Wednesday, October 29, 2008

MAHIRAP MAN KAMI, HINDI KAMI TANGA!!!

Sobra ang kahirapang dinadanas nating lahat at lubos namang pinagsasamantalahan ito ni Madam Senyora Donya Gloria at kanyang mga kampon na buong akala ay tanga at bobo ang sambayanang Pilipino.
Bukod sa mga nakaraang mga eskandalo na kinasasangkutan mismo ng iligal na nakatira sa Malakanyang ay mga kasalukuyang isyu gaya nitong pagbabalik ni dating Agriculture Secretary Jocjoc Bolante at mga Euro Generals.
Hirit ng Malakanyang na wala silang pakialam kay Bolante at hindi raw nila ito pipigilan pero hirit naman itong si (in)Justice Secretary Raul Gonzales na agad agad raw kukunin siya ng ahente ng National Bureau Of Investigation (NBI) upang isailalim sa isang de – briefing. Sec. Gonzales, binigyan kayo ng pagkakataon ng tanggapin ng katawan niyo ang pinalit na kidney kaya magbago na kayo.
Ayaw naman patalo ni Senate President Manny “Singit at Taga” Villar na namamasyal sa Europa kasama ng ilan pang mga kaalyadong senador gaya ni Sen. Alan Peter Cayetano dahil urong sulong kung aarestuhin si Bolante at ganundin kung iimbistigahan ba ng senado o hindi.
Sen. Villar baka naman kumukuha ka pa ng clearance kay Madam Senyora Donya Gloria at kay Jose Pidal. Bilisan mo lang at nabubuking ka ng husto pero sagutin mo nga pala muna ang isyu ng C5 at Taga.
Tantanan niyo kami, hindi kami mayaman at lalong hindi namin mararating na masama sa Forbes Magazine na isa sa sampung pinakamayaman sa bansa pero hindi naman po kami tanga.
At bukod sa hindi kami tanga, wala kaming planong ipagbili ang kaluluwa amin.
Tungkol naman sa mga Euro Generals at mga asawa, pabago bago naman kayo ng katuwiran. Una hirit nitong si Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno ay contingency fund. Tapos banat naman itong si bagong hirang na PNP Chief Jesus Versoza na cash advance daw. Ngayon naman ay intelligence fund na pambili ng mga gamit sa paniniktik o spy equipment.
Malaking bola rin itong hirit ni Versoza na kakasuhan ang mga Euro Generals pero hindi siya kasali at hindi rin kasali si Puno. Halatang mauuwi sa wala ito. Gaya ng dati alam nilang malilimutan pero bago malista sa tubig ang lahat, nais lang natin idiin, Gen. Versoza kasama ho ang Misis niyo sa lakad at kung isasali niyo siya baka maniwala kami.
Obvious naman na kuwarta iyan na dala dala ninyo upang gamitin sa pang shopping dahil hindi naman uuwi agad ang grupo ninyo mula sa Moscow. Katotohanan, ay mamasyal pa kayo sa Europe at ang trabaho nitong si retired Gen. Eliseo dela Paz ay bagman.
Nabuking lang kayo dahil komo mga heneral nga kayo at galing pa sa International Police (Interpol) meeting ay hindi niyo naisip na sisitahin kayo sa airport. Baka naman akala niyo ang head ng security diyan ay katulad ni Gen. Angel Atutubo ang assistant general manager for security ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na magbibigay sa inyo ng vip treatment.
Uulitin ko sa inyong magagaling na heneral at mga misis niyo kasama na si Mrs. Versoza, mahirap man kami hindi kami tanga. Dagdag nga lang sa inyo, mahirap man ang ordinaryong pulis hindi rin sila tanga.

Tuesday, October 28, 2008

5 Catholic church leaders say 'time to prepare new gov't is now'

Are Church leaders now ready to back attempts to oust the Arroyo government?
In its strongest position yet indicating that they are ready to give their blessings for what may be a drastic change in government, five bishops, led by Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president Angel Lagdameo, condemned the unabated “top to bottom” corruption in government and asked the public to shake the status quo.
Lagdameo went as far as assuring the public that “liberators” may be just around the corner.
“In response to the global economic crisis and the pitiful state of our country, the time to rebuild our country economically, socially, politically, is now. The time to start radical reforms is now. The time for moral regeneration is now. The time to conquer complacency, cynicism and apathy to prove that we have matured from our political statements is now. The time to prepare a new government is now,” Lagdameo said in a forum organized by the CBCP.
Lagdameo added the public should not lose hope that changing the present system is futile. “In spite of the seemingly hopeless and negative prognosis, our liberation may yet serendipitously happen. We are dreaming, praying and hoping that our county may yet have the needed liberators.”
It is hoped that these “liberators,” Lagdameo said, “will in a courageous peaceful way effectively and uncompromisingly reform our country.”
Also present in the forum were Lingayen Archbishop Oscar Cruz, Bataan Bishop Socrates Villegas, Masbate Bishop Joel Baylon and Bishop Emeritus Jose Sorra. We learned that seven more bishops would have attended the forum but cancelled for some reasons.
Active involvement
Villegas urged the public “not to be passive” but engage “in active involvement” in effecting a change in governance. He noted that curbing corruption by only half of its present level would immensely benefit the country. “The problem is not population, the problem is rampant corruption,” Villegas said.
He said that the country would have been better prepared to deal with the ongoing global financial crisis if not for corruption.
Cruz said the country is now in a “precarious, dangerous and critical situation” because of massive corruption and directly blamed the “incumbent occupant” in Malacanang as the culprit.
In his statement, Lagdameo took to task the government’s claim that prosperity is now being felt by the masses pointing out that 20 million people will surely disagree with this, as shown by surveys. He said rampant poverty and hunger are directly related with rampant graft and corruption “which has invaded all public and private institutions.”
Endemic corruption
Lagdameo noted that corruption under the past few years of the Arroyo government up to present has become “endemic and systemic.”
He pointed to “overprized projects, multi-billion scams of various kinds, election manipulations, anomalous transactions, bribery of both high and low, unsolved murders of media practitioners” as the “faces and symptoms of corruption.”
He lamented that the country is now tagged as one of the most corrupt country in Asia, based on a survey conducted by Transparency International. “If we are not horrified, disgusted, exasperated and enraged by these realities, can we still we love our country?” Lagdameo said.
The bishops’ statements came on the heels of the arrival of former agriculture undersecretary Jocelyn “Joc-joc” Bolante from the US following futile efforts of seeking asylum there. Bolante, tagged as the main architect of the P728-million fertilizer scam, had claimed political persecution but US immigration junked his alibi.
Also providing backdrop was the current “euro” scandal in the Philippine National Police where four police officers, including one retired, are set to be charged with unauthorized release of intelligence funds, and the fresh impeachment initiatives against the President.
Church leaders have been criticized for just waiting in the sidelines and giving mixed signals on its verdict on the Arroyo administration. At the height of the wiretap scandal, where the President was caught on tape giving orders to disgraced poll commissioner Virgilio Garcillano during the canvassing of the results in the presidential elections, the CBCP sought for truth but withheld passing a guilty verdict. Lack of active Church support has been cited as one of the major dampeners on attempts to oust Arroyo.

http://www.abs-cbnnews.com/nation/10/28/08/five-catholic-bishops-say-time-prepare-new-govt-now

Thursday, October 23, 2008

CORRUPTION ANG ISYU


Hindi talaga natin maintindihan ang Malakanyang sa kanilang mga hirit lalo na itong pinaka huli na maglalagak raw ng P100 bilyong piso upang panangga sa kahirapang ekonomiya na kasalukuyang tumatama at inaasahang aabot sa atin.
Maghahanda raw ang mga government financial institutions ng P50 bilyong piso na tutumbasan naman ng P50 bilyon pesos ng pribadong sector, ayon kay Donald Dee.
Madam Senyora Donya Gloria, Jose Pidal at mga economics expert ng administrasyon na mga nagsipag-aral pa sa Estados Unidos malaking kalokohan ho ang mga pinagsasabi niyo. Hindi natin kelangan ng standby fund dahil mauuwi lamang ang pondong yan sa mga nadale ng Lehman brothers at iba pang bangko sa US na nagbagsakan na nais bumawi agad.
Ang kailangan natin alisin ang nakawan sa gobyerno. Kahit ho elementary student ay alam na ang nauuwi sa tongpats ay 40% ng pondo ng sambayanan. Ibig sabihin, ilang daang bilyong piso ang matitipid kung mawawala ang pangungurakot.
Simpleng math lamang ho iyan at puwera pa riyan ang pagbabayad ng tamang buwis at pag-alis ng sabwatan sa pagitan ng ilang negosyanteng malalapit kay Madam Senyora Donya Gloria at pamilya niya, hindi ho ba Mr. Donald Dee, Francis Chua, Lucio Lao Co at iba pang “negosyante.”
Ganyan ho ka simple at hindi yung kung ano anong paliwanag na sadyang ginugulo ang isipan ng tao gaya ng ZTE, Swine scam, fertilizer scam, Macapagal Highway at iba pang mga transactiong nababalot ng milagro.
******
Malinaw na corruption rin ang isyu dito sa mga heneral ng Philippine National Police na pinigilan makaalis sa Moscow dahil sa dalang sobra sobrang euro dollars.
Buking na buking na may milagro kaya ultimo ang mga sinasagot ni Interior and Local Government Secretary Ronnie Puno, PNP Chief Jesus Versoza at iba pang mga opisyal ng pulis ay hindi nagtutugma.
Una ay contingency fund raw ito sabi ni Puno, pero nang marealized nilang ay mali pala ang sagot na iyan ay naging cash advance ayon naman kay Versoza. Kaso hindi naman nila maipaliwanag ng maayos bakit ganun kalaki na hindi lang pala P6.9 million pesos ang halaga kung hindi halos P10 milyong piso pala.
Si retired Gen. Eliseo dela Paz naman na siyang nahulihan ng pera ay biglang hirit sa airport na cash advance ito dahil mahal na siyudad raw ang Moscow – pero bakit ganun kalaking halaga ang natira. Sobrang tipid yata kayo o baka naman gagamitin sana sa shopping sa ibang lugar kung saan dadaan ang mga misis ninyo kasama ng kumander ni Gen. Versoza. Paalala rin natin na alam ni Gen. dela Paz na aabutin siya ng retirement sa byahe at dagdag pang katanungan ay sino nagapprove ng cash advance.
Pero pinaka masakit nito, mga pulis na magsasanay sa FBI sa US kanya kanyang gastos pero mga heneral na paparetiro na milyong milyong piso ang dala para sa ilang araw na meeting kuno pero aktwal na junket.
Tiyak rin natin sa military pareho ito. Mga heneral enjoy na enjoy pero mga nasa baba na siyang nilalaban natin sa rebelde at tinataya ang buhay kahit boots ay wala at baril ay teka teka.
Kakaawa talaga pero ano ba aasahan natin, corruption kasi ay mula sa itaas kaya bakit hindi gagaya ang mga heneral sa boss nila. Lagay ba kayo lang ang masaya, siyempre mga heneral din na siyang panangga sa anumang rally at civil disobedience.
Kalian kaya magigising ang mga ordinaryong pulis at sundalo. Sana ngayon na.

Tuesday, October 21, 2008

WALANG KAMAGANAK, WALANG KAIBIGAN, WALANG KUMPARE

Ito ang mga salita ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada nung nanumpa siya bilang Presidente ng Republika ng Pilipinas nuong 1998. Salita at gawa na sana susundin ng lahat ng ating mga pinuno.
Pero nitong mga nakaraang mga taon at kitang kita nating binasura hindi lamang ng kasalukuyang rehimen na malapit ng magtagumpay sa paglalagay ng Pilipinas sa pinaka corrupt na bansa sa buong mundo.
Masakit man sabihin dahil napalapit rin tayo kay dating Pangulong Erap pero marami sa mga kaibigan niya at kumpare ang nanamantala nuong nasa Malakanyang siya na naging dahilan upang maagaw sa kanya ni Madam Senyora Donya Gloria ang kanyang puwesto. Meron rin ilang mga kamag-anak na umabuso na nagbigay ng dagdag butas.
Dahil rin dito ay nakulong ng ilang taon si dating Pangulong Erap sa Veterans Memorial Hospital at sa rest house sa Tanay.
Ilang beses na nakausap natin siya at nasabi niya rin ang kanyang mga sama ng loob, bagamat sinabi niyang pinatawad niya na ang mga nagkasala sa kanya kasama nitong si Senate President Manny Villar na siyang nagpursigi upang makalusot sa Kongreso ang impeachment raps.
Tama si dating Pangulong Erap sa pagpapatawad sa kapuwa, masama nga naman ang magkimkim ng galit sa ating mga puso pero magsilbi sanang aral ito na masama rin ang sobrang bait sa mga kaibigan na mapagsamantala.
Katotohanan sa mga kaibigan ni dating Pangulong Erap na nakinabang ng husto sa kanyang kabutihan ay nakikipaglaro ngayon kay Madam Senyora Donya Gloria at kay Jose Pidal.
Pero hindi yata talaga magbabago ang ugali ni dating Pangulong Erap pagdating sa kaibigan. Halimbawa ay nais niya raw mamagitan sa hidwaan ni Senate President Manny Villar at Senator Panfilo “Ping” Lacson. Tiyak natin naisip niya itong gawin dahil pinatawad niya na nga si Villar na ngayon ay kaibigan niyang matalik at nananatili naman si Sen. Ping sa mga namalaging loyal sa kanya. Ginagawa niya ito para sa kaibigan. Mabuti talaga siyang kaibigan.
Kaso base sa mga papeles na nabasa natin at sa mga pananaliksik, hindi problemang personal ang siniwalat ni Sen. Ping tungkol sa singit at taga project ni Senate President Villar. Isyu rito ay corruption.
Ang tanong kasi ay nakinabang ba si Villar at kanyang maybahay na si Congresswoman Cynthia Villar sa pagpapabago ng plano ng C 5 extension na magdudugtong dito sa Sucat road.
Sa isa nating nakaraang column ay kwinento natin tungkol sa ginawa ni Villar na baguhin ang kalye kahit nagbayad na ng P1.2 billion pesos ang gobyerno sa Amvel. Aksayang salapi. Binago ang kalye at humaba tuloy ito para dumaan ito sa mga lupaing pag-aari ng mga Villar.
Sa 39 na mga lupang binayaran para sa right of way, 12 ay pag-aari ng mga Villar pero ang pinakamabigat rito, ang bili sa iba ay P4,000 kada square meter pero ang sa mga “singit at taga” ay tumataginting na P30,000 kada square meter.
President Erap, huwag ho sana kayong paloko uli. Hindi ho magandang kaibigan ang mga taong iyan na ginagamit lamang kayo at higit sa lahat, ang tunay niyong kaibigan ay ang masang Pilipino na hindi kayo pinagsamantalahan at patuloy kayong minamahal.

Saturday, October 18, 2008

ANG HINDI MARUNONG MAGMAHAL SA SARILING WIKA, HIGIT PA SA MABAHO AT MALANSANG ISDA

Kamakailan ay nagbitiw si Bb. Janina San Miguel bilang official representative natin sa Miss World beauty pageant sa Johannesburg, South Africa para sa taong ito.
Natatandaan natin siya yung estudyante ng University of the East na nanalo bilang Binibining Pilipinas World na medyo baluktot ang English. Ginawa siyang katawa tawa ng ilan nating mga kababayan na nilagay pa siya sa You Tube para pagtawanan hindi lang dito sa atin kung hindi sa buong mundo.
Pero mga kaibigan, ano ang nakakahiya sa ginawa ni Janina. Nagnakaw ba siya gaya nila Jose Pidal at Singit at Taga, nandaya ba siya gaya ni Hello Garci, pumatay ba siya ng walang kalaban labang mga kababayan? Ano ba ang nakakahiya sa ginawa niya na dapat natin siyang hiyain.
Hanggang sa araw na ito ay hindi natin alam ang tunay na dahilan bakit siya umatras sa naturang contest, hindi natin maiwasan na isiping napahiya ng husto ang magandang binibini at nasiraan ng loob.
Tyaka ano ngayon kung medyo mahina siya sa English. Sa pagkakaalam ko tayo ay Filipino at pambansang wika natin ay Tagalog. Kahit paano ko tingnan, hindi naman tayo Amerikano at lalong hindi rin tayo Ingles. Hindi rin naman tayo Australyano at lalong hindi rin tayo New Zealander.
Bagamat malaking kalamangan ang marunong ng English ang isang Pinoy, malaki rin naman ang kalamangan kung marunong mag Japanese, Chinese, French o ibang wika, kaya ano ngayon kung palpak ang English niya.
Problema ho sa atin, tingin natin sa kababayan nating mahina sa English ay mangmang at bobo, pero hindi ba ang tunay na katangahan ay yung pumayag tayong lokohin tayo ng mga lider natin na walang ginawa kung hindi mag tongpats, mag singit at taga o di kaya’y mag hello garci.
Ang China, Japan, South Korea, France at ilan pang mga bansa sa Europa at sa buong mundo ay mauunlad na bansa dahil may kanya kanya talento ang kanilang mamamayan na sinusuportahan ng husto ng kanilang pamahalaan. Lamang sila sa teknolohiya pero higit sa lahat ayos ang pamamahala ng kanilang pamahalaan na prioridad ay edukasyon at kalusugan.
Totoong marami sa kanila ang marunong mag English pero hindi lahat dalubhasa rito at hindi nila pinagtatawanan ang mahihina rito pero nais matuto. Huwag nating apihin si Janina at iba pang mga kababayan nating mahihina sa English dahil hindi ito basehan ng galing ng isang tao.
Ang Prime Minister ng Japan, China, France at iba pang mauunlad na bansa, tuwid ba silang mag-English, natitiyak ko hindi, dahil hindi iyon ang prioridad nila kundi ang pagsilbihan ang bayan.
Mga nagsasamantalang tao diyan sa Malakanyang, magagaling sa English ang mga iyan. Aral sa Estados Unidos (isa nga riyan pinagmamalaki pang kaeskwela siya ng dating Pangulo ng US na si Bill Clinton) at kung magsalita ng English iisipin mong hindi pinanganak dito sa atin. Pinalalabas pa ay hindi lumaki rito sa atin at kung magsalita at umasta animo’y dayuhan, iyan ang nakakadiri at dapat pagtawanan. Magnanakaw na, mandaraya pa pero higit sa lahat plastic at ipokrita pa.
Tandaan nating lahat ang sinabi ni Gat. Jose Rizal: “ang isang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda.”

Tuesday, October 14, 2008

SIMPLENG PALIWANAG TUNGKOL SA ‘SINGIT AT TAGA’ SA C5 ROAD


Ang orihinal na plano para sa C5 road extension project o Carlos P. Garcia road ay sasalubong ito sa Coastal road sa pamamagitan ng isang flyover na tatawid sa South Luzon Expressway o SLEX pababa sa San Dionisio sa Paranaque.

Hindi ito pinayagan ni Senate President Manuel Villar na nung panahon na uumpisahan ang kalye ay pinuno ng Finance Committee ng Senado. Isa siya sa mga bagong senador nuon na tumakbo sa partido ni Madam Senyora Donya Gloria. Napili siya bilang kandidato ng Malakanyang bilang pabuya sa ginawa niyang ratsadong pagpasa ng impeachment case ng Kongreso laban kay dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada. Siya ho ang Speaker ng Kongreso ng panahong iyon pero utang niya kay dating Pangulong Erap ang pagiging speaker niya.

Pinagpilitan niya na iliko ang daan na orihinal na magmumula sana sa Paranaque at puwersahan itong nilihis sa Las Pinas kung saan marami siyang ari arian. Dahilan dito, bilyong piso ang nawala sa gobyerno kagaya ng pagbabayad na ng P1.2 billion pesos para sa lupain na pag-aari ni Bro. Mike Velarde. Bukod pa rito ang dagdag na gastos dahil humaba ang kalye at kesa tuwid ay nagmistulang ahas na paikot ikot sa lupain ni Singit at Taga, oops, Sipag at Tyaga pala o ng kanyang pamilya.

Napilitan rin ang pamahalaan ng gumastos ng dagdag na P354,870,000 pambayad sa 39 na lupain na daraanan ng bagong kalye. Sa 39 na lupa, 12 rito ay pag-aari ng mga Villar.

Matindi pa nito mga lupain na hindi pag-aari ng mga Villar ay nabili sa halagang P4,000 per square meter samantalang ang sa Pangulo ng Nacionalista Party ay umaabot ng P30,000 kada square meter. Sobra yata laki ng diperensiya nuon.

Puwera pa rito ang pagsingit ng P200 million sa 2008 budget ni Villar na ginamit rin para sa kalyeng dadaan sa mga lupain niya, pamilya niya o corporation nila. Katotohanan dinoble niya pa nga ito.

Maikli at simpleng paliwanag lamang ito pero shoot na shoot na singit at taga ang ginagawa ni Villar. Malinaw na ginamit niya ang posisyon niya upang makinabang. Anuman ang ibang palusot niya ay hindi uubra. Iyan din ang dahilan kaya hindi siya ang sumasagot at nanahimik na rin karamihan sa mga bata niya dahil malinaw na malinaw na ang ebidensiya.

Kahit hindi abogadong gaya ni Sen. Alan Peter Cayetano o ni Sen. Joker Arroyo ay kitang kita ang bahong ginawa. Ang laging tanong ay nakinabang ba si Villar dito? Kumita ba siya rito?

Simpleng tanong, simpleng sagot OO.

******Sen. Alan Peter Cayetano, taas ng pagtingin namin sa inyo. Bakit kayo nagbago. O baka naman lumabas lamang ang tunay na kulay niyo. Sana hindi totoo na kayo ay nakiloko. Nananalig ang mga taong bumoto sa inyo, na kayo ay makatao at maka Filipino. (pakipasa ho ito hanggang makarating kay Sen. Alan, baka magbago –

Friday, October 10, 2008

COMPUTERIZATION NG LTO, MALAKING ANOMALYA

Sa pamamagitan ng House Resolution No.803 ni Rep. Plaza na nagpapaimbestiga sa muti-bilyong pisong kontrokta ng Stradcom at DOTC/LTO lalabas ang isang anomalyang parang sa iskandalong ng ZTE na kinasangkutan ng DOTC ayon sa ilang kawani ng LTO.

Mula pa ng nag-umpisa ang proyektong ito, ang Stradcom na ang halos nagpapatakbo ng ahensya na ipinagtataka at inerereklamo na ng marami.sa mga opisyal nito.

Ayon sa report, kahit na sino pa ang nakaupo na pinuno ng LTO, sunod sunuran pa din ang LTO sa mga gusto ng Stradcom. Ito daw ay maaring kasangkot kung hindi man nasa likod ng maraming katiwalian sa LTO lalo na sa smuggling at carnapping.

Papaano nga naman maipapasok sa database ng LTO ang mga na-carnap at smuggled na sasakyan kung hindi sila may pahintulot, tanong ng mga nakakaalam. Bukod pa ito sa kasulukuyang iskema ng bayaran sa LTO na Stradcom ang kumakamal ng mahigit 2 bilyong piso kada taon kahit bulok at paputolputol ang sistema nito bukod pa sa mali maling datos na nilalaman ng database na Stradcom rin ang gumagawa.

Dagdag pa dito, napupunta pa din sa Stradcom ang mahigit sa 400 milyon mula sa iba pang interconnectivity projects nito na dapat ay sa LTO diretso mapunta. Inaabuso nito ang kasalukuyang posisyon bilang nagmamay-ari ng computer at IT facilities ng LTO para kontrolin at angkinin ang lahat ng iba pang pwedeng pagkakitaan sa LTO.

Nagbibigay lamang ng 3-6 ng porsyento ang Stradcom sa LTO kahit na ang database na syang pinagkukunan ng Stradcom para sa validation nito ay pag-aari ng LTO at ng gobyerno.

Diumano, ang pagsali at pag takeover ng GSIS sa industriya ng CTPL Insurance ay isa na namn daw sa mga pakana ng Stradcom upang lubos na manipula at angkinin ang mga gawain sa LTO upang maging inutil na ito sa pagtatapos nga kontrata at mapilitan na di matanggal ang Stradcom. Ito diumano ang nagsilbing ‘broker” ng negosasyon at syang mangongolekta ng biyon na kikitain upang ipamahagi sa ilang tiwaling opisyal para magamit sa eleksyon..

Sa pagtatapos ng kontrata ng Stradcom sa 2010, ang database ng mahigit 4 na milyong sasakyan at 12 milyong drayber ng buong Pilipinas na syang pangunahing responsibilidad nito ay di pa rin naisasayos dahlia sa malimaling impormasyon na nilalaman nito. Kahit pa nga ang mga na-carnap at illegal na ipinasok sa bansa na mga sasakyan ay nagmistula ng legal dahil naipasok na din ito sa database ng Stradcom.

Umaasa ang matitinong empleyado ng LTO na matuloy na sa wakas ang parati na lang nakabinbin na imbestigasyon ng Stradcom upang maisatama na at maisa-ayos ang mga gawain sa LTO.

Tanong nga lang ay kaya ba nila ang kasabwat ng STRADCOM, balita natin, isang literal na mataas at malaking opisyal ito sa Malakanyang.

******
Sobra sakit ng nararamdaman ng pamilya ni Vivian Hultman at iba pang mga kamaganak ng ibang nabiktima ni Claudio Teehankee Jr. dahil sa desisyon ni Madam Senyora Donya Gloria na palayain itong mamamatay taong ito.

Kesa mga katulad ni Teehankee ang binigyan niya ng executive clemency o Presidential Pardon ay dapat ang mga mahihirap ng nakakulong na marami ay inosente at nahatulan lamang dahil sa hindi makakuha ng abogadong maayos. Wala na nga silang pera, wala pa silang koneksyon sa Malakanyang.

Iba talaga ang hustisya kay Madam Senyora Donya Gloria. Ang mahirap mabulok, ang mayaman at makapangyarihan at kakampi patawarin.

Tuesday, October 7, 2008

PIDAL - VILLAR BUO NA ANG ALYANSA

Nitong nakaraang ilang araw ay dinagsa tayo ng text mula sa ilang numero na lubos pa tayong tinatakot at pinagbabantaan dahil sa mga sinulat natin tungkol kay Senate President Manuel Villar na mas kilala ngayon bilang si Mr. Singit at Taga.
Problema nga lang ng mga bayarang mga taong pero mga duwag gaya ng amo nilang si Singit at Taga ay hindi nila binago man lang ang kanilang mga prepaid card. Buong akala nila hindi natin naitala ang mga number ng kanilang cell phone.
Karamihan sa mga numerong nananakot at nagbabanta sa pagtuligsa natin kay singit at taga ay kapareho nung mga violente ang reaksyon sa column natin mula pa sa ANG PILIPINO STAR NGAYON na walang takot na pinupuna at binubulgar ang mga katiwalian ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria at Jose Pidal at mga kampon nila.
Joint forces na kayo ha, sabagay bagay naman kayo magsama sama dahil ang katotohanan iisa lamang ang layunin ninyong lahat at iyan ay patuloy na pahirapan at pagsamantalahan ang sambayanan. Buo na ang alyansang Pidal – Villar.
Gaya ng lagi kong sagot sa mga nagtatanong kung hindi ba tayo natatakot, isa ho ang sagot natin, kinakabahan tayo dahil tao lamang tayo pero bahala na sa atin ang DIYOS. Pananalig sa KANYA ang laging sagot natin.
Paninindigan ko na ang paglaban kong ito at naniniwala akong marami ang kagaya natin na hindi kayang suhulan o takutin ng mga taong ito.
Sa mga taong nagpaparinig naman kung maaari ba tayong kausapin upang medyo maghinay hinay tayo kay sipag at tiyaga pati na kay Jose Pidal at Madam Senyora Donya Gloria, ito ang kasagutan ko at sana tatak niyo sa kukote niyo – wala akong balak na pakainin ang pamilya ko ng ninakaw na yaman dahil naniniwala tayo sa karma o gaba.
Panuorin niyo ho ang mga corrupt na iyan, darating ang araw ang mga anak at apo nila ang magbabayad ng kawalanghiyaan nila. Tingnan niyo ho sila kung magkasakit, mga matitinding karamdaman na bukod sa magastos ay super hirap sa kanila. Tiyaka, kahit na ano ang yaman nila, impiyerno rin ang tuloy nila.
******
Halos 40 kumpanya, tao o pamilya ang binayaran ng Department of Public Works and Highways para sa right of way ng C 5 road o Carlos Garcia avenue. Sa bilang na ito, 12 ang pag-aari ni singit at taga, este Senate President Manny Villar.
Tiyak sasabihin na naman nitong si Sen. Alan Peter Cayetano na anong masama rito eh mayaman naman ang amo niya. Tama Sen. Alan, kaso tanong ko lamang sa iyo, bakit sa ibang mga nag-mamayari ng lupa ay mura ang binayad para sa right of way samantalang sa singit at taga ay mas malaki at meron pa ngang ilang doble. May mga P4,000 ang bayad per square meter pero bakit kay Villar, pamilya niya o sa mga kumpanya niya P30,000 per square meter.
What are we in power for? Tanong ng yumaong Senate President din na si Jose Avelino na Pangulo rin ng kanyang partido nung panahong iyon. Ganun rin kaya ang tanong ng ama ni Senator Alan Peter Cayetano na si yumaong Senador Rene Cayetano na inimbistigahan ng Senate Ethics committee tungkol sa mga BW shares niya nuon?
Ulitin lang natin ang tanong: “What are we in Power for?”

Saturday, October 4, 2008

Chameleon - Inquirer Editorial (100408)

MANILA, Philippines—It’s probably too late now to stop Congress from passing the bill compelling media organizations to air the side of anyone who has been criticized or accused of wrongdoing. The Senate version of the bill, principally authored by Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., was approved last June, and a counterpart measure, sponsored by Rep. Monico Puentevella of Bacolod City, is scheduled for floor debates anytime soon in the House of Representatives.
The twin measures would require media organizations to publish or broadcast the reply of anyone who has been accused of committing any crime or who has been criticized “by innuendo, suggestion or rumor for any lapses in behavior.” In the House version, the reply must be used not later than one day after delivery, while the Senate version gives a three-day deadline. And it would not be enough to print or broadcast the reply. It has to be of the same length as the offending article and it must be published on the same space. Failure to comply would merit fines ranging from P10,000 to P50,000 in the Pimentel bill, while in Puentevella’s version the fine could go up to P200,000; offenders could be jailed for a period of up 30 days and the publication or broadcast station could be shut down for a month.
The authors and supporters of the bill cite the need for “fair play” and “equal treatment” to justify the measure. And while Puentevella complains that he has been “victimized” by “unscrupulous people [who] use newspapers to malign others,” Pimentel has said his bill is “not an infringement of the freedom of the press” but an “expansion of that right.” Pimentel said publishing or airing the side of aggrieved parties would even strengthen the media’s credibility and protect journalists by eliminating a source of grievance that has led some powerful individuals to file libel suits or hire criminals to harass or kill “defaulting journalists.”
The bill is, in fact, a poisoned chalice that cannot even pass the practicality test. Consider, for instance, a situation in which a newspaper has published an article deemed derogatory by a senator. If the story rated a banner headline, then his reply, once delivered, has to be the banner, too, and not even a nuclear explosion in Metro Manila can nudge it away from the most prominent space on the front page. Or consider a columnist who is not exactly enamored of President Gloria Macapagal-Arroyo: Under this bill, he must yield his space (and forfeit his pay) every time Ms Arroyo feels like taking issue with what he has written about her. And a letter to the editor will take the place of an editorial soon after a newspaper criticizes a government official.
What the bill will do is to turn a newspaper that takes its job seriously into a journalistic chameleon: watchdog one day, and lapdog the next day, a critical organ one day and an administration mouthpiece the next day. How is that for credibility?
If forcing media organizations to publish everybody’s own version of a story that put them in a bad light is supposed to help enhance their credibility, the media can do without the help. Journalists don’t need to be reminded that credibility is essential to any news organization’s survival. But substituting legal diktat for independent news judgment won’t enhance the credibility of any news organization. It just curtails a news organization’s right to exercise editorial judgment and discretion and it will ultimately kill press freedom.
With Congress dead set on mounting this fresh assault on the media’s independence and freedom, all that the press can do is trust the Supreme Court to rush to its defense when the time comes. It would be useless to ask the President to veto the bill once it is sent to her desk. Proclamation 1017, which the police and military used as an excuse to shut down one newspaper, should indicate where her sympathies lie as regards this piece of legislation. After all, this is an administration that didn’t think twice about handcuffing and detaining journalists for the “crime” of covering the standoff at Peninsula Manila.
The press is likely to have better luck with the Supreme Court. The Constitution clearly says: “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression or of the press.” Following dictation is not an exercise of freedom

Friday, October 3, 2008

LAHAT BINIBILI

Bumabaha talaga ng salapi nitong mga nakaraang araw dahil sa binunyag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson laban kay Senate Manuel Villar tungkol sa P200 milyong “singit at taga” sa “C5 at tago.”
Ilan sa mga kasamahan natin sa industriya ang malungkot na natapalan ng mga kilalang operator na trabaho ay baluktutin ang tuwid at guluhin ang tama.
Isa sa operator na lumutang na ay paboritong hatchet man ni Madam Senyora Donya Gloria dahil walang atubili nitong sinaksak si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada nung mga huling araw ng paninirahan niya sa Malakanyang.
Ilan naman sa mga naayos ay isang pahayagang dati rati ay kagalang galang pero dahil sa subsidiya na binibigay ni Villar ay nagmistulang juke box na hinuhulugan ng barya at tutugtugin na nais ni Sen. Joker Arroyo at Alan Peter Cayetano.
Hindi natin babanggitin ang pangalan ng pahayagang ito dahil baka sumikat pa at madagdagan ang kanilang sirkulasyon na kasalukuyang 2,000 lang kada araw at binibili at pinamimigay pa nung taga riyan sa Shaw boulevard sa Mandaluyong.
Of course iintindihin na lang rin natin ang isa pang mamamahayag kuno na malaki ang ginagastos sa pagpapagamot. Kailangan niya ng pambayad sa ospital na magpapahaba ng kanyang buhay para lalo niyang maranasang nabubulok ang kanyang katawan na magbibigay sa kanya ng matinding hirap at sakit.
Marami pa hong iba pero sa inyong lahat isa lamang ho ang paalala natin, nagmumukha ho kayong mumurahin sa ginagawa ninyong pagtanggap ng salaping galing sa nakaw. Tandaan ninyo, ang binibigay sa inyo ay galing sa mga kapuwa nating Pilipinong inagawan ng lupa o di kaya’y pwinersa ipagbili ang munting lupain ng mga landgrabber na nagpapanggap na masisipag at matitiyaga.
Bukod kasi sa madadamay kayo sa poot at sumpa ng mga biktima ng “singit at tiyaga” operations ay binubukulan pa ho kayo ng husto dahil barya literal ang binigay sa inyo samantalang ang halagang nakuha mula sa mga aktibidades na ala C5 at tago ay nasa bilyong bilyong piso.
Bukod pa ho rito ang pambubukol na inaabot niyo mula sa mga operator na walang gagawin ngayon kung hindi gibain at siraan si Sen. Lacson at mga natitirang kaalyado. Milyong piso ang tinanggap ng mga operator pero ang pinamumudmod sa inyo ay barya. Katotohanan ay nakakaawa kayo, nagmumukha kayong laos na pokpok na ultimo kapirasong dignidad ay pinagbili.
Para ho sa inyong kaalaman, ang mga pagador ni singit at taga ay tumanggap ng mahigit P20 milyong piso para pantapal sa ilang corrupt na miyembro ng media at ilang mga pulitikong nakasahod sa kanya pero magkano lang ba ang natanggap niyo.
Of course, batiin natin ang marami sa mga kasamahan natin na hindi nabulag at hindi talaga tumanggap galing sa mga mapagsingit at mapagtagang grupong ito. Ilan sa kanila ay hindi masilaw dahil alam na alam nila ang mga landgrabbing activities ng mga taong ito. Katunayan, ilan sa kanila ay muntik mabiktima ang kanilang kamag-anak ng mapagpanggap na taong ito at ng kanyang kumpanya.
Karamihan naman sa mga kapatid sa media na hindi nasilaw at literal na hindi tumanggap ng kuwarta o pabor na galing sa kasamaan, saludo kami sa inyo at patunay na may pagasa pa ang Pilipinas dahil naninindigan pa rin kayo.
******
Siyanga pala, bisitahin niyo ang www.singitattaga.blogspot.com kung saan marami pa kayong mauunawaan at malalamang katotohanan.
******
Para sa reaksyon text sa 09273893248

Search This Blog

Loading...