Maraming nilahad si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III tungkol sa mga gawain ng nakaraaang ni Madam Senyora Donya Gloria at ng kanyang mga pamilya, tauhan, kakutsaba at kakampi.
Tuwiran kong sasabihin na kulang pa ang mga nilahad na ito, marami pa ang matutuklasan ng mga bagong appointee ni P – Noy sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Magalit na o magwala ang mga kakampi at kakutsaba ni Madam Gloria pero ang katotohanan ay ginawa nilang isang buong Mafia ang bansang Pilipinas, kung saan ang tongpats at iba iba pang uri ng kitaan ay nagmumula sa taas pababa ng pababa at walang pinatatawad ultimo mga maliliit na proyekto.
Kasama na riyan ang mga gawain ng mga local na ehekutibo na malalapit kay Madam Gloria kagaya na lang ng mga Barbers na sa kanilang huling ilang buwan ng panunungkulan sa Surigao ay ginawang Xerox ang pag-iisyu ng mining permit.
Ganundin sa Manila Waterworks Sewerage System na binulgar ni P – Noy na saksakan ng laki ang mga kinukubra ng mga miyembro ng board na pawing mga appointee ni Madam Gloria. Pakihalukay na rin ang isang kontrata riyan na halos kasabay ng ZTE – NBN deal na niratsa at pinaspasan. Huwag
Maraming marami pa hong iba. Talagang naging talamak ang nakawan dahil sa simpleng dahilan at iyan ay kung ang nasa itaas ay nuknukan ng ganid, paano mo sasabihan ang nasa ibaba na gumawa ng tama at bawal ang magnakaw.
******
Ang pagsisiwalat ni P – Noy ng mga masasamang gawain ni Madam Gloria ay isang magandang pangitain para sa ating bansa.
Sa ginawa niyang pagbubulgar na ito sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address ay pinakita niya ang isang makakatotohanang larawan ng ating bansa na iniwan ng isang ekonomistang aral pa sa Estados Unidos na bangkarote.
Kahit paano ay malilinawan nating lahat ang tunay na kalagayan ng bansa na
Patunay rin ang pagsisiwalat niya na nais niyang ipakita ang isang tuwid na daan kumpara sa isang paliko likong daan. Kahit ano ang sabihin ninyo, sa mga unang hakbangin ni P – Noy katulad ng hindi paggamit ng wangwang at ang pag-amin sa tunay na kalagayan ay senyales na sinsero ang ating Mahal na Pangulo at nasa tama ang kanyang puso.
Tulungan natin siya at wala tayong makitang dahilan bakit hindi uusad ang ating bansa.