naman daw sa regalo si ma’am.
Ang magkumpareng pulis at sundalo naman ay nais tamaan ng wish namin ang kanilang mga opisyal na puro raw utos at quota na pataas ng pataas. Sila raw ang nakabilad sa kahihiyaan at pinambabala sa kanyon samantalang ang mga heneral nila ay palaro laro ng golf o di kaya ay papasyal pasyal sa Europe at milliong piso pa ang baon.
Buong barkadahan, maraming gustong tamaan ng wish namin at lahat ho nagkaisa na puno’t dulo ng mga suliranin natin ay ang katiwalian na pinapayagang mamayagpag ng Malakanyang dahil obvious naman na kung gumagawa ang nasa itaas bakit hindi ang nasa baba.
Kaso, holiday season nga kaya ayaw namin mag-isip ng kasamaan kaya ito ang pinagkaisahan naming wish para sa mga masasamang taong ito – SANA KUNIN NA KAYO NI LORD (ng kadiliman)!
Sana nga, sana nga para maganda ang pasok ng bagong taon sa sambayanang Pilipino.

Tuesday, December 23, 2008

MALIGAYANG PASKO!!!

Pasko na ho bukas, ang pinakamasayang araw sa atin at tiyak sa buong mundo kahit hindi mga bansang Kristiyano. Lahat, ultimo mga ibang rellihiyon ay nakikisali sa pagdiwang natin ng kaarawan ni LORD JESUS.
Katakot takot na kainan din na sasabayan ng reunion at pakikipagkita sa mga kamaganak at kaibigan na malamang huli nating nakita o nakausap nung nakaraang taon. Ako nga ho, ayaw kong ma-miss mga reunion na ganun dahil maraming pagkakataon ay diyan natin muling nakikita ang mga kaibigan at kamaganak na ilang taon natin hindi nakikita o nababalitaan man lang.
Masayang masaya talaga ang mga pagkakataong ganun at ang panahon na ito lalo na samahan mo pa ng sobrang sarap na pagkaing luto ng mga matatanda natin. Katunayan nga, nung isang araw nag-attend ako ng party medyo nag emote pa ako dahil naalala ko ang super sarap na mga kakanin na gawa lamang ng biyenan kong lalaki. Kaso ho wala na ho si Daddy at pumanaw na siya ilang buwan lamang ang nakaraan.
Pero ang leche flan, fruit salad, barbeque, pansit, menudo, embotido, buko salad, fried chicken at marami pang iba ay lagi pa ring handa sa mga piging na dinadaluhan natin. Tiyak natin sa mga susunod na piging na pupuntahan pa natin ay meron pa rin niyan.
Katotohanan, paalala lamang sa lahat, please lang exercise ng konti at kung medyo katulad ko ng middle age na ay iwas ng kumain ng husto, tikim tikim lang sabi nga nila, dahil lahat ho ng mga pagkain sa panahong ito ay pampabata. Hehehe.
Of course, ramdam rin natin na taon taon pahirap ng pahirap ang buhay dahil sa mga regalong natatanggap natin at pinamimigay natin. Pakonti ng pakonti ito lalo na sa halaga pero ang tandaan natin ang important ay ang naalala tayo. Sa mga inaanak ko, take note ha, kaya sa mga nakalimutan ko, remember naalala ko kayo. hehehe.
Puro usapang pagkain tayo at kasiyahan sa panahong ito kaya sana huwag natin kalimutan ang pinakamahalagang bagay sa panahong ito ng kapanganakan ni LORD JESUS at iyan ho ay pagmamahal sa atin ng DIYOS.
Panahon ho ito ng pagmamahalan kaya sana lahat tayo mag-share naman sa mga mas hikahos nating mga kababayan. Tandaan natin, kahit na mahirap ang buhay natin, marami ho ang mas hirap sa atin. Masarap ho ang mamahagi ngayong kaPaskuhan. Kahit sa panahong ito man lang, sana tayong lahat ay mamahagi at huwag magmaramot.
Tandaan nating lahat, hindi tayo ni minsan pinagmaramutan ng PANGINOON at kahit lahat ng biyayang tinatamo natin ay galing sa KANYA.
Huwag rin natin kalimutan na magpasalamat sa kay GOD at tandaan natin, may kulang man tayo sa mga material na bagay at pera, pinakaimportante ay ating kalusugan at kaayusan ng pamilya.
Sa inyong lahat, Maligayang Maligayang PASKO sa inyong lahat.
LORD JESUS – HAPPY HAPPY BIRTHDAY at utang po namin sa INYO ang lahat ng tinatamasa namin. Salamat po at utang ko po ang anumang blessings sa INYO.
******
Pahabol po sa mga kaibigan nating marami pang party na dadaluhan, pakiusap lang, bawas bawas rin sa inom ng alak. Masama ho sa katawan natin ito at baka mauwi pa sa gulo lalo na at matatapang ang marami sa manginginom nating kababayan. Hinay hinay lang.
Muli, Merry Christmas sa inyong lahat.

Thursday, December 18, 2008

SOBRANG KAPAL

May isang mamamahayag na binato ng sapatos ang Pangulo ng Estados Unidos na si George Bush. Ang mamamahayag na ito ay isang Iraqi journalist na malinaw na matindi ang galit sa ginawa ng Pangulo ng US sa kanilang bansa.
Hindi na natin tatalakayin kung tama ba o hindi ang ginawa ni Bush sa Iraq pero ang malinaw rito ay pinakialaman ng Amerika ang bansang Iraq, isang bansang independiyente.
React ang Malakanyang sa bagay na ito at hindi raw mangyayari iyan kay Madam Senyora Donya Gloria.
For once, nagsabi kayo ng totoo. Wala nga namang Pinoy na gagawa niyan dahil sa hirap ng buhay rito sa atin. Matinding hirap na manghihinayang ang kahit sino sa atin na mambato ng sapatos o kahit mga tsinelas.
Paalala lamang ho, marami sa mga kababayan natin, ultimo tsinelas ay wala at nakayakap kaya nga si Korina Sanchez ng DZMM, Channel 2 at kolumnista ng ANG PILIPINO STAR NGAYON ay tumatanggap ng donasyon upang ipambili ng tsinelas ng mga batang mahihirap.
Problema nga lamang nila, tayong mga Pinoy magagaling gumaya kaya hindi tayo magtataka kung hindi sapatos o kahit tsinelas ang ibabato sa kanila kung hindi dumi at basura. Pasensya sa mga kumakain.
At komo takot rin naman sa mga bantay ni Madam Senyora Donya Gloria na ultimo sa ibang bansa ay malakas ang loob na magdetain ng taong pumapalag laban sa kanila ay ihagis ito mula sa malayo layo at ni hindi nila at pag tumama ay sabog ang baho. Hehehe. Kagandahan lamang nito, hindi malalaman kung kaninong bahay nanggaling ito.
Literal naman na lalabas ang baho. Hehehe!!!
******
Mula sa kuwentong sapatos ay tungo naman tayo sa kuwento na matinding mga nakawan dito sa atin. Araw araw ay may mga nahoholdap, nadudukutan, naaagawan o iba pang uri ng krimen sa ating kapaligiran.
Pero nais nating ibahagi sa inyo ang kuwentong ito na nangyari raw sa Cebu at kuwento sa atin ng kaibigan nating Cebuano na itatago na lang natin sa pangalang Mike D.
Naglalakad raw ang isang mataas na opisyal ng bayan sa Cebu na sa pag-aakalang hindi siya kilala ay hindi nagdala ng bodyguard. Medyo naligaw ang corrupt na opisyal na ito kaya napadpad sa isang medyo madilim na bahagi ng siyudad.
Nilapitan ng dalawang lalaking may dalang patalim at sinabihang hold up ito sabay sabi ng “amin na ang pera mo, relos mo at pati iyang sapatos mong Bally” (nagkakahalaga ito ng P30,000 at bagong binili mula sa Hongkong).
Medyo pumalag ang opisyal at sabay sagot ng “hindi niyo ba ako kilala? Opisyal ako ng gobyerno at lagot kayo.”
“Ganun ba? O sige, amin na ang pera NAMIN,” sagot ng isa sa holdupper na dali dali ring kinuha ang wallet ng opisyal, relos at pati sapatos ni Mr. Official.
******
Patuloy rin ang mga reaksyon tungkol sa binitiwang salita ni Sen. Mar Roxas sa rally nung nakaraang Biyernes kung saan ginamit niya ang salitang put*&*^%$. Dami ang nagsasabing hindi raw tama ito at kabastusan daw ito. Of course unang kumondena kay Sen. Mar ay ang mga bataan ni Madam Senyora Donya Gloria.
Tanong lang natin muli, sino ba ang unang nagsinungaling, nanloko, nagnakaw at nandaya. Sa pagkakaalaman natin ay ang nakatira sa Malakanyang ang nauna rito at nais nila galangin sila.
Hahaha!!! Harap harapan kang ninanakawan, niloloko, dinadaya, tinatarantado at pinagsisinungalingan dapat mo pa silang bigyang galang at bawal ka magmura man lang o magalit. Anong akala niyo sa amin, manhid at bobo. Katotohanan, hindi lang si Sen. Mar ang nagmumura sa inyo, milyong milyong Pilipinong kasama na ako na nagdurusa dahil sa pagkagahaman niyo ang pinu&*%^$%$ ina kayo at sinusumpa kayo.
Kung nakakamatay lamang at salita, ilang beses na kayong namatay.

Wednesday, December 17, 2008

PRIVELEGE SPEECH OF SEN. MAR ROXAS ON LAST FRIDAY'S ANTI CHACHA RALLY

Delivered on Tuesday, December 16, 2008

Mr. President, may I take a moment of the chamber's time to rise on a matter of personal privilege.

Marami nang nasabi mula nang magsalita ako noong rally noong Biyernes. Maraming nabigla sa bugso ng emosyon. May mga nailang o nagalit. May mga nagsasabing mali ang sinabi ko. Binanatan ako ng Malakanyang. Ginamit nila ang kanilang propaganda machine laban sa akin.

Una: gaya noong Biyernes, magsasalita ako nang deretsahan ngayon: I AM NOT SORRY. I am not sorry for speaking my mind and telling the truth as I see it to be. I am not sorry for expressing my real feelings and my rage in behalf of the people whom I love.

Ikalawa: Marami nang nagbigay ng opinyon sa kung paano dapat ako nagsalita o umasal. Irerespeto ko sila. They are entitled to their opinion, and I respect it. Sana, irespeto rin nila ako, at ang pinaglalaban ko. Hindi ako plastik. I AM NOT SORRY.

Ikatlo: Bakit ako magso-sorry? Kung mag-sorry ako, para na ring nag-sorry tayong mga biktima ng korapsyon, tulad ng mga magsasakang ninakawan ng fertilizer. Para na ring nag-sorry ang bawat Pilipino na gutom na walang trabaho, na wala nang makitang pag-asa dito sa ating bansa. Para na ring nag-sorry ang mga Pilipino, na ang tunay na damdamin lamang ay katulad ng sinabi ko.

Ikaapat: Hindi ito tungkol sa salita lamang. Alin ba ang mas nakakailang: ang masakit na salita, o ang masamang gawa? Ang diretsong katotohanan o ang baluktot na kasinungalingan? Ang maruming bibig o ang marungis na kamay at konsensiya?

What are the real issues?

This government has systematically ravaged our political and economic life.

This government has twisted our institutions to suit its self-serving interests.

This government has torn apart our nation.

Ikalima, at huli: Hindi ko gustong makasakit sa damdamin ng kapwa sa sinabi ko noong Biyernes. Tinukoy ko lang ang tunay na kalagayan ng bansa. Nagpakatotoo lamang ako, at nasa katotohanan ang kaligtasan at kalayaan ng ating bayan. Nasa katotohanan ang pag-asa.

Para sa mga desperado nating kababayan, tatlo lang ang puwede nilang gawin.

Magmukmok, manahimik, at umiyak sa isang tabi.

Umalis, maghanap ng pag-asa sa ibang bansa.

Mamundok. Mag-armas at lumaban.

Ayaw nating mangyari ang mga ito. We do not want our people to suffer in silence, nor to have to leave their families, nor have to take up arms. Kailangan nating kapitan ang katotohanan. Kailangan nating ihiyaw ito. We must shout out the truth so that we can be free. We must break the apathy and the paralysis. Our outrage will move us forward. I must speak of the people's anguish.

Sabi nga ni Ka Amado Hernandez, isang pambansang alagad ng sining:

Kung wala mang maglalamay sa gabi ng pagbabangon

Lumuha ka nang lumuha't ang laya mo'y nakaburol

Kasama ng taumbayan, I say: I AM NOT SORRY.

Tuesday, December 16, 2008

PINAKAMASAMANG PINUNO

Kesa magtalumpati ay nagbigay ng ulat si dating Senador at dating Secretary Vicente “Ting” Paterno sa inter-faith rally sa Makati nung Biyernes kung saan siya ang nagsalita para sa Former Senior Government Officials (FSGO).
Nabuo ang naturang grupo dahil sa tindi ng katiwalian sa kasalukuyang rehimen kung saan kasama ang inyong lingkod.
Kahit nakatungkod at may edad na, pinamunuan ni Sen. Paterno ang pangkat ng FSGO (kasama ng marami pang ibang mga retirado upang ipakitang nakikiisa sila sa pakikipaglaban sa anumang planong pahabain ang termino ni Madam Senyora Donya Gloria at sa katiwaliang laganap sa ating bayan.
Anyway, ito ho ang ulat ni Sen. Paterno:
“Tapos Ka Na Gloria.
Ang amin pong pangkat, FSGO, Former Senior Government Officials, ay walongpung dating nanungkulan bilang cabinet secretary at under secretary, sa ilalim ng iba’t ibang presidente mula kay Diosdado Macapagal, Marcos, Aquino, Ramos, Estrada hanggang sa kasalukuyang Macapagal Arroyo.
Gamit ang aming kaalaman sa pagpalakad ng gobyerno sa loob ng apatnapu’t limang taon, sa ilalim ng anim na presidente, aming siniyasat at sinuri ang nagawa ng rehimeng GMA. Hatol namin - ang rehimeng ito ang pinakamasama sa lahat ng umiral simula kay Diosdado Macapagal, at sa aming palagay mula pa kay Presidente Quezon.
Sa panahon ni Marcos, ang corruption ay umiral sa loob ng kanyang pamilya, ilang piling militar at mga crony, pero hindi gasinong kumalat at nabulgar noon sa sambayanan. Sa panahon ni Arroyo kilala ng buong bayan at sa mundo na corruption ang malalang sakit, galing sa garapal na Malacanyang, hinawa ang ilang heneral at marami sa Kongreso, at pinalaganap ng kanyang pinuno. Ngayon isa nang grabeng cancer kalat sa buong katawan gobyerno ni Arroyo.
Ang rehimeng Arroyo kinukulang ang suporta sa public health at sa budget sa edukasyon na siyang lubhang kinababahala ng FSGO sapagka’t ito lamang ang maka-kaahon sa kahirapan ng pangkaraniwang pamilya.
Isa pang grabeng kasalanan ng rehimeng Arroyo – sinisira ang balangkas ng gobyerno. Pinasak ang napakaraming political appointee sa puwestong ayon sa batas dapat lamang okupahan ng CESO – Career Executive Service Officers – may sapat na kwalipikasyon, nakaraan sa itinakdang training, at nakapasa sa kailangang examination. (Tanging kwalipikasyon na kailangan upang mailagay sa magandang puwesto ay kung kaya mo sumipsip at sumunod sa lahat ng nais ni Madam Senyora Donya Gloria – NTK).
Sa harap ng ganitong kakulangan at kasalanan ng kanyang pamamahala, sobrang kapal ng mukha ng mga nagmu-mungkahing pahabain ang termino niya. Huwag na nila igiit at ipilit ang chacha, bagkus sa galit at poot ng taong bayan ay pabilisin ang kanyang pagalis sa kahit anomang paraan.
Kasama ang FSGO sa nagmamahal sa katiwasayan at katahimikan. Hindi namin nais mapilit na umayon sa prosesong iba sa tinakda ng Konstitusyon. Mga alyados ni GMA iwanan na ninyo ang tangkang magpalit ng saligang batas sa paspasang paraan.
Ulit ulitin natin sa mga binging alyados niya – Ibasura ang Chacha. Tapos ka na Gloria.”
******
Si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa naturang rally (dalawa lamang ho ang nagmartsang presidentiables sa inter-faith rally sa Makati nung Biyernes, isa siya ruon) ay nanawagan naman sa mga Obispo na pamunuan ang pakikipaglaban sa katiwaliang bumabalot sa ating lipunan at pinamumunuan ng Malakanyang.
“Umpisahan niyo susunod kami,” ito ho ang sabi ni Sen. Ping at sangayon tayo sa panawagan niyang ito. Naintindihan natin siya dahil ang isyu laban kay Madam Senyora Donya Gloria at sa kanyang rehimen ay hindi sarado sa pulitika. Ito ho ay usapang moralidad at relihiyon.
Ang pagnanakaw, pagsisinungaling at pandaraya ay malinaw na labag sa salita ng DIYOS. Mga kasalanan na lantaran at hayagang ginagawa ng pamunuang ito kaya karapatdapat lamang na pamunuan ng mga lider ng simbahan at suportahan natin.
Mga gawaing hindi lamang immoral kung hindi amoral (wala nang moralidad sa mga magnanakaw, sinungaling at mandarayang ito).

Saturday, December 13, 2008

TUNAY NA DAHILAN BAKIT KAILANGAN ANG CHACHA

Daming palusot ng mga kampon ni Madam Senyora Donya Gloria sa pagsusulong nila ng pagbabago ng ating Saligang Batas.
Una ang hindi raw ito ukma sa kasalukuyang suliranin upang maanyayang pumasok ang mga dayuhang mamumuhunan para maglagak ng salapi at negosyo rito sa atin. Maraming bagay raw sa kasalukuyang Saligang Batas natin ang aayawan ng mga foreign investors gaya ng hindi pagpayag na ang isang kumpanya ay 100% foreign owned.
Sa kasalukuyan kasi, kailangan ng anumang kumpanya na at least pag-aari ng 60% ng isang Pinoy.
Pangalawa ay bawal raw sa Saligang Batas natin na mag-ari ng sariling lupa ang isang dayuhan dito sa atin. Dagdag pa ng mga alipores niya na bakit pagbabawal ito eh hindi naman kaya alisin ang lupa mula sa atin.
Marami pa silang palusot bakit kailangang baguhin ito pero ang hindi nila inaamin at tahasan nating sasabihin ito, kailangan nilang bumawi o at least ang mga boss nila dahil malaki ang natalo sa kanila sa mga bangkong bumagsak dahil sa financial crisis na nagumpisa sa Estados Unidos at umabot na sa buong mundo.
Mula po sa Lehman Brothers na nagtayo pa ho ng opisina dito sa atin ilang taon na ang nakaraan hanggang sa Coots Bank na siyang bangko ng Reyna ng Inglatera o United Kingdom. Katakot takot na bangko at financial institutions ang kumalampag, nabangkarote sa crisis na ito.
Ang Lehman Brothers ay nagtayo ng opisina rito upang maengganyo ang mga “magagaling at mararangal” nating mga opisyal na maglagak ng pera sa kanila kapalit ang napakataas ng interest. Pangako pa sa kanila ay maaari silang magdeposito o magwithdraw sa alinmang branches nila sa Hongkong at iba pang panig ng mundo.
Paalala lamang ho, ang Coots Bank naman ang bangkong binagsakan ng perang binigay ng dambuhalang IMPSA (isang malaking dayuhang kumpanya) na inaprubahan ang kontrata ni dating Justice Secretary Hernando “Nani” Perez (unang justice secretary ni Madam Senyora Donya Gloria) apat na araw pa lang naaagaw ang Malakanyang mula kay Joseph “Erap” Estrada.
Ang halagang nilagak dito ng nakulong na dating Kongresistang Mark Jimenez ay umaabot sa $14 milyong piso. Ayon sa mga naghalughog ng papeles nito, kasama na si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na siyang nagbulgar sa tunay na katauhan ni Jose Pidal, $2 million lamang ang napunta kay Perez. Kanino kaya napunta ang $12,000,000.00.
Komo ayusan ito o tongpats kung tawagin naman ni Leo San Miguel, na kasali naman sa bilyong pisong ZTE broadband deal, natural paakyat ang punta ng pera.
Problema nila ngayon at siyang tunay na dahilan bakit hindi ubrang maputol ang kanilang kaligayahan sa 2010 ay bumagsak ang mga bangkong mga ita pang pinaglalagakan nila ng mga perang ninakaw at naglahong parang bula.
Isip isip rin ho dapat tayong lahat bakit biglang panay ang biyahe ng ating mga opisyal ng Malakanyang, Kongreso at iba pang mga matataas na opisyal ng bayan. Tandaan natin na hindi kayang halughugin ang kanilang mga bagahe sa ating airport dahil port courtesy nga naman at siyempre mga kagalang galang ang mga taong iyan kaya libreng libre sila makakapaglabas o pasok ng kanilang salapi. Patunay ito sa kaso ng mga Euro Generals ng PNP.
Lipatan blues siyempre muna ngayon ng mga natitira at baka madale pa sa mga bangkong tatamaan pa ng financial crisis.
Iyan rin nga pala ang dahilan kaya naglalakihan at nagmamahalan ang mga fireproof and burglar proof na vault dito sa atin. Natandaan niyo ba ang vault ni Jose Pidal na ilang tao ang nagtulung tulong ipasok sa kanyang opisina kung saan alalay si Udong Mahusay at si Vicky Toh.
Kaya hayan, ipon uli sila, nakaw uli sila, tongpats uli sila at komo medyo mahirap mabawi ang mga nadale ng mga bangkong na bangkarote pagdating ng 2010 dahil bulgar ng bulgar itong mga senador gaya ni Sen. Ping Lacson ay kailangang palawigin ang termino ni Madam Senyora Donya Gloria.
Iyan lang ang tunay na dahilan, walang iba bakit nais nila ng chacha at babawi pa sila.

Tuesday, December 9, 2008

MANINDIGAN, IPAGLABAN ANG KINABUKASAN

Unang naglabas ng babala na nais ng Malakanyang na humanap ng iba’t ibang paraan upang manatili si Madam Senyora Donya Gloria sa palasyo ay ang Former Senior Government Official (FSGO) kung saan isa tayo sa miyembro nito.
Sinabi namin ilang buwan na ang nakaraan na gagawin ito ng kasalukuyang rehimen dahil alam nila na pupulutin sila sa kangkungan pagdating ng 2010 dahil sa tindi ng galit ng sambayanan sa mga kademonyohang ginawa nila.
Maraming organisasyon ang sumama sa panawagan ng FSGO kasama na ang Be Not Afraid (BNA), Black and White Movement, Kaakbay at mahigit dalawampu pang samahan na patuloy na lumalaban sa kasamaan ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria.
Pero madaling nanlamig ito, marami kasi ang nagisip na hindi ito itutuloy at dahil na rin sa laging pangako ng Malakanyang na bababa sa “ninakaw” na puwesto ang evil bitch ni Romulo Neri pagkatapos ng kanyang termino sa kalagitnaan ng 2010.
Malilimutin tayong lahi, nakalimutan natin na nangako siyang hindi siya tatakbo sa harap pa ng estatwa ni Gat. Jose Rizal pero takbo rin siya at nakipagusap pa kay dating Comelec Commissioner Virgilio “Hello Garci” Garcillano at nagtatanong pa ng “yung one million?” nung eleksyon ng 2004.
Habang nakatutok ang marami sa atin sa impeachment (akala kasi natin may pagasang magbago ang mga kongresista nating mahihilig sa regalong daan daang libong piso, nitong nakaraan ang tinanggap dawn g bawa’t isa ay P2 million pesos) natuklasan na lang natin na tumatakbo na pala ang cha cha train. Ginagawa pa ang pirmahan kapalit ng salapi sa bahay ni Leyte Rep. Martin Romualdez at mismong si Madam Senyora Donya Gloria ang nanduon.
Nang mabuking itong si House Speaker Prospero “Boy” Nograles, umamin sila at kambyo na pagbabago lamang sa ekonomiya ang nais nila. Aba’y balak yata ibenta ang lahat ng lupain natin sa mga dayuhan, lalo na sa mga taga ZTE at ngayon daw sa mga Arabong kakausapin ni Madam Senyora Donya Gloria sa biyahe niya na maguumpisa sa Huwebes.
Todo deny din ang kanyang anak na si Kongresista Mikey Arroyo at bayaw na si Iggy Arroyo (paalala lamang, ito ang umangking siya sa Jose Pidal at hindi raw ang kapatid niyang si Sir Senyor Don Jose Miguel Pidal Arroyo). Hirit pa nga ng anak ay babalik raw sa pagtuturo ang kanyang ina.
Ano kaya ituturo niya, baka naman magbilang ala Comelec o kaya’y religion dahil hindi ba sabi ni Madam Senyora Donya Gloria Macapagal Arrovo na kinakausap siya ng lord, tanong lamang natin gambling, smuggling o drug lord?
Anyway, kaliwa’t kanang protesta ang ginawa na at gagawin pa pati na ang isang malaking rally na gagawin sa Makati sa Biyernes ng hapon. Pati ho si dating Sen. Vicente “Ting” Paterno ay magmamartsa laban sa cha cha. Sama rin ho ang inyong lingkod sa grupo nila Tito Ting at mga dating gabinete at matataas na opisyal ng bayan mula pa nuong panahon ng yumaong Pangulong Diosdado Macapagal mukhang nakalimutan na ni Madam Senyora Donya Gloria dahil isa na siyang Arroyo.
Sasama rin ho si Sen. Panfilo “Ping” Lacson at mga retiradong mga heneral at mga lider ng simbahan at ilan pang mga pulitiko.
Panahon na ho upang pakita natin ang pagtutol natin sa kanyang kabuktutan at isa sa paraan rito ay ang mga kilos protesta na maaaring gumising sa iba pa nating kababayan kasama na ang mga pulis at sundalo.
Sana ho sumama tayo dahil kung hindi pa at maghihintayan tayo, patuloy tayong lolokohin, nanakawan, dadayain at pahihirapan ng mga taong patuloy na nagbabalot ng kadiliman sa ating bansa.
Ang pananahimik ay malinaw na pangungunsinti ng kasamaang bumabalot sa ating bansa. Kung hindi tayo kikilos at pakikita na hindi tayo papayag sorry na lang tayo at forever na manahimik. Magkaalaman na kung karapatdapat ba tayong lokohin o hindi.

Hindi kami paloloko!!!

Hindi kami paloloko!!!









Sunday, December 7, 2008

To Take a Stand by Rafael M. Alunan III

Fight or die, now or never

Emergency rule? Chacha (charter change) through ConAss? Extension of power beyond June 30, 2010? These recurring concerns are getting people upset and worried sick because government is clearly not focused on the global financial and economic crises threatening their fragile lives.

Not too long ago, I learned from a credible source in the security field that all options are on the administration’s table. The probability is high that the war in Mindanao will be brought to Metro Manila’s doorsteps, and that acts of terror, e.g., staged bombings, assassinations, kidnappings and other heinous crimes, would be used to justify the imposition of emergency rule.

Emergency rule would pave the way for chacha. For them, it is now or never. If the still hush-hush story is true that the INC recently discovered explosives in its main compound in Quezon City, and that it was traced to a high government official known for black operations, then the foiled caper demonstrates its deviousness to stay beyond 2010.

Another credible source, this time from the judicial sector, estimates that the earliest possible time for emergency rule is this month if the public resistance to it is strong. Watch out, he says, for the replacement of officials unwilling to support Con-Ass. But if they get the Supreme Court to rule in favor of that harebrained scheme, which the administration already controls today by 9 to 6, they won’t see the need for emergency rule.

Despite all the reported violations of their oath of public office, obstruction of justice, suppression of the truth and brutal repression, it angers to see our moral and legal guardians sell their integrity; disregard the damage to our institutions, and ignore the state of our tattered moral fabric that lying, stealing, cheating and killing with impunity have done to the country.

The administration’s fixation with itself bars it from protecting society against the onslaught of the global financial and economic crises. Osama bin Laden’s weapons of mass destruction seem almost laughable compared to the West’s signature global meltdowns rumbling through the planet, caused by its greed and fraudulent practices, and impacting the lives of billions.

The multiplier effects on weak states like ours will be felt far longer than others that are already hard at work. If it will take responsive and responsible states, say, five years to climb out of this steep recession (severe depression for poor countries), it will probably take us more than that to break surface given our dismal experiences in previous global and regional recessions.

We can shorten our length of suffering, and do the impossible, if we only “get our act together.” Unless and until we eliminate the conditions affecting our state of being, the next generations will be doomed to a life of aimlessness, conflict and chaos, and incapable of dealing with epochal challenges like climate change and a failed global order.

Fatalism should be purged from our vocabulary. Waiting for things to happen or fall in our laps, and leaving our fate to the gods, is not how we were taught. Rather, God helps those who help themselves, and it is our choices that help shape our future. While there are elements of chance and human limitations, life is how we make it.

But when will we ever unite to rise above ourselves? When shall we become a living democracy and a model of competitive and sustainable development? When do we shift to virtue, knowledge and excellence to render poverty, injustice, neglect, civil wars, corruption, ignorance and bad governance a thing of the past? When will we regain the trust and respect of the world?

These are questions that actually frame and define the EDSA Spirit, which is about national transformation; national renewal; and national redemption. Regardless of origin, creed or status in life, it is about Filipinos unleashing the selflessness of their hearts and the brilliance of their minds to make the Spirit of EDSA a pulsating reality for all time.

In the opening scene of “Cory the Musical,” Isay Alvarez, who portrayed President Corazon Aquino, sang: “Ninoy said the Filipino is worth dying for. But what is worth living for when, once again, death is at my door?”

Cory, the country’s Joan of Arc who led a movement that ended the Marcos dictatorship in February 1986, and is valiantly battling cancer, continues to wage the epic struggle to deliver our country from evil. Those who have wakened from their slumber are following her valiant lead to fight for the country’s honor and the common good.

Who really knows what fate shall befall our country should the administration pursue its blind march to disaster? As my grandmother always said: “Man proposes, God disposes.” One thing is clear, unless we fight as one for our country’s future, our nation will surely perish.

If you choose to fight, do what needs to be done for God, country and people. Just do it; it is indeed now or never.

(sharing with you a column written by former Secretary Rafael M. Alunan III. he is right, it's now or never and we can't be fence sitter forever)

Friday, December 5, 2008

BIYAHILO

Kararating lamang mula sa Apec meeting sa Peru itong si Madam Senyora Donya Gloria at ang kanyang 40 congressmen/women (parang Ali Baba and the 40 thieves ang dating ano) kung saan nagbuhay hari at reyna sila gastos ang pera ng bayan ay hirit agad sila papunta namang Hongkong.
Sa Peru, si Madam Senyora Donya Gloria kasama ng kanyang gabinete, alalay, taga palakpak at ang 40 kongresista ay siyempre tumuloy sa pinakamagandang hotel at kumain sa pinakamamahal na restaurant. Puwera pa ho ang shopping nila diyan kung saan may taga bayad rin na malamang ay nagngangalang Medy o ibang negosyante na namamasasa sa mga kontrata ng gobyerno.
Puwera pa ho ang dagdag na gastos sa pagikot ng eroplanong sinakyan nila na umikot pa pabalik ng Tokyo dahil naimpatso si Sir Senyor Don Jose Miguel Pidal Arroyo.
Ilan naman sa mga magagaling na kongresista nagpaiwan sa Los Angeles kung saan papahinga sila ng ilang araw dahil masyado silang napagod sa kahihimod at kahahagod sa siyempre boss nila.
Tiyak marami sa kanila ang tutuloy naman sa Las Vegas upang panuoring ang laban ni Manny Pacquiao at Oscar dela Joya dahil kailangan raw ni Pacman ng cheering squad. Kailangan ho ni Pacquiao ay punching bag at hindi cheering squad. Magaling ho si Pacquiao pero lalong titindi ang husay nito kung kayong mga kongresistang corrupt ang magsisilbing punching bag.
Anyway, kararating lamang ni Madam Senyora Donya Gloria ay lipad na naman siya patungong Hongkong upang magsalita raw sa Clinton forum. Sa naturang forum pinagmalaki ng Malakanyang ay kinilala raw ni dating US President Bill Clinton si Madam Senyora Donya Gloria bilang dating kaeskwela sa Estados Unidos. Wow, napakalaking karangalan naman pala nuon. Tandaan lamang natin na tinalo ng bagong Pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama si Hillary Clinton na maybahay ng dating American President sa democratic party nomination bago nito nilampaso ang kandidato ng Republican na si Sen. John McCain.
Si Obama rin po ang hindi sinagot si Madam Senyora Donya Gloria na ilang beses itong tumawag upang sumip este, bumati pala. Nagreturn call ho si Obama pagkaraan ng ilang linggo pero alas dos ng medaling araw rito sa atin. Hehehe!!! Galing ni Obama, pinakita sa Misis niyang kaya niyang gisingin ang lider ng isang bansa sa mahimbing na pagkakatuloy. Hehehe!!!
Hirit rin siya sa naturang forum na kaya raw hindi tinatamaan ang Pilipinas ng kasalukuyang economic crisis na tumatama sa buong mundo ay dahil sa magandang financial program ng gobyerno niya. Ngayon pa lang sasabihin na natin, sinungaling na naman. Hindi pa tayo tinatamaan dahil maliis tayo pero abangan niyo ho sa pagpasok ng taon kung saan libo libong kababayan nating bumubuhay sa ekonomiya ang pauuwiin mula sa bansang nagtatrabaho sila dahil sa economic crisis.
Itong mga nakaraang araw naman, liparan patungong Las Vegas ang mga naiwan pa rito, kasama ng ilang sa mga kongresistang hindi nakasama sa Peru. Premyo dahil binasura ang impeachment.
First class at business class sa eroplano, mamahaling hotel, limousine na sasakyan, steak na mahal at lahat ng ito charge sa bayang naghihirap.
Biyahilo na ang bansang Pilipino pero hindi dahil sa kasasakay sa eroplano at limousine kung hindi sa mga makakapal na mga opisyal na patuloy na nagpapasasa sa dugo at pawis ng bayan.
Siyanga pala, lalakad uli si Madam Senyora Donya Gloria sa bayan ni Ali Baba bago matapos ang taon. Haay!!! Sana lamunin na kayo ng kuweba ni Ali Baba o buhangin ng disyerto o bumagsak na lang ang eroplanong sakay niyo pero kayo lang ang kunin ni LORD at iligtas ang ibang pasahero at ang piloto.

Tuesday, December 2, 2008

STOP CHACHA, TAPUSIN NA SI GLORIA

Nanawagan ang ilang Obispo sa sambayanan na gayain natin ang ginagawang kilos protesta ng mga Thai upang mapalayas mula sa puwesto si Madam Senyora Donya Gloria.
Nagbabala naman itong si Justice Secretary Raul Gonzales na maaari raw kasuhan ang mga Obispo dahil sa panawagan nila.
Iba iba ang opinion ng mga mamamayan, pero karamihan ay nagsasabing tama ang mga Obispo. Paalala lamang ho na ilang survey na ang ginawa ng iba’t ibang grupo at lahat ay iisa ang resulta at iyan ay ayaw na ng sambayanan kay Madam Senyora Donya Gloria at lalong ayaw ang palawigin ang kaniyang termino.
Ang paraang constitutional upang alisin ang iligal na nakatira sa Malakanyang ay sa pamamagitan ng impeachment na imposibleng mangyari dahil karamihan sa mga miyembro ng kongreso ay mga bayaran. Tahasan nating sasabihin, bayaran sila. Katunayan tumanggap sila ng bag na salapi na hindi bababa sa P500,000.
As usual sila ang nagpapasasa sa kaban ng bayan pero ano ang magagawa ng bawat isa sa atin. Susundin ba natin ang mga Obispong nananawagan na palayasin na ang iligal na nakatira sa Malakanyang o magsasawalang kibo na lang tayo at maghihintay na iba ang manguna.
Ang mga Obispo naman na ayaw kumilos at pilit pa pinagtatakpan ang rehimen nuknukan ng sama ay derecho rin nating sasabihing tumatanggap ng payola mula sa PAGCOR at iba pang mga kaalyado ng Malakanyang. Masaki thong sabihin pero para kayong mga lider ng simbahan nuong panahon ni KRISTO at mga Prayle nuong panahon ng Kastila na nasuhulan ng masamang rehimen na nagsawalang kibo at tumulong pa sa pang-aapi ng sambayanan.
Iba sa inyo ay sasabihing hindi dapat makisawsaw sa pulitika, pero tanong ho natin sa inyo, ang pagtatakip at pagtatanggol sa magnanakaw, mandaraya at mamamatay tao ay hindi isyu ng pulitika. Ito ho ay isyu ng tama o mali.
Bagamat hindi tayo expert sa biblia, alam natin na ang turo sa atin mula sa kay GOD at sa Panginoong Jesus ay bawal ang magnakaw, magsinungaling, mandaraya at pumatay.
Tandaan rin natin, ang pagsasawalang kibo ay pagsangayon. Kinukunsinti niyo ang kasamaang bumabalot sa ating lipunan at kayo pang mga alagad ng DIYOS ang nasusuhulan ng “donasyon” galing sa sugal. Paano naman ang maliliit na aping api na at gutom na gutom na.
Sa mga kababayan naman natin, isa ang paalala natin. Tandaan natin na ang nangyayari sa ating bansa ang nakakaapekto hindi lamang sa atin kung hindi sa ating mga anak at apo. Kinabukasan na ho ng Pilipinas ang pinag-uusapan natin.
Kung hihintayin nating muling yurakin ang natitirang dangal ng sambayanan ay hindi na ho tayo makakaahon. Hindi na ho ubrang hintayin ang 2010 dahil wala hong planong bumaba sa puwesto ang iligal na nakaupo sa Malakanyang.
Alam nila, matindi ang kabayarang hinahangad ng sambayanang pinahirapan nila kaya hindi sila maaaring mawala sa puwesto.
Ako ho, nanindigan, kahit buhay ang kapalit. Sundin natin ang panawagan ng mga Obispo at patalsikin ang kasakimang itong bumabalot sa ating lipunan. Huwag tayo mag atubili, kumilos tayo at tandaan natin na hindi ito para sa atin kung hindi sa kinabukasan natin.
Be not afraid, stop chacha, tapusin na si Gloria.

Search This Blog

Loading...